C-11: Maniwala ka kasi!

59 2 0
                                        

"Ahh! Shit! Late na ako" dali-daling nagbihis si Alice. Late na kasi syang nagising. Nang matapos na ay bumaba na sya. Nadatnan nya ang kapatid nya at nanay nya na nag-aalmusal.

"Oh! Bakit tinanghali ka?" Tanong nang nanay nya na nagtitimpla nang kape.

"Bakit hindi nyo ako ginising?" Reklamo nya. Kumuha sya nang tatlong slice nang tinapay.

"Nag-day-dream siguro kagabi. Nakita ko kasi sya kahapon. May nakasunod na gwapong lalaki sa kanya. Tapos sya pa-chix. Yuck di bagay" singit nang kapatid nya habang taas baba ang tingin sa kanya.

"Hoy ikaw kulit. Nakita mo ko kahapon. Saan ka nanaman naglakwatcha? Aber?"

Napaiwas nang tingin ang kapatid nya at sumubo na lang nang tinapay.

"Ehem! May hindi ba sinasabi ang bunso ko?"

"Wala no." Mabilis na sagot nang kapatid.

"Weh? Bakit depensive ka?"

Binato ni Coco nang tinapay si Alice. "Pumasok ka na nga."

Natauhan naman si Alice sa sinabi nang kapatid.

"Ay! Oo nga pala. Ma sige, alis na po ako." Dali-daling lumabas nang bahay si Alice. Tinakbo nya ang kahabaan nang highway.

Habang tumatakbo sya ay may nakasunod sa kanyang kotse. Tumapat ito sa tapat nya.

Binaba nang lalaki ang bintana nang kotse at nilingon ang ngayoy naglalakad na si Alice.

"Hop in" sabi nung lalaki nang huminto ang kotse. Napa"huh?" Na lang si Alice. Yung lalaki nanaman kasi kahapon.

"Sakay na! I insist!" Malaki ang ngiti nung lalaki sa kanya. Napakamot na lang sya nang ulo. Tutal ay malelate na sya eh. Wag na syang pabebe.

Sumakay na sya at umupo sa likuran. Napngiwi naman ang binata saka tumingin sa mirror.

"Ginawa mo naman akong driver mo."

"Sabi mo, hop in. Ngayon magrereklamo ka. Bababa na lang ako."

Bubuksan na nya sana ang pinto nang biglang nakalipat na ang lalaki sa tabi nya. Nanlalaki ang mga mata nya. Paanokasi eh. Nakalapit na ang mukha nyasa kanya.

"Wala kang natatandaan?"

Biglang nagsalubong ang mga kilay nya. Naguluhan tuloy sya sa sinabi nang banata. Anong matatandaan? May dapat ba syang alalahanin? May utang ba sya? May kasalanan ba sya?

"A-anong dapat kong matandaan?" Napalunok sya sa sobrang kaba at lapit nang mukha nila sa isa't-isa. Jeskelerd, tumalon yata ang puso nya at sobrang bilis nito.

Umayos na sa pagkakaupo ang binata at napakamot sa ulo habang tumatawa nang marahan. Neke! Keenleb si kuya. Kyot nang tawa.

"Ah! Heheh! Wala! Wala!" Pumunta na sya sa harap at pinaandar ang kotse.

"Hatid na kita."

Weird! Yun na lang ang nabulong nya sa kanyang sarili. Pinark na ng binata ang kotse!

Bumaba na si Alice sa kotse at hindi na hinintay ang lalaki.
Napapitlag sya nang may magsalita sa tabi nya.

"Bat nang iiwan ka?"

"Ay butiki ka!"

"Ang gwapo ko naman para maging butiki. Hindi bagay!" Mahanging sambit niya. Pinagtitinginan na sila nang mga estudyante. Lalo na ang binata.

"Oo nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala. I'm Drake." Pagpapakilala nya.

"Drake? Parang narinig ko na ang panagalan nya. Saan nga ba iyon?" Wala sa sariling tanong nya sa sarili.

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon