SANDRA
"Sir, Ma'am! I'm really in love with your daughter! Sana po mabigay nyo sa amin ang blessing nyo!" Nakangiti akong nakatingin kay Jeff. He's way too serious. And obviously, nervous.
"Hijo... Simple lang. I would want to ask you a very simple question! Kanino ka ba? Warriors or Cavs?" Kunot noo akong napalingon kay Daddy. The hell is he talking about?
"Sir. Kahit natalo po, solid Warriors po ako!" Nakangiti pero halata mong kabado pa rin na sagot ni Jeff. Ano yun? Wala akong maintindihan!
Biglang tumayo si Daddy at lumapit pa lalo kay Jeff. Napalingon sakin si Jeff na mukhang kabado na talaga. Hindi ko naman alam ang gagawin kasi wala akong maintindihan sa pinaguusapan nila at mas lalong naguguluhan na ko sa nangyayari.
Biglang naglahad ng kamay si Daddy kay Jeff.
"Aprub! Now, Take good care of my daughter! Or else..."
Napatayo naman bigla si Jeff at mukhang excited pa.
"Wala pong problema Sir--"
"Tito. You can call me tito! Yun naman na ang tawag mo sakin noon pa. Tignan nalang natin kung mapalitan yan ng Daddy rin!"
Nagkamayan sila at niyakap pa ng daddy si Jeff. Natutuwa ako sa nakikita ko. Noon pa man magkasundo na naman talaga ang Daddy at si Jeff. Nagkataon lang na syempre noon, magkaibigan lang kami, now we're on the next level.
* * *
Hindi maalis ang tingin ko sa bestfriend kong katabi ko lang. Hindi naman ganun karami ang ginagawa nya pero mukha na syang haggard. Mukha syang walang tulog. Bangag lang?
"Psst!"
"Wag mo sabi akong sitsitan at di ako aso!"
"Huh?"
"Wala! Wala! Ano ba yun?"
"Ang bilis mo naman yatang mainis ngayon Bea? What's with you today?"
"Anong what's with me? Ayos lang ako!"
"Hala! Mukha mo oy! And speaking of mukha, normally, halos two inches ka magfoundation, bukod pa dun ang mga pinapatong mong blush, eye shadows, eye liner, lipstick etc. Ngayon, halos parang wala kang make up! Anong problema mo?"
Hindi agad sumagot si Bea at bigla nalang napasubsob sa mesa. Nakikita ko pa yung pagkuyakoy nya na parang nagwawalang bata.
"Girl! Ang sakit sakit na ng ulo ko kakaisip eh!"
"Ng ano ba?!"
"You know? Should you let go or should you keep holding on?"
"Huh? Ano yun?!"
"Ugh! I just hate this kind of things! Ayoko ng nagiisip ng ganito kasi usually alam ko na naman kung anong dapat kong gawin! Pero ngayon, nakakainis kasi di na ako makapagdecide!"
"Obviously ayaw mong ikwento ng maayos at malinaw sakin yang problema mo! Ganito nalang, if you think may pag asa pa edi keep on holding on. Pero sometimes, when you release on what you're holding on to. Mas maginhawa, mas wala ng sakit! Kasi diba minsan, holding on just makes it more painful!"
"Eh what if kaya mo naman talagang i let go para tapos nalang lahat lahat! Kaso biglang papasok sa isip mo na, ay hindi pala! Hindi ko pala kaya! Pano yung ganun?"
"Ewan. Siguro that just means you've got so attached and committed! Now, feeling mo there's no way out when in fact, there is!"
"Then what is it?"
"Try using your mind this time. Gawin mo yung feeling mo na mapapanatag ka. Yes papasok sa isip mo na wag nalang. Pero don't follow that thought! Kasi kung ano yung pangawalang papasok sa isip mo, yun ang makakasama sayo!"
Hindi sumagot si Bea at mukhang mas nagulo ko pa ngayon yung isip nya. All of a sudden naging love guru ako bigla. Ganito na ba epekto sakin ni Jeff?
"Sandra-- Ugh!!!"
"Just remember Bea. When in doubt, don't!"
Tumayo na ko at lumabas ng office namin. Kanina pa puputok yung pantog ko pero dahil supportive bestfriend ako, nagpigil ako para lang makinig at kahit papano ay mapayuhan si Bea.
Kung ano mang gumugulo sa bestfriend ko, i know she can get through it. Di hamak na mas simple magisip yun kaysa sakin na may pagka complicated pa minsan.
JEFFREY
"I told you dude, ayoko na uminom ng marami! Unless kasama si Sandra!"
"Ang boring naman nito eh!"
"Haha! Alam mo? Manood ka nalang jan at may kailangan pa kong gawin!"
"Day off mo tapos may gagawin ka? No fun dude! Anong sense nun?"
"Sira! Kakamustahin ko lang yung loves ko!"
"Landi mo mafriend! Bahala ka nga! Ewwness overload!"
Binato ko nalang ng towel si Andrew at tinawanan sya. Palibhasa tag tuyot yan kaya nagkakaganyan. Wala na sigurong makuhang babae na magpapaauto sakanya. Kawawang nilalang.
* * *
"Okay pa ba yang dalawang yan?" Pabulong kong tanong kay mahal.
"Malay ko? Alam mo kasi si Bea napapansin kong ang lamya lamya na! Di naman ganyan yan eh! Parang haggard na tapos ang dami yatang iniisip!"
"Kahit yang si Andrew eh! Lakas magyaya uminom. Alam kong lasinggero sya pero iba ngayon. Problemado rin yata!"
Natahimik kaming dalawa ni Sandra. Nakapangalumbaba kami pareho habang nakatitig sa mga kaibigan naming wala sa wisyo.
"Sana kung paguusapan nyo kami yung wala kami dito! Grabe! Lantaran! Bastusan po ano?" Mataray na ayon ni Bea.
"Palibhasa okay na kayo! Palibhasa wala kayong problema. Pero nung mga panahong kailangan nyo ng kaibigan di namin kayo iniiwan! Tapos ganyan pa kayo ngayon? Nakakastress huh!" Nagbabakla baklaan pang ayon ni Andrew.
Nagkatinginan lang kami ni Sandra at sabay nagkibit balikat. Kung tutuusin ay nawala nga sa kanilang dalawa ang focus namin nung kami ang may problema.
At ngayong sila ang may problema, it's payback time! Kaso, ano naman kasing problema nila? Sana masabi man lang nila samin para di kami nagmumukhang tanga ngayon kakatitig lang sakanila.
Sana pala di na kami pumunta dito. Sana nag stay nalang kami ng loves ko sa bahay. Edi sana nagloloving loving na kami ngayon at di lang nakatunganga dito! Kainis!
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romance[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...