C-12 Alice in wonderland

75 3 0
                                    

Kausap ko itong dalawang gwapong ni lalang na ito. Pinagtitingina na nga kami eh. Rinig ko ang pag-uusap nang nasa kabilang table.

"Di ba yung dalawang guy, sila ag transferee?" G1

"Emeghed! Ang hot nila!!"

"Makalaglag panty girl!"

"But wait, who's that bitch? Bakit kasama niya yung hotties!"

Aba't nga naman oh! Ako? Bitch? What the heck!! Nilingon ko sila at tinignan nang masama. Ang sasama nang tingin nila sa akin. Tapos maya-maya ay biglang nagbago mga expresyon nang mga mukha nila. Mga naghahampasan at nagtatawanan sila habang pasulyapsulyap sa amin o dito sa dalawang unggoy?

Nilingon ko sila. Ay kaya naman pala. Nakatingin rin ang loko eh..

"Hoy! Yung sinabi niyo kanina! Hindi ako naniniwala. Period" isinubo ko na ang huling pasta na nasa tinidor ko. Pagkatapos ay uminom ng tubig. Baka mabulunan ako e.

Walang sabi-sabing tumayo ako at nagmartsa paalis. Nadaan ko pa yung mga malalanding babae.

"Tara girls lipat tayo" sabi nung haliparot na babae. Tumayo silang lahat at lumipat sa pwesto namin.

Tignan mo nga naman oh. Ngiting-ngiti pa ang dalawa. Susko po kung alam niyo lang.

Bahala kayo diyan. Maniwala raw. Eh pinagloloko lang ako nang mga yan eh.

Sa inis ko eh nagpatuloy na ako sa paglalakad. Palabas na ako nang marinig kong tumili yung babae at nagtatawanan naman sila.

Bwisit na Drake yun!

Hindi ko alam kung bakit ako bumalik. May sarili atang isip ang mga paa ko. Sandali silang natahimik nang nakatayo ako sa tapat nila.

"Excuse lang may nakalimutan kasi akong kunin."

"Ano bayan! Panira nang moment eh." Dinig kong reklamo nung isang blonde ang buhok.

"Sandali lang naman ito." Pumwesto ako sa likuran ni Drake at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Napasinghap naman yung mga babae at nginitian sila. Nakatingin lang sa akin si Drake na nagtataka.

"Kukunin ko na yung naiwan ko." Hinatak ko na sya patayo at hinila palayo sa mga babaeng unyango. Sandali kaming huminto at lumingon sa likod.

"Hoy! Nikholas wala kang balak umalos? O baka gusto mo lang dyan?" Sigaw ko. Dali namn syang tumayo at sumunod sa amin.

"Bakit ka nama nanghihila?" Tanong ni Drake. Naglalakad na kamj sa hallway habang hila-hila pa rin siya.

"Ayoko kasi nang may naiiwan akong pag-aari eh." Bigla naman akong natauhan sa sinabi ko. Ano bayan Alice. Walang preno ang bibig mo.

Napalingon ako sa kanya. Ayun abo't langit ang ngiti. Bigla nanamang bumilis ang tibok nang puso ko.

Agad ko ring inalis ang pagkakahawak sa kamay niya. Nakaramdam ako nang init sa pisngi ko.

Ano bang nangyayari sayo Alice. Hawak hawak ko pisngi ko at inipit-ipit ito. Nababaliw na ata ako. Binilisan ko ang paglakad ko. Ayokong makita niya ang mukha ko. No no no!

Napahinto ako sa paglalakad nang may dalawang braso ang pumulupot sa bewang ko. Mula sa likuran ko ay nilingon ko ito. Si Drake. Nakayakap sa akin at nakangiti.

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon