C-2: New students

141 7 0
                                        

C-2: New Students






Nagmadali akong tumakbo paakyat nang second floor. Kung bakit ba kasi walang elevator dito eh.

Papaliko na ako nang may makabungguan pa ako.

"Auch!" Ang sakit nun ah. Tumama kasi yung dibdib ko sa nakabungguan ko. >.<
Iniharang ko ang kamay ko sa dibdib ko. Kainis. Lalo pa atang na'flat. Aminado naman akong flat eh.

"Sorry miss. Di ko sadya." Hinging pagpaumanhin nung lalaki.

Ini-angat ko ang tingn ko sa kanya. Juicecolored bakit nyo po hinayaang magkasala ang aking mga mata. Huwag nyo po akong pabayan dahil lang sa lagi akong nakakakita nang mga gwapo. Higit pa sila sa mga gwapo dito sa school.

"Ah. Ayos lang. Sige mauna na ako." Pinulot ko na ang bag ko na lumipad sa sahig. Umalis na ako dun baka matuluyan pang magkasala ako.

Hingal na hingal akong huminto sa tapat nang pinto at napahawak ako sa gilid nito.

"YAH! THANK GOODNESS I'M NOT LATE" naibulalas ko nang malakas habang hinahabol ang hininga ko.

"Bat ngayon ka lang? Kanina pa nagsimula ang klase umalis lang si ma'am." Sabi ni Shanon.

Ha? Late na ba tlaga ako?

"Hayaan mo na. Di mapapansin ni ma'am yan." Dumiretso na ako
sa upuan ko. sa dulo ang aking pinaka paboritong upuan sa may tabi nang bintana.

May isang bakanteng upuan ang sa tabi ko.

"Kelan pa nagkaroon nang bakanteng upuan dito?" Tanong ko sa aking sarili. Itinulak ko ito gamit ang aking paa para mailayo ito sa aking tabi.

"May bago raw tayong kaklase." Lumingon ako kay Darren na kasulukuyang nagsusulat.

"Sino naman?" Hinila ko ang upuan ko palapit sa upuan nya. Nasa harapan ko lang naman sya. Ipinatong ko ang braso ko sa sandalan nang upuan nya at ipinatong ang baba ko.

"Ewan. Lalaki raw eh?"

"Weh?"

"Oo nga."

Biglang sumigaw yung President namin. "PARATING NA SI MA'AM. MAG SI AYOS NA KAYO." biglang nag si ayos ang mga kaklase ko pati ako napaayos sa kinauupuan ko.

Bumukas na ang pinto at iniluwa nito si ma'am.

"Okay class, it's too late to have a new classmate. Pero nandito naman na ako. You guys should treat him well. Okay Mr, introduced yourself."
Litanya ni ma'am.

Nalaglag ang panga ko nang mapagtanto ko kung sino ang bago naming kaklase.

"Hi! I'm Drake Zenthus. Sana maging maayos ang samahan natin."

Pagpapakilala nya sa harapan. Yung mga kaklase kong babae kinikilig kay Draco.

"Ang gwapo nya."

"Ngayon lang ako nakakita nang kasing gwapo nya."

"Break na tayo. Ang panget mo kasi."

"Quiet! " inihampas ni ma'am ang stick nya sa mesa para tumahimik na ang mga kaklase ko.
"Mr. Zenthus, pumunta ka na sa upuan mo."

Tumango lang ito at naglakad na papunta dito sa likod.

"Drake dito ka na lang." - g1

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon