Simula nung nangyari sa kweba ay lumayo sakin si Drake. Iniiwasan nya ba ako? Kapaglalapit ako sya naman ang lalayo. Kapag kakausapin ko sya maglalagay sya ng headphone. Kapag susubukan kong magopen up sa kanya bigla na lang sya magdadahilan na may gawin o anomang churvaness yan.
Isang linggo. Isang linggo nya akong hindi pinansin. Isang linggo nya aking nilalayuan ns hindi ko naman alam ang dahilan.
Simula talaga ng sa kweba na yan eh. Ano ba talaga ang nangyari?
Ang natatandaan ko lang ay yung nagsusuntukan na yung dalawa. Si Drake at yung sinasabi nilang pirated.
"Nikholas, ialis mo na si Alice dito. Bilisan mo"
Yun lang ang huli kong narinig dahil biglang nagdilim ang paningin ko.
Nagising na lang ako na nasa kwarto ko na.
Hindi naman siguro panaginip yun.
Tinignan ko ang upuan ni Drake. Bakante ito mula kahapon. Ano na kayang nangyari sa kanya?
Ilang beses rin akong sumisilip sa labas para tignan kung papasok sya o hindi..
Si Nikholas ay hindi ko rin nakikita.
May nangyari kayang hindi maganda sa kanila?
Sana naman wala.
Tatlong araw na ang lumipas wala pa ring Drake na pumapasok.
"Alice, peram ako nang notes mo sa Physics. Mangongopya lang ako"
Napa-angat ang tingin ko kay Shanon nang iabot ko sa kanya ang noteboik ko.
"Alam mo ba ang nangyari kay Drake?" Tanong ko. Tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Drake? Sino yun?"
"Kaklase natin yun."
Umiling lang sya at bumalik sa upuan nya sa harapan. Bakit? Bakit hindi nila kilala? Bat ako kilala ko siya? Ano ba talaga ang nangyayari?
Tinanong ko pa ang iba kong kaklase.
"Alice, anong nangyayari sayo?"
" Sino naman yang Drake na yan?"
"Wala tayong kaklaseng Drake"
Kahit anong pilit ko sa kanila lagi nalang nilang itinatanggi. Gago kang Drake ka. Hindi mo man lang sa akin sinabi kung aalis ka na. Edi sana sinabi ko ng mahal na kita.
Habang naglalakad ako pauwi. Napatitig ako sa paniking nakabakigtad sa may puno ng narra. Nakatitig ito sa akin..
Dahan-dahan akong umupo para kumuha ng bato habang nakatitig sa kanya.
Agad ko itong binato nang makabwelo ako. Tumama ito sa ulo nya at nalaglag sya. Halla nakapatay yata ako.
Bigla itong naging tao. Wait si Nikholas yun. Hawak-hawak nya ang ulo nya.
Agad akonh tumakbo palapit sa kanya.
"Aray"
"Uy! Sorry." Nagpalingalinga ako baka may nakakita sa kanya. Good to know. Wala namang naligaw dito.
"Papatayin mo ba ako?" Inis nyang turan sa akin habang dinadampian nya ng bimpong may yelo yung noo nya.
May bukol kasi >.>
"Nasan si Drake? Bakit wala sya?"
Nagiwas sya ng tingin sakin. At nagpatuloy sa pagdampi sa bukol nya.
BINABASA MO ANG
DRACULA: The Epic Vampire (On Going)
VampireWARNING: DO NOT READ THE WHOLE FVCKING STORY. PANGET ANG KWENTO! PANGET!
