C-3: His Eyes

117 3 0
                                        

C-3: His Eyes


"Drake! Yohoo. Drake!" Tawag ko. "Nasan na yung gagong yun?" Hinubad ko na ang sapatos ko at umakyat sa taas.
Napadaan ako sa kwarto nya at kumatok. Bahagya naman itong nakabukas. Ayoko nang pumasok sa loob. Baka mamaya ay naka ano na lang sya..>.>

"Drake are you there? Bigla ka na lang kasi nawala kanina eh." Idinikit ko ang tenga ko sa pinto para makinig kung nandoon nga sya. Pero kahit isang kaluskos wala akong marinig.

"Baka wala pa nga sya." Maghahanda na muna ako nang makakain.

Hindi na muna ako nagpalit nang uniform ko at dumiretso na agad ako sa kusina para magluto.

"Bakit ko nga ba inaalala yung Draco na iyon? Pwe! Eh wala lang naman sya sakin. Bodyguard ko nga lang yan eh."

Nagluluto na ako nang makakain ko. Nang biglang may kumalabog sa taas. Malakas ang pagkakalabog. Dali dali akong umakyat at kinuha sa gilid ang tungkod ni lolo na sira.

Sa kwarto ni Drake nanggagaling ang ingay.

Dahan dahan kong binuksan ang kwarto nya. Dahan dahan rin akong pumasok. Pagpasok ko ay wala akong nakitang tao. Inilibot ko pa ang paningin ko. Nagkalat ang mga gamit nya. Lalapit sana ako nang matalisod ako.

"Aray!"

"Ugh".

Muntik nang tumama ang mukha ko sa sahig. Mabuti na lang at naipangsandal ko ang braso ko.

"Masyado mo naman nang ine-enjoy ang katawan ko."

Umalis ako agad sa pagkakadagan sa kanya nang mapagtanto ko ang pwesto namin. Na kapatong ako sa kanya at sa ilalim ko sya.

Sana lamunin na ako nang sahig na to ngayon. Sana biglang bumukas.. >///<
Bakit ang init? May aircon naman dito e.

Hindi sya gumalaw sa pwesto nya. Nakapikit lang ito at..at.

"Hoy! Anong nangyari sayo? Bat namumutla ka?" Tanong ko nang mapansin kong maputla ang labi nya.

Hinawakan ko ang noo nya.

"Auch! Ang init mo." Literal nang mainit ang mga tao at tumataas ito kapag may lagnat pero sa kanya kakaiba. Mainit na mainit sya na kulang na lang e, pwede nang pagprituhan nang itlog.

Dali dali akong kumuha nang maligamgam na tubig at bimpo.
Sa iba-iba. May na amoy akong nasusunog.

"Shit. Yung niluluto ko. Sunog na" halos liparin ko na ang kusina namin. Mabilis kong pinatay ang kalan.

"Bahala ka muna dyan. Mamaya na kita aasikasuhin." Kausap ko sa niluto ko na as if namang magsasalita.

Kinuha ko na ang maligamgam na tubig at bimpo saka umakyat sa taas.
Nadatnan ko siyang nakahiga pa rin sa sahig. Umupo ako katabi nya.
Pupunasan ko na sana sya nang pigilan nya ang kamay ko.

"Huwag mo kong hahawakan."
Sabi nya na parang mabibigat ang salitang kanyang pinakakawalan.

"Tanga ka ba? Nilalagnat ka na tapos ayaw mo pa. Gusto mo bang mamatay ha?"

Pinilit kong punasan sya pero inilalayo nya ang kamay ko sa kanya.

"SABI KO NANG HUWAG MO KONG HAHAWAKAN EH!"

Napatigil ako sa pagpunas sa kanya nang sumigaw sya. Umupo sya at isinandal nya ang sarili nya sa kama.

"Umalis ka na." Ngayon ay mahinahom na sya.

"Hindi kita maintindhan. Kung gusto mong mamatay. Bahala ka. Wala kang kwentang gwardya."
Iniligpit ko na ang mga ginamit ko at akmang tatayo na nang mapahinto ako sa sinabi nya. Nilingon ko sya na nakatingin na sa akin.

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon