THE BEGINNING

274 10 2
                                        

"Ano tapos na ba yan? Ang dami nang tao sa labas."

"Ito na po." Iniahon ko na sa kumukulong mantika 'yung mga fried chicken at inilagay sa stainless na lalagyanan saka iniabot 'don sa mga nagpeprepare nang pagkain. Hindi na ako magkanda-ugaga dito sa kakasalin ng mga manok.
Dahil sa dami ng tao sa labas.

Nang maisalin ko na lahat ay pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko.

Hayys. Nakakapagod. May isa pa akong sideline na kelangan puntahan. Kailangan kong magtrabaho ngayon pangdagdag panggastos na rin sa bahay at sa mga kapatid ko.

Lumbas na muna ako ng kusina at nagtungo sa likuran nitong kusina. Hindi naman nakakadiri ang likuran ng kusina dahil malinis ito. May mga maintenance na nagpapanatili ng kalinisan dito. Umupo ako sa mahabang upuan na nasa silong ng lugo.
Tinitigan ko ang kamay ko. Nanginginig ang mga ito dahil sa pagod. Napabuntong hininga na langa ako.

"Mukhang pagod na pagod ka ah?" Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Si kuya Mark lang pala. Anak nang pinagtatrabahuhan ko. Gwapo sya pero ahead sya nang apat na taon sakin. Crush ko nga sya e. Pero may asawa na. Sulutin ko kaya. Charot.

Nginitian ko lang sya. Inalis ko na ang apron ko sa pagkakasuot.

"Oh!" Inabutan ako ni kuya nang juice. Inabot ko naman ito. Nakakahiya naman kung tatanggi ako. Mwehehehe.
Hindi ko na inubos ang juice n binigay niya at tumayo na.

"Salamat kuya sa juice.. alis na po ako" pàalam ko saka nagbow nang kaunti..

"Sige. Ingat ka sa daan."

"Ingat sila sa akin. Hahaha" sabay pakita ko sa muscle ko na hindi naman malaki. -___- Muli akong pumasok sa kusina at kinuha ang gamit ko. Tinatamad na akong magbihis.

"Ma'am. Alis na po ako" paalam ko rin kay Ma'am Vae (nanay ni kuya Mark) nang madaanan ko.

"Ah! Wait." Palabas na ako nang tawagin nya ako kaya napahinto ako at nilingon si Ma'am. May hawak hawak syang puting sobre.

"sweldo mo nung last month. Nakalimutan ko kasing ibigay sayo."
Kinuha nya ang kamay ko at inilagay dito ang puting sobre.

"Naku! Nag-abala pa po kayo. Hehehe. Pero salamat po dito." Sabay taas nang sobre. "Sige po."

"Sige"

Paglabas ko nang karenderya nya. Binuksan ko na ito. Natampal ko na lang ang aking noo pagkakita ng laman.

"Aish!! Napakatalaga nya. Ito lang yun?" Inilabas ko pa ito sa sobre at binilang. "15k lang? Ahh!! Kung hindi ka lang pinagsabihan nang anak mo di mo pa ako papaswelduhin eh." Pagmamaktol. Masyado kasing mhigpit sa pera 'yon na kahit na ang mga trabahador niua ay hindi niya papaswelduhin kung hindi lang siya pagsasabihan ng kanyang anak.

Kabwisit. -_______-

Dumiretso naman ako kanila mang kanor at nagtrabaho sa kanila. Taga luto rin ako roon. Pero hindi taga-prito ng manok. Si Mang Kanor ay matanda na at may isang anak na may Cancer. Ang asawa niya ay namatay rin dahil sa cancer.

"Alice, Salamat iha. Sa susunod ulit"

"Opo." Kumaway pa sa akin ang matanda kaya kinawayan ko rin ito pabalik. Masaya akong naglakad pauwi.

Habang naglalakad ako sa dilim ay nakaramdam ako nang kakaibang presensya. Weh?

Napadaan ako sa madilim na parte nang street nang biglang magsitayuan balahibo ko sa batok..

"Why I am having this goosebumps. Aishh" niyakap ko ang sarili ko. Bat parang ang layo naman yata nang nilalakad ko..

Biglang nagpatay sindi ang mga ilaw.
At lumakas ang ihip nang hangin.

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon