C-8:

70 4 0
                                        

Ito na yung sinasabi nya.
Dito ko makikita si Drake.

Hinawakan na nito ang seradura at dahan-dahang inikot ito.

Kinakabahan ako. Tanging ang pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

Paano?.. Paano kung niloloko lang ako ni Nikholas.. Hindi.. Hindi nya iyon magagawa..

Pero kung totoo nga? Bahala na..

"Ugh!!.." Wala na akong maramamdaman na kahit ano. Namanhid na ata ang buo kong katawan.

Ang lamig ng sahig. Siguro masarap matulog sa ganito? Kahit papaano ay naiibsan ang mararamdaman mo.

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na umangat. Ang blured kong paningin ay naging madilim na. Ito na ba ang oras ko?

Ha! Nakakaawa kang nilalang Drake.. Bakit? Bakit gusto mo na bang mamatay?

Siguro nga gusto ko nang mamatay para makasama ko na si Claire sa kabilang buhay.. Sa kabilang buhay nga ba kami magkakasama?..

Ang mga kamay ko ay unti-unting pumapalikod. May naramdaman akong may inilagay sa kamay ko.

Sisintensyahan pa yata nila ako.
Nakakatawa..

"Ano gising na ba sya?"

"Magigising na ata sya.. Ayan na."

Ngayon naman narirnig ko naman ang boses nina Alice at Nikholas.

Nagdedeleryo na ako.. Imposible namang makapunta rito si Alice.
Naririnig ko rin ang paghunj ng ECG..

"Hoy! Gising ka na?" Ang boses ni Alice..

Dahan-dahan njtong idinilat ang kayang mga mata. Itim.. Puro itim ang kanyang nakikita..

Medyo blurry pa ang paningin nito..

Pati ba naman sa impyerno makikita ko si Nikholas?

Ang akala ko makikita ko si Claire.. Bakit ang pagmumukha pa ni Nikholas.

Mabigat ang mga mata nito maging ang katawan nito dahil sa nabugbog ito ng husto.

Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko..

"Sigurado dito gigising na sya."
Ngumuso si Nikholas at dahan-dahang inilalapit ang mukha kay Drake.

Kahit kelan talaga ang ingay ni Nikholas...

Wait. Nguso ba yan? Palapit ng palapit sa akin.

Agad nitong naidilat ang mata at Kusa ring gumalaw ang kanyang kamay at nasapak si Nikholas. Napasandal ito sa headboard ng kama. Sumakit ang kamay nito dahil sa pagsuntok sa kaibigan. Nahila rin ang nakakabit na dextrose rito.

Sa lakas ng suntok nya ay tumilapon ang isa sa sahig. Hawak-hawak nito ang pisnging nasuntok.

"Aray naman.. Makasuntok ka parang wala kang nararamdamang sakit ah?"

"Hindi pa ba ako patay?"

"Sira ka ba? Buhay ka pa. Nasaktan ka nga diba?" Singit ni Alice.

"Pero paano?"

"Napatay nyo na ba?" Tanong ng isang lalaking nakaupo sa isang gintong upuan. Naka-de-quatro ito habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ipinaubaya ko na po sa mga underlings ko pinuno." Turan ng lalaki. Sya ang lalaking humuli ka Drake.

"Kyel Vergara, hindi mo naman siguro gustong may mawala agad sayo hindi ba?.." Tumingin sa kanya ang lalaki ng matalim.

Tumungo lang ito at ikinuyom ang mga kamao.

DRACULA: The Epic Vampire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon