Pahina 13

34.1K 563 13
                                    

SANDRA

"Oh my gosh! Totoo? Wait, ipapaalam ko to sa daddy mo!"

Tuwang tuwa kaming iniwan ni mommy at dumeretcho kay daddy na kausap ang mga magulang ni Terrence. Mukhang alam na rin naman nya.

"Terrence--"

"What? Any objections? Do you remember that time na halos atakihin sa puso ang daddy mo kasi hindi ka naka-graduate with honors? Gusto mo bang madissapoint ulit sya sayo dahil malalaman nyang kinaliwa mo yung lalaking gustong gusto nya para sayo?"

"Pare--"

"Shut up! Wag mo kong mapare-pare Jeff! You two are the reason kung bakit ako nagkakaganito ngayon. And for the record. I will never let Sandra be with you!"

Agad akong humarang sa gitna nilang dalawa. Kailangan nilang magtimpi tulad ng pagtitimping ginagawa ko ngayon. This is insane!

"Please! Party to ng parents ko! Enough!"

"Sandra? Ano? Papayag ka nalang na ganyanin ka ng gag*ng yan?"

"Jeff--"

"Mas g*go ka dude! Daig mo pa babae kung lumande!"

"Sabing tama na! Mahiya naman kayo sa mga magulang ko! Kayo ba ang sisira ng araw nila?"

Ang bilis bilis ng paghinga ko. Kung may hika lang ako, baka nasa ospital na ko ngayon.

"Jeff! Calm down! Please naman oh! Wag mo ngayon pairalin pagka-basag ulo mo... At Terrence! Ano ka ba? Umayos ka nga! Ano ba tong ginagawa mo? Hindi ka ganito--"

"Dahil binago mo na ko Sandra! Sa tingin mo ba papayag akong sumaya kayong dalawa habang ako ang nasasaktan? Hell no! At para ipaalala ko ulit sayo, malaki ang utang na loob ng pamilya mo sa pamilya ko! Ikaw ang umayos!"

Masama ang mga tingin ni Terrence habang inaayos nya ang damit nya at nagpapakalma ng sarili. Hindi nawawala ang tingin nya lalo kay Jeff bago nya kami iwan at pumunta sa mga magulang nya.

"Sandra--"

"Jeff wait lang! Nagiisip ako!"

"Ano pang kailangan mong isipin? Sabihin mong hindi totoo yung sinabi nya sa mga magulang mo! Sabihin mo ang totoo na tayo na--"

"Hindi yun ganun kadali--"

"Anong hindi? Gusto mo ba ako pa ang magsabi?"

"Jeff tumahimik ka muna, please!"

Nagsimula akong lumakad papasok sa bahay hanggang sa kusina. Kailangan ko ng tubig! Hindi ko na alam kung anong dapat ganun. Nakasunod lang si Jeff sakin at panay dakdak.

"Sandra ano ba--"

"Ano rin ba Jeff?! Gusto mo na gawin ko yang sinasabi mo? Pano kung magalit sakin ang daddy? Minsan ko na syang nabigo, uulit pa ba ko?"

"A-anong sinasabi mo ngayon? Hahayaan mo nalang to? Hahayaan mo nalang na kontrolin ka ni Terrence--"

"That's not what i mean! Pero sa mga sinabi ni Terrence, may punto sya! Bukod sa pwede kong mabigo ulit ang daddy ko, masisira ko pa ang pagkakaibigan nila sa mga magulang ni Terrence! Dahil sakanila kaya ulit kami nakabangon! Dahil sakanila kaya ngayon maayos at maganda ang trabaho ng kuya ko abroad, Maayos ang pamumuhay ng bunso namin dun sa probinsya. Dahil sakanila kaya maayos ang buhay namin ngayon!"

"Kaya papayag ka nalang sa gusto nya? Ganun?"

"E-ewan ko--"

"Bullsh*t!... Sandra ipaglaban mo naman ako! Ipaglaban mo naman tayo! Dahil kung ako ang tatanungin mo, kahit ngayon itatakas kita dito!"

"S-sorry!"

"Ganun nalang yon?"

"Jeff--"

"Jan ka na! Sana hindi ka magsisi sa desisyon mo!"

* * *

"Tahan na bruha! Sayang ang make-up oh!"

"Bea... A-anong gagawin ko?"

"Huh? Eh... Sa totoo lang, di ko naman kasi masasagot yan! Buhay mo to! Desisyon mo dapat ang masunod! Kung anong gusto mo!"

"K-kung sakaling sundan ko si Jeff at sumama ako sakanya, masasaktan ang mga magulang ko! Kung itutuloy ko naman tong plano ni Terrence, ako naman ang masasaktan!"

"What if subukan mo munang isipin yung gusto mo talaga! Wag mo munang intindihin ang ibang tao!"

"H-hindi naman yata pwede yun? M-magulang ko ang pinaguusapan natin dito!"

"Yeah! And most importantly, ikaw! Buhay mo din ang pinaguusapan natin dito!"

Nakasubsob nalang ako sa unan ko. Ayoko ng tumayo sa pagkakadapa ko dito sa kama. Ayoko ng makipagplastikan sa mga tao sa baba. Ayoko na!

"Alam mo friend? Kahit papano dama kita eh! Yun bang hindi mo alam kung anong dapat gawin? Kung titigil ka nalang ba at mag gigive up na, or itutuloy mo pa kasi feeling mo may chance naman! Mahirap! Itatanong mo kung bakit di naman ito yung pinili mong mangyari sayo pero nangyayari ngayon! Yung you're torn between holding on or letting go!"

Saglit kong pinakalma ang sarili ko. Bakit parang hindi lang ako ang may malaking problema sa kwartong to?

"Para ba sakin yun? Or para sa sarili mo?"

"H-huh? Ay! Sorry! Wala yun! Wag mo ng isipin, Sabog na naman yata ako!"

Saglit kong tinitigan si Bea. Sa mga oras na to para bang ang bestfriend ko nalang ang meron ako na nakakaintindi sakin, kahit madalas malakas sya mambwiset, inaamin ko na in the end of the day, i'm glad i have a bestfriend like her.

"B-bakit?"

"Ngayon ko lang kasi napansin na parang parehong pareho pala talaga tayo? Kaya natin ngumiti kahit di naman tayo masaya, kaya natin magpatawa kahit parang sa loob natin iiyak na tayo, kaya natin magpayo kahit na sarili natin di naman natin mapayuhan!"

"Alam mo? Totoo yan! Kaya nga hanggang ngayon kaya nating intindihin ang isa't isa kahit ang totoo nakakairita na kasi ang drama natin ngayon-- Umayos ka na nga Sandra! Pati ako nadadamay sayo! Kainis!"

Sinunggaban ko parin ng mahigpit na yakap si Bea. Kahit gaganyan ganyan sya, di hamak na mas fragile sya kaysa sakin. Di lang halata sakanya pero alam kong behind all her smiles, may mga bagay na pinoproblema nya na hindi nya sinasabi sakin.

Kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Bea. Pero kahit anong gawin ko, alam kong di ko maiiwasan ang nangyari ngayon.

Should i fight for Jeff? Or should i just let Terrence control me para hindi na ulit ako maging isang malaking dissapointment sa family ko?

Para sa iba, siguro simple at madali lang. Pero sa sitwasyon ko ngayon, kahit isipin kong sisiw lang to, na kaya ko naman. Wala eh! Di talaga sya madali. Hindi ko alam ang gagawin! Nakakapagod na magisip pero kailangan parin dahil ayokong mabuhay sa maling desisyon.

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon