C:13

49 3 0
                                        

After 3 years. Masayang nagsama sina Drake at Alice. May roon na silang isang anak na lalaki. Ngunit isang pagsubok nanaman ang dumating sa kanila.

"Drake, kumain ka na?" Masiglang tanong niya kay Drake habang nagaayos ng necktie nito. Hindi siya pinansin ng asawa.

"Ako na mag-ayos niyan." Hahawakan na sana ni Alice ang necktie upang ayusin ngunit tinabig lang ni Drake ang kamay ng asawa.

"Tapos na ako. Bantayan mo na lang si Thunder." Masungit at matitigas na turan nito. Tumango na lang si Alice upang sumang-ayon. Umalis na ang asawa nito. Nilingon niya ang asawa dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya.. Napaupo na lang siya sa sahig at nanlulumong humagulgol.

"Bakit hindi mo ko kayang paniwalaan?" Tanong nito sa sarili habang takip nito ang mukha.

"Ma.." Tawag ng maliit na boses sa kanya. Nagpunas agad ng mukha si Alice bago nilingon ang anak na bagong gising lang.

"Anak. Good Morning!" Pabati nk Alice sa kanyang anak na may ngiti sa mga labi. Tumayo siya at nilapitan ang anak saka kinarga.
"May gusto kang kainin?"

Umiling lang ito at niyakap ang ina.
"Nag-away nanaman po kayo ni papa?" Biglaang tanong ng anak sa kanya.

Naramdaman niyang may lumandas na luha sa kanyang pisngi.

"Hindi anak. Hindi naman kami nag-aaway ni papsi."

"Bakit ka po umiiyak?" Nagulat siya dahil sa tanong ng anak kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya. Napangiti siya ng mapait saka pinunasan ang nakatakas na luha.

"Hindi naman anak,eh. Look to momsi.." Lumayo ng bahagya ang kanyang anak at tinitigan siya nito. "Di ba hindi naman?" Pilit na saad nito.

Maganda ang mga mata ng kanyang anak na kulay berde. Pinunasan ng anak nito ang kanyang pisngi.

"Sa susunod mama. Wag ka ng iiyak ah.. Lagi na lang ako nag-aalala sa inyo ni papsi." Malungkot ngunit malalim ang pagkakasabi nito. Ngumiti si Alice kay Thunder at ibinaba ito. Pumunta na ito sa kusina at pinaupo ang anak. Hinandaan ni Alice ng gatas at ibinigay sa anak. Inihiga ni Thunder ang ulo sa mesa at tinitigan lang ang gatas.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Alice.

"Wala po.." Saglit na huminto ang anak at pinaglaruan ang rim ng baso saka muling nagsalita. "Ma!! Pwede po ba kayo ni papsi bukas?"

Nagulat si Alice sa tanong ng anak. Hindi nito maapuhap ang isasagot.

"Ah. Eh! Ano kasi.. Baka busy ang papsi mo?" Utal utal na sagot ni Alice. Bigla namang nalungkot ang mukha ni Thunder. "Pero kakausapin ko ang daddy mo." Pagbawi ni Alice.

Pero hindi pa rin nababago ang mukha ng kanyang anak. Hindi malaman i Alice ang gagawin. Kung dati ay masaya pa sila ngunit ngayon ay nag-iba. Hindi na sila tulad ng dati. Na puno ng masasayang alaala ang bahay.

"Gusto ko.. Magbati na kayo ni papsi. Ma.. Wag na kayong mag-away please. Mag-bati na kayo ni papa. Gusto ko ulit makita ang mga ngiti mo mama. Gusto ko pong makita ulit ang masasayang mga mata mo mama..." Dire-diretsong sabi ng kanyang anak... Tuloy tuloy ang pag-agos ng mga luha ni Alice.. Lumapit si Thunder sa kanyang ina. Umupo si Alice upang magkapantay sila ng anak.

"Sorry, anak. Kasi nasasaktan ka sa sitwasyon namin ng daddy mo.." Niyakap ni Thunder ang ina.

"Don't say sorry, Mom. It's not your fault." Lumayo saglit ang anak at tinitigan ang ina. "Wag ka na iyak, mama." Aniya, sabay punas sa mukha ng kanyang momsi..

Sa murang edad, ay agad na-unawaan ng kanilang anak ang mga nangyayari. Sa murang edad ay nakaranas na ito ng hind masayang pamilya...

Pumapasok na si Thunder sa nursery. Hindi siya nakikihalubilo sa ibang mga bata dahil takot sa kanya ang mga ito. Minsan na itong mutikang makapatay dahil sa pinaglaruan ang kanyang paboritong libro. Binugbog niya ito ng husto mabuti na lang ay agad siyang napigilan.

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon