JEFFREY
Kanina pa tahimik si Sandra. Ngayon ang baby shower na inihanda namin pero mukhang wala sya sa mood magsaya.
"Uhm.. Babe?" Finally at narinig ko na uli ang boses nya. Agad ko syang tinignan at nginitian.
"Dun sa nangyari nung isang araw. Sorry!"
"Wala na yun!" Tipid kong sagot na di inaalis ang ngiti sa labi ko.
"Galit ka pa yata eh! Sorry na kasi. Alam mo? Si Bea kaya may kasalanan! Sabi nya kasi kahit na di mo daw ako yayain, wala naman daw kaso kung bibili ako ng wedding gown! Nagandahan lang din kasi ako! Yun kasi yung eksaktong dream gown ko!"
"I told you, wala na yun! Pabayaan na natin."
"Ano ba yan! Halata namang galit ka pa rin pero ayaw mo pang sabihin. Kung gusto mo isosoli ko agad! Pwede naman siguro kahit di na marefund!"
Tumayo ako at lumapit sakanya para yakapin sya. I hugged her so tight dahil heto nanaman sya at hindi makontrol ang inis nya.
"Hindi ako galit. Ok na yun! Hayaan mo na jan yung gown. Hindi na marerefund yan kaya itabi nalang muna natin."
Yumuko sya at sumimangot. Mabilis mabuo ang mga haka-haka sa utak ni Sandra at alam kong ganun ang nangyayari ngayon dahil sa pagkakaintindi nya sa sinabi ko.
Pinaupo ko muna sya habang hinihintay namin si Bea na magaayos sakanya. Hindi ako nagsasalita at nakatuon lang ang atensyon sa TV. Ayokong gumawa ng dahilan para mas lalo pa syang sumimangot.
Ng dumating si Bea ay dumeretcho na sila sa kwarto. Ako naman ay pumunta kay Andrew at tumulong na sa pagaayos.
This day has to be perfect for both of my babies.
SANDRA
"Sabi nya itabi nalang daw yung gown! You see? Wala talaga syang balak na pakasalan ako!"
Pinipigilan kong maiyak pati na ang mapalakas ang boses ko dahil imposibleng di kami marinig ni Jeff.
I still can't believe him! We're about to have a baby and yet wala syang plano na makasal sa akin. Anong gusto nya? Na lumaki ang anak namin na walang buong pamilya? That's so unfair!
Naiintindihan ko naman na kailangan unahin ang bata. Ang panganganak ko lalo na ang pangangailangan ng baby namin. Pero ano ba naman yung iparamdam nya sa akin na kahit hindi pa ngayon ay may balak rin sya na pakasalan ako.
"Ano ba yan friendship?! Anong petsa pa kita malalagyan ng make up kung iyak ka parin ng iyak?!"
"Isa ka pa! Can't i have a little bit of sympathy here? Parang wala ka rin pakialam ah!"
"Oh my god! May pakialam ako! Pero ang drama mo lang kasi. Hindi ba pwedeng hayaan mo nalang at baka may gusto lang unahin yung tao? Yung mas importante!"
"So hindi ako importante sa kanya? Ganun ba?!"
Pansin ko ang pagkainis ni Bea. I know i'm being a drama queen pero wala ba akong karapatan? Wala ba talagang nakakaintindi sa akin dito?
"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Gosh! Alam mo? Bahala ka na nga! Iiyak mo na lahat yan at tawagin mo nalang ako pag pwede na kitang ayusan! Maloloka ako sayong buntis ka!"
Lalabas na sana ng kwarto si Bea pero agad kong hinila ang braso nya. Hindi ako nagsalita at umiyak lang tulad ng sabi nya.
Naiinis lang naman ako! Ayokong matulad dun sa mga napapanood ko na kawawa yung bata. Habang lumalaki sya, oo nga't in good terms ang mga magulang nya pero hindi pa rin sila buo. Yung inaasar sya ng mga kaibigan nya. Yung uuwi sya na umiiyak. Ayokong mangyari sa anak ko yun!
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romance[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...