Pahina 16

31.4K 585 13
                                    

SANDRA

"Pano? Maiiwan ka nanamang magisa dito!"

"Parang di naman ako sanay?"

"Asus! Hoy Allen Zancho Viar! Magtino ka hah! Wag puro babae inaatupag mo! Naku!"

"Grabe! Pwede change topic nalang? Ikaw naman Ate, alam mo na ang dapat gawin! Tsaka, nandito lang ako, pag nagkaaberya, isang tawag mo lang, papaliparin ko yung kotse ko papuntang manila!"

Hindi na ko sumagot. Malawak kong nginitian ang kapatid ko bago sya yakapin. Nagpapasok na ng pasahero sa bus kaya nagpaalam na ko ng tuluyan sakanya.

Eto na naman po! Babalik na naman ako sa manila. It's true that running away from your problems is a race you'll never win. Dapat talaga ay harapin mo ito!

Nung tatlong araw akong namalagi sa probinsya at nakasama ang kapatid ko. Di matagal bago ko naisip ang dapat talagang gawin. Minsan talagang malaking tulong din sakin ang pinaka bwiset kong kapatid.

* * *

Magtetext palang sana ako kay Terrence na nakauwi na ko kaso nadatnan ko na sya pati ang mga magulang nya sa bahay.

"Hi Hon! How's your trip? I missed you!" Bungad nya sakin sabay yakap at halik sa pisngi. Nandito silang lahat. Ngayon na ba?

"Terrence! Let's talk!" Seryoso kong ayon.

Kumunot ang noo ni Terrence bago nagpaalam sa mga parents namin na maguusap lang kami. Dinala ko sya sa kwarto ko at hinayaang nakabukas ang pinto.

"Why? Ano namang paguusap natin?" May kasungitan nyang tanong.

Huminga ako ng malalim at inipon ang lakas na natitira sakin. It's now or never!

"I'm calling this wedding off!" Biglang natawa ng bahagya si Terrence. Mukha ba kong nagbibiro?

"What? Okay ka lang? And ano? Sisirain mo ang pagsasamahan ng mga magulang natin? Why? Did you meet someone while you're at your province? Ano? Nakipag-sex ka na naman kung kanino? Ang cheap mo naman pala tala--"

Hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng sampalin ko sya.

"Punong puno na ko sayo! Hindi ako cheap na babae! At kahit anong mangyare, hindi ako kasing sama mo! Bina-blockmail mo ko para lang makaganti? Alam kong nasaktan kita but you don't have to go this far!"

Agad hinagit ni Terrence ang kaliwa kong braso. Masakit ang pagkakahawak nya dito.

"Mind you! Malaki ang utang na loob nyo samin--"

"Utang na loob na noon pa man, bayad na!"

Hindi agad nakapagsalita si Terrence. Puno ng galit ang bawat tingin nya sakin. Ibang iba sya sa Terrence na nakilala ko noon.

Agad kong naramdaman ang sahig ng tumumba ako dahil sa malakas na pagsampal sakin ni Terrence. Hinawakan ko ang pisngi ko at nakitang nagdudugo na ito. Lumapit pa sya sakin at sinampal ulit ang magkabila kong pisngi.

"Tama na! Please Terrence!!! Tama na!!!" Umiiyak kong ayon. Kinakalakad nya ko sa buong kwarto ko at pag tumigil sya ay sinasampal ako ulit.

"What's happening here?" Agad akong tumayo at tumakbo sa mommy at daddy ko. Lalapit na sana si daddy para suntukin si Terrence pero pinigilan ko sya.

"Dad! Mom! The wedding is off!" Umiiyak kong ayon.

"Please Terrence, tama na! Itigil na natin to! Patawarin mo na ko!" Tumigil ako at unti unting lumakad palapit sakanya. Natatakot ako pero okay lang. Kaya ko pa!

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon