C-14

72 4 1
                                        

C-14

DRACULA: THE EPIC VAMPIRE

Tinitigan ni Alice ang pulang rosas na hawak-hawak niya. Muli siyang napangiti nang maalala niya na gustong gusto ito ni Drake. Naalala rin nito na palagi niyang tinatapunan ng petal ng bulaklak ang buong kwarto ng asawa ngunit ngayon ay hindi na nito magawa. Hindi na siya pinapapasok ng asawa.

"Akala ko magugustuhan mo ito. Pero parang ayaw mo na." Naalala nito ang nangyari kanina. Pinigilan nito ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"May bago na ba? Hindi na ba ako? Sabagay, ang panget ko na kasi. Pinagtitiisan mo na lang naman ako e. Pero ang totoo nyan gusto mo ng makipag-hiwalay. Psh... Ayoko ng umiyak" tumingala siya at itinaas ang hawak na rosas saka ito tinitigan.

"Ibibigay ko sana sa'yo ito e. Pero hindi mo ko pinatapos. Di mo nanaman ako pinaknggan. Pero hindi ako susuko." Pagpapatuloy niya.

"Mama!!!"

Napalingon siya sa kanyang harapan ng may tumawag sa kanya... Sa tuwing nakikita niya ang anak ay agad napapawi ang kanyang kalungkutan.

"Baby!" Masayang tugon ni Alice sa anak saka kinarga at naglakad papasok ng mansyon.

"Para kanino yan mama?" Tanong ng anak ng mapansin ang hawak na rosas.

"Ito? Para kay papsi mo." Masayang tugon niya. Ibinaba ni Alice ang anak sa kwarto nito.

"Talaga? Ibig sabihin niyan magbabati na kayo?"

"Hmm.." Tumango si Alice. "Pagnabigay ko ito ay bati na kami.. Kaya halika dito, dali.." Tumabi si Thunder kay Alice sa pagkakahiga sa kama.
"May kwento ako sayo.. Mayroong babae noon na papauwi na sa kanila galing ng trabaho. Naglalakad siya noon ng magpatay sind ang street light.." Sandaling napahinto sa pagkukwento si Alice ng magsalita ang anak.

"Tapos biglang may lumabas na mumu?"

Napangiti si Alice sa sinabi ng anak. Hinawi nito ang buhok ng anak na tumatakip sa mata nito.

"Hindi.... Nagmadaling tumakbo ang babae at may nakabungguan pa siya. Isang lalaki." Matamang nakikinig lang sa kanya ang anak. Naalala ni Alice ang unang pagkikita nila ni Drake.

"Hindi sinasadya ng babae na mabunggo ito kaya humingi siya ng paumanhin. Pero hinigit ng lalaki ang braso ng babae kaya napagkamalan pa niya itong manyak..." Hindi namalayan ni Alice na nakatulog na pala ang sa kanyang braso.. Inayos ni Alice ang anak sa pagkakahiga at tumayo. Kinumutan ni Alice si Thunder..

"Simula nun naging masaya sila kahit napakarami nilang pagsubok na pinagdaanan. Kaya alam ko na makakaya ko ito. Maliit na bagay lang ito..." Bago nito iwan ang anak ay humalik na muna ito sa noo ng anak.

"Good night.."

Hating gabi na pero hindi pa rin tulog si Drake. Nakaharap ito sa kanyang laptop. Nang may biglang nagpop-up sa message box niya.

Nikholas: Nag-usap na kayo?
Seen 12:56 pm

Draco: Hindi. Ayoko siyang makausap.
Sent 12:58 pm

Nikholas is typing....

Draco: Hindi ko alam kung papaano siya kakausapin.
Sent 1:00 am

Seen

Nikholas: Gago. Paano kayo magkakaayos niyan kung pinapairal mo yang kagaguhan mo. Ni hindi mo nga siya pinapakinggan e. Mageexplain siya. Lalayasan mo. Magkakaayos nga kayo niyan.
Seen 1:05 am

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon