SANDRA
Panay lunok ako dahil sa kaba. Ramdam ko naman ang walang tigil na pagsiko sakin ni Zancho pero di ko sya magawang lingunin. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.
Yari ako nito!
"Alesandra Zaile Viar!!!"
And here we go...
"M-mommy"
Agad na lumapit sa akin ang mommy ko at pinikot ang tenga ko. Mahaba ang kuko nya kaya sobrang sakit ng ginagawa nya.
Sinusubukan ni Zancho na awatin si mommy pero galit talaga sya sakin. Para akong bata na may ginawang mali at kulang nalang ay paluin pa.
"Mommy naman eh!"
"Anong mommy naman? What the hell were you thinking?! Basta basta kang umuuwi rito ng di nagsasabi samin? Kung di ko pa tinawagan si Beatrice ay di ko pa malalaman na nung isang araw ka pa nandito!"
At di nga ako nagkamali sa iniisip ko. Makabalik lang talaga ako ng buhay sa maynila, ikaw naman ang sasaktan ko Beatrice!
Naiinis na naupo sa sofa si mommy at parang naghahabol pa ng hininga. Mukhang ginalit ko sya ng husto. Pero bakit naman masyado yatang oa ang reaksyon nya? Di naman sya ganito noon!
"Mommy! Sorry po--"
"Your dad was so worried! Kung kaya nya lang magteleport mula Macao papunta rito ay nagawa na nya!"
"Wow! Seriously? Teleport ang word na ginamit?" Paningit na pangaasar ni Zancho. Matalim syang tinignan ni mommy kaya agad naman syang tumahimik at umayos.
"Isa ka pa Allen! Bakit kailangan mong kunsintihin tong ate mo?--"
"Wait mom! Wala namang damayan! Si ate lang may kasalanan dito tapos biglang bumanda sakin? Relax lang! Tsaka, Zancho po. Wag naman Allen! "
Pati ako ay di na naiwasang tumingin ng masama kay Zancho. Minsan hindi rin nya talaga alam kung saan ilulugar ang pagka-pilyo nya. Nakakaasar!
"Ay ewan! Ikaw naman Alesandra! Mali ang ginawa mo! Lalo na ngayon that you're pregnant--"
"Wait! Ano po? Mommy how did--"
"What's new? Alam mo namang mabilis dumulas ang dila ng bestfriend mo dahil sa kadaldalan nya!"
Nakapikit at napapakagat pa ako sa ibaba kong labi dahil sa inis. Minsan ang sarap talagang kulamin ni Bea para ngayon rin ay masaktan ko sya!
Napapakapit pa sa dibdib nya ang mommy ko siguro dahil sa sobrang inis. I hate to see her like this lalo na't heto nanaman ang pakiramdam na ma-dissapoint ko nanaman ang mga magulang ko.
Agad akong umupo sa lamesita sa tapat nya. Malalim ang bawat paghinga ko at nanginginig rin ang mga kamay ko habang unti unting inaabot ang mga kamay ni mommy.
"Mom..." I can't even compose what i want to say to her. Nauuna ang emosyon ko at hindi to tama dahil kailangan kong sabihin lahat sakanya.
Hinawakan ng isang kamay ni mommy ang nanginginig kong kamay. Inabot nya rin ang isa kong pisngi at hinaplos iyon. Ngayon ay tuluyan na akong bumigay at naiyak.
"Princess... We're here! Stop worrying. And please, bumalik ka na sa manila at makipagusap kay Jeff! Walang patutunguhan ang pagtatago mo rito hija!"
"I know mom! I'm just... I'm so scared sa magiging desisyon nya! Ang dami kong what ifs na iniisip!"
"Kung magtatagal ka pa rito, mas dadami lang ang papasok sa isipan mo! You need answers and obviously, you won't find it here!"
Napayuko ako at di matigil sa paghikbi. Ramdam ko ang kamay ni Zancho na hinihimas ang likuran ko.
She's right. No, They're right!
"You'll go back to manila with me first thing in the morning! Ok?"
Tumango lang ako bilang sagot at agad na inabot ang mommy ko para yakapin.
I wish daddy and kuya Zaldy are also here. I sure need some extra comfort and support. Pero yung malaman ko na buong pamilya ko, kasama ko man o hindi ay tiyak na aalalayan ako ay nagkakaroon na ako ng lakas ng loob...
![](https://img.wattpad.com/cover/9524072-288-k891675.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romance[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...