SANDRA
Hindi nga ako inihatid ni Jeff sa bahay at sa halip ay dito kami dumeretcho sa condo nya.
Ngayon nalang ulit ako nakatapak rito. Halos walang masyadong pinagbago. Literal! Magulo parin at feeling ko magpapaka-part time maid na naman ako ngayon.
"Jusmiyo! Ang tindi naman ng sikmura mo! Last month pa expired tong gatas dito ah!" Inis at medyo nandidiri kong ayon ng halungkatin ko ang laman ng fridge nya.
Masama ang tingin ko kay Jeff habang napapakamot naman sya sa batok nya. Tama! Gumanyan ka nalang tutal wala ka namang matinong ginagawa impakto ka!
Itinali ko na ang buhok ko at mukhang alam na ni Jeff na dapat na syang pumasok sa kwarto nya. Magsisimula na kong maglinis at dapat syang umalis sa paningin ko at baka sakanya ko mismo maitapon lahat ng kalat nya.
"My god! Hindi ganun kataas ang sweldo ko para gawin ko to!" Reklamo ko sa hangin.
Walis dito, walis doon. Punas dito, punas doon. Vacuum pa everywhere. Iniisip ko nalang na kunwari ako muna si Cinderella na inaalipin tapos si prince charming naman ay wala. Wala kasi pinatay ko na! Kainis!
Huli kong ginawa ay hinugas ang naipon at tambak na talagang hugasin. Nakakakain pa kaya sya dito? Mukhang ubos na mga plato, mugs, spoons and forks nya! Siguro panay sa labas ang kain nun. Di na ko magugulat kung magkasakait sya bigla.
Halos maubos ko yung isang litro ng tubig dahil sa pagod. Kung alam ko lang sana pala nagpahatid nalang ako sa bahay kahit wala akong kasama dun.
"Hoy mahal na prinsipeng hilaw! Malinis na ho ulit ang buong bahay mo!" Pagod kong ayon sakanya.
Naabutan ko syang nanonood ng paborito nyang power rangers. So much for being a grown up and matured man huh?
"Halika nga muna dito Sandra."
Tamad na tamad akong naglakad papalapit sakanya. Paupo na sana ako sa kama ng hilahin nya ko kaya bumagsak nalang ako bigla.
"Ano ba Jeff?! Ang lakas na naman ng saltik mo hah!"
"Uy hindi ah! Lalambingin lang kita kasi napagod ka--"
"Ay sus! Mukhang yang panglalambing mo, mas mapapagod pa ako!"
Hindi sumagot si Jeff at bigla nalang nya kong kiniliti. Nakakainis! Dapat bwiset at galit ako ngayon sakanya pero nawawala dahil sa ginagawa nya.
Ng tumigil sya ay sabay kaming napatitig lang sa kisame. Panay habol pa kami sa hininga namin. Parang nawala yung pagod ko sa paglilinis kanina.
"Loves!"
Agad ko syang nilingon at di ko mapigilang mapangiti.
"A-anong sabi mo?"
"Wala. Tinawag lang kita!"
"Loves?"
"Ang corny ba? Love kasi kita kaya yun ang gusto kong itawag sayo!" Saglit syang tumigil at tinitigan ako ng diretcho.
"Kasi pag babe, ang sagwa! Di ka naman baboy. Pag baby naman ang mainstream na. Pag hon-- utang na loob! Yun ang tawag ni Terrence sayo noon ah!" Natigil si Jeff ng agad ko syang niyakap.
"Loves na! Love rin naman kita kaya mas okay na yun! Grabe! Para tayong teenagers ah!"
"Haha! Ayaw mo ba? Para kiligin ka parin kahit matanda ka na!"
Agad ko syang binatukan habang natatawa pa. Ang loko! Eh mas matanda nga sya sakin eh! Well, ng buwan pero counted pa rin yun.
Natigil ako sa pagtawa at halos bumilog ang mga mata ko ng biglang pumatong sakin si Jeff.
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romance[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...