Chapter 15

50 5 1
                                    

Hindi inaasahan ni alis ang mga sinabi ng kanyang asawa. Talagang sarado ang kanyang puso. Hindi man lang siya pinapakinggan nito. Tulalang umupo sa kama niya si Alice. Wala na siyang luhang maiiyak pa. Napagod na rin siguro..

"Sige kung yan ang gusto mo. Pagbibigyan kita."

Kumuha ng maleta si Alice at kinuha ang lahat ng damit saka padabog na inilagay sa loob ng maleta. May mga luhang gusto ring kumawala sa kanyang mga mata. Tumingala siya para pigilan ito..

"Potek! Akala ko ba wala na kayo? Bakit nagsilabasan nanaman kayo?" Inis niyang turan sa mga luha niya saka marahas na pinunasan ang mga mata..

"Bwisit"

Nang mailagay na niya ang lahat ay mabilis siyang lumabas ng kwarto nilang mag-asawa. Siguradong hahanapin siya ng kanyang anak kapag uwi nito galing sa school. Pero sigurado akong maiintindihan na niya iyon. Dahil matalino si Thunder.

Pagbaba na siya ng hagdan ng makita niya si Drake na matalim ang mgatingin sa kanya. Hindi niya kayang makipagtitigan kaya siya na ang umiwas dito.

"Saan ka pupunta?" Giit ng kanyang asawa. Nakapamulsa ito at dahan-dahang lumakad papalapit sa kanya. Napahakbang patalikod si Alice.

"Saan ka pupunta? Aalis ka? Sasama ka sa lalaki mo?" Nagtangis ang bagay ni Drake ng banggitin niya ang lalaki ng asawa.

Biglang nainis si Alice sa itinuran ng asawa..

"Hanggang kailan mo ba ipapamukha sa akin na may lalaki ako? Ha?"

"Hanngang sabihin mo ang totoo, Alice. Hanggang sabihin mo." Galit na ang kanyang asawa. Ngunit mas galit si Alice.

"Oo na. May lalaki na ako!! Oo na. Anak nga ito ng sinasabi mong lalaki ko. Oo na. Malandi na ako. Ano masaya ka na? Masaya ka na sa mga narinig mo, ha?" Galit na sigaw niya. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ni Alice. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Drake.

"Tangina. Ayoko na. Lahat ng mga sinabi at pinagawa mo. Tinitiis ko. Kasi mahal na mahal kita. Pero nakakasawa rin pala. Psh!!" Napangiti ng mapakla si Alice. "Iniisip ko, bakit nga ba kta minahal? Pero sana hindi na lang kita nakilala.!!" Sigaw niton muli..

"SANA NGA! SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAKILALA! PUTANG-INA ALICE! AKALA KO MAHAL KITA EH. PERO HINDI PALA! KASI MINAHAL KITA DAHIL KAMUKHA MO LANG PALA ANG UNANG TAONG MINAHAL KO!!"

Malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Drake na dahilan upang mapahinto ito sa kanyang sinasabi..
Galit ang nakaukit sa mukha ni Alice. Nanginginig ang kanyanv kalamnan na ano mang oras ay parang gusto niyang pumatay.

"Tama nga ako! Hindi ako ang mahal mo kundi ang kamukha. Pakshet!!" Saglit na huminto si Alice at tumingala upang pigilan ang mga luha na nagbabadyang pumatak saka tumingin kay Drake.
"Magfafile ako ng annulment. Let's end this relationship" dagdag pa niya. Hinila na ni Alice ang kanyang bagahe at lumabas ng bahay. Naglakad siya hanggang sa labasan at saktong may papadaan na taxi kaya agad niya itong pinara. Tulala siyang sumakay..

"Miss saan ka?" Tanon ng driver pero hindi ito narinig ni Alice. Napailing na lang ang driver at pinaandar na lang ito..
Pagka kunwan ay nakaramdama nang pagkahilo si Alice.

"Manong. Ihinto niyo na po ang sasakyan." Aniya. Itinabi ni manong driver ang taxi sa gilid sa tapat ng isang convenient store.. Kumuha ng isang libo si Alice at ibinigay sa driver.

Susuklian pa sana si Alice pero mabilis ito g bumaba ng sasakyan..

"Keep the change"dagdag niya. Naghanap agad ng trash can si Alice dahil sukang suka na siya.. Nang makakita na sya sa gilid ng kanto ay dali-dali itong tumakbo at doon sumuka.. Ipinang tukod nito ang kamay sa pader at napahawak sa kanyang tiyan. Pinagmasdan niya ang kanyanh tiyan.

"Kung totoo man na may laman ang tiyan ko. Thank you! Kasi magkakaroon na ng kapatid si Thunder. But I can't accept the fact that your father always accusing me na may lalaki ako." Kausa nito sa kanyang sinapupunan na ani mo'y maririnig siya nito. Dire-diretaong tumulo ang kanyang luha..

###

Excited na umuwi si Thunder sa kanila hawak ang kanyang pasalubong sa ina. Nakasunod lang si Drake sa kanyang anak. Nakapamulsa pa ito.

Agad na hinanap ni Thunder ang kanyang mamsi pagkatapak sa loob ng kanilang mansyon. Malawak ang kanyang mga ngiti..

"MAMSI!! I'M HOME!" Masayang tawag nito sa kanyang ina. Ngunit walang sumagot sa kanya. "MAMSI!" paguulit niya. Biglang napalis sa kanyang mukha ang kasiyahan at napatingin sa kanyang ama na naglalakad papasok sa loob ng kanilang bahay. Pabagsak na umupo sa sofa si Drake at idinipa ang braso sa sandalan ng upuan. Isinandal din nitp ang ulo at pumikit ng mariin.

"Pa si mama?" Tanong ni Thunder sa kanya. Nakatayo lang ang anak sa tapat ng malaking hagdan. Malungkot ang kanyang mukha na para bang iiyak na.

"Hindi ko alam." Lalong lumungkot ang mukha ni Thunder sa sagot ng kanyang ama. Napatungo na lang siya at tumitig sa sahig.

Ayaw niyang umiyak dahil iyon ang turo sa kanya ni Alice. Amiiyak yaw niyang ipakita sa kanyang nanay na umiiyak siya.

Ayaw niya ring ipakita sa kanyang ama na umiiyak siya. gustong niyang ipakita na hindi siya naapektuhan sa mga nangyayari sa pamilya niya pero bumaligtad ang kanyang sitwasyon.

nagtungo si darke sa kusina upang kumuha ng inum. kumuha ito ng baso at nagsalin doon ng tubig. tinitigan lang nito ang inumin. biglang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyayari sa kanilang magasawa. Bigla nitong ginulo ang buhok at hinagis ang baso. "Aaaahhh!" Sigaw niya sa galit. Sumandal ito sa pinto ng ref at nagpadausdos ng upo. Napahilamos na lamang sya ng kanyang mukha saka tumayo. At dali-dalin kinuha ang jacket na nakapatong sa upuan at mabilis na lumabas at agad na sumakay sa kotse. Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Hahanapin nito si ang asawa.

####

"Uy, Nikholas. Tulungan mo na kasi ako ah." Pangungulit ni Alice sa kaibigan. Nagkataong nagkasalubong ang dalawa sa may tulay. Maghahating gabi na. Kanina pa naglalakad si Alice.

"Ano nga kasi yun?" Tanong ng isa. Kanina pa sya kinukulit, hindi naman sinasabi kung anong tulong ang gustong sabihin.

"Tsaka bakit ka may dalang maleta? Naglayas ka?"

"Yun na nga yung gusto kong sabihin sayo e." Sabay kamot ng ulo si Alice.

"Ee. Ayoko. Baka ako pa malagot sa asawa mo."

"Hindi yan. Pinalayas na nga ako ni Drake e. Magfafile na nga ko ng annulment namin e." Bulalas niya na agad naman nyang napagtanto kaya napatakip sa sa kanyang bibig. Samantalang nanlalaki naman ang mga mata ni Nikholas dahil sa narinig. Nakaawang pa ng bahagya ang kanyang mga bibig.

"Pinalayas ka na nya?" Gulat na tanong ng kaibigan. Tumango lang si Alice bilang sagot. Nakatingin lamang ito sa kanyang mga daliri habang nilalaro-laro ang mga ito..

"Gusto kong lumayo kay Drake. Tulungan mo ko makaalis dito. Yung hindi nya malalaman kung nasaan ako. Please! Nikho!" Lumapit si Alice kay Nikholas at nagdaop palad.

"Please!"

"Oo na!. Kapit ka sa akin a..." Hindi pa natatapos ang sasabihin nya ng kumapit agad ito sa braso ng isa.

"Okay.."

Sorry baby, aalis lang saglit si mommy. Babalikan rin kita..

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon