Umaagos sa punyal ang dugo ni Alice. Tuwang tuwa naman ang huli.
"Hayaan mo. Hindi ka na mag-iisa pa, sasamahan kita hanggang sa malagutan ka ng hininga.. Hahaha.."
"Hmm.. Hmmm."
"Ano? Wala akong maintindihan?"
Isang hagupit ng latigo ang tumama sa hita ni Alice. Puro pasa na ang kanyang katawan dahil sa bugbog na natamo nito..
Kahit anong tawag nya kay Drake ay walang dumarating..
"Drake! Asan ka na ba? Kelangan kita ngayon. Akala ko ba gwardya kita?.." Bulong nito s kanyang isipan..
Isa-isang nag-unahan ang mga luha ni Alice. Naiiyak sya dahil pinabayaan sya ngayon ni Drake. Lagi naman e. Lagi syang napapahamak. Sana na nga lang hindi nya nakilala si Drake.
Marahas na inalis ni Claire ang takip sa bibig ni Alice.
"Hayop ka. Ano bang kailangan mo ha..?"
"Kailangan ko? Ah oo. Si Drake.."
"Di ba nakuha mo na sya..? Ano pang kailangan mo sa akin..?"
"Sayo..? Ang mamatay ka. Inagaw mo sa akin si Drake. Inagaw mo pati ang kaibigan ko.. Kelangan mong mawala sa buhay nya para ako na ang makita nya.."
"Ang babaw mo, sya ang unang lumapit sa akin. Pati kaibigan mo. Sayang nga't hindi pa ako tinuluyan eh. Kung hindi lang ako niligtas nang mahal mo, edi sana patay na ako. Hindi ka na naghihirap pa ngayon." Sarkastikong turan nya kay Claire na galit na galit nang nakatitig sa huli.
"Oh bakit? Sisihin mo sya, hindi ako." Dagdag pa nya.
"Manahimik ka!!" Sigaw ni Claire na gigil na gigil na.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki.
Nanlalaki ang mga mata ni Alice na nakatingin sa kanya. Diretso lang ang mata nya. Hingal na hingal na lumapit ang lalaki sa dalawa. Duguan ang mukha at pagod na pagod.
Puno nang sugat ang braso nito.
Agad na lumapit si Claire sa binata. At niyapos ang mukha.
"D-drake? Anong nangyari sa iyo? B-bakit puno ka nang sugat?" Nag-aalalang tanong nya.
"Drake! Nandito ka." Bulong nya sa hangin. Naluluhang tinitigan nya si Drake na nakatitig lang sa kanya at walang emosyon ang mga mata.
Dumating ka ba para ilugtas ako? O dumating ka para ipamukha sa akin na parang wala lang ang pinagsamahan natin at babalik ka na sa kanya?
Bulong ni Alice sa kanyang sarili.
"Drake namiss kita. Bakit ka nandito? Anong nangyari..." Hindi na naituloy ni Claire ang sasabihin dahil sa hinalikan sya ni Drake. Nanlalaking tinignan sila ni Alice.
Dahil sa eksenang nakikita ay nag-iwas na lang sya nang tingin habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha.
Bakit? Bakit? Ang daya mo naman. Yung mga ipinakita mo ba sa akin? Walang malisya iyon? Wala lang ba sa iyo iyon? Sana hindi ka na lang nagbigay nang motibo para hindi ako umasa. Akala ko mahal mo rin ako. Di pala." Sa isip-isip nya.
"Ang tagal kong hinintay ito Drake- -" Napahinto sa pagsasalita si Claire at napatingin sa kanyang butas na dibdib. Tuloy tuloy sa pag-agos ang kanyang dugo.
"B-bakit?" Pilit nyang sambit. Kahit na nauubusan na sya nang hininga. Kumapit sya sa mga balikat ni Drake. Nakapikit na rin sya. Wala nang marinig.
Akala ko hanggang sa huli tayo pa rin. Hindi pala.
Bagsak na ang katawan ni Claire na nakasandal sa mga bisig ni Drake. Mahigpit ang yakap nya rito habang tahimik na umiiyak.
Patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Tinignan nya ang kanyang duguang mga kamay.
"Patawarin mo ako. Hanggang sa huli. Mahal pa rin kita. Pero matagal ka nang wala. Mas mahal ko na ang ngayon."
Bulong nya sa tainga ni Claire.
Dahil rito ay hindi na nya napigilang umiyak pa at humagulgol na habang mas mahigpit pang niyayakap si Claire. Sa pangalawang pagkakataon ay muli nyang nakitang mamatay ang kanyang pinakamamahal sa kanyang mga bisig.
Tulala lang na pinapanood ni Alice ang tagpong ito. Tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nya. Nakaramdam sya nang lungkot at saya. Lungkot dahil nakikita nya si Drake na nahihirapan sa kanilang sitwasyon. Saya dahil iniligtas sya mula kay Claire.
Nagitla sya nang biglang sumigaw si Drake nang pagkalakas-lakas na nakapagbulabog sa mga paniki sa loob.
Sorry Drake! Sorry, dahil hindi kita madaluhan sa mga problema mo. Sorry. Sorry" sa isip isip nya.
Dumating si Nikholas sa kinaroroonan nila at kinalas sa pagkakatali si Alice. Hindi na nya inusisa ang huli kung ano ang ibinulong nya sa kanya.
Ang gusto nya lng na gawin ay magpahinga. Dahil pagod na sya.
Aaminin nya. Nakadarama sya nang lungkot dahil sa pag-iwan ni Drake sa kanya sa lugar na iyon.
"Kumusta na si Alice?" Tanong ni Drake kay Nikholas habang kakapasok palang sa silid nya. Nakaupo sya sa kama habang ginagamot ang sarili.
"Ayos lang. Pinagpahinga ko na, nakatulog na siya matapos nang nangyari. Inalis ko na rin sa kanya ang mga nakita nya na sigurado akong hindi nya ginustong makita. Inalis ko na rin tayo sa kanya. Ikaw nang bahala kung pupuntahan mo pa siya." Paliwanag nya.
Nanatiling nanahimik si Drake at ipinagpatuloy na lang ang paggagamot sa sarili. Pilit niyang inaalis sa isip ang ginawa.
Isang taon na ang lumipas. Masayang naglalakad si Alice pauwi sa kanilang bahay.
Nakaramdam sya nang kakaibang presensya sa kanyang paligid kaya agad nyang nilingon ang kanyang likuran.
Isang lalaki ang nakangiti sa kanya.
"Hi" masayang bati nito sa kanya. Naguguluhan man ay binati niya rin ito. "He..hello"
Agad siyang tumalikod at naglakad na para lang makalayo sa lalaki. Kasi kinikilig sya. Mabilis ang kanyang paglakad. Pati na rin nang knyang puso, tila ba'y nakikipag-unahan rin.
Mabilis naman syang nasundan ng binata at tinabihan sya sa paglalakad.
"Bakit nagmamadali ka?" Tanong ng binata kay Alice na patuloy pa rin sa pag-iwas sa binata.
Hoy! Alice. Pabebe ka ah! Ang gwapo nyan oh. Tinatakbuhan mo.
Maktol nang isip nya.
"A.ano kasi. Hinahanap na ako sa amin eh." Dahilan nya (totoo naman)
"Sa tingin ko, hindi naman. Kasi sigurado, busy yon." Kumpyansadong tugon nya sa dalaga habang sinusulyapan nya ito.
"Paano mo naman na sabi? Ni hindi pa nga kita kilala e. Kahit kelan di pa kita nakikita. Ngayon lang." Depensa naman nang isa.
"Ewan. Hula ko lang." Nakangiti nitong sabi habang pasulyap-sulyap sya sa dalaga.
Halatang irtado naman ang isa dahil sa mga pinagsasabi nang katabi niya na hindi naman niya kilala.
"Utot mo." Takbo siya sa kadahilanang kinakabahan siya. Hindi dahil sa natatakot siya sa presensya nung lalaki. Kundi dahil sa kinikilig siya.
"Parang nakita ko na siya noon? Saan nga ba yun?" Tanong niya sa sarili habang nakahiga sa kama. Hawak nya ang kanyang dalawang pisngi dahil sa maiinit ito. At halos dinig na niya ang kanyang puso.
"Ayy! Ano bayan." Nagpagulong gulonb siya sa kama. "Ano bang nangyayari?"
BINABASA MO ANG
DRACULA: The Epic Vampire (On Going)
VampirWARNING: DO NOT READ THE WHOLE FVCKING STORY. PANGET ANG KWENTO! PANGET!
