SANDRA
"Ano? Hindi ka pa uuwi?"
Agad kong nilingon ang kapatid ko na ngayon ay kinukuskos pa ang mga mata nya. Umagang umaga ay ganito ang binubungad nya sakin.
"Good morning Choy!"
"Ate!"
"Teka kalma! Uuwi ako sa manila pero hindi ba pwedeng dumito muna ako ngayon? Sandali lang naman eh! Promise, aalis din ako!"
Umiling iling sya bago naupo na sa hapag. Pinaghain ko nalang sya at di na muna kinausap. Mahirap na at baka mapagalitan pa ko. Akala mo mas matanda sya sakin!
"Wala kang pasok di ba? Igala mo naman ako!"
"Saan naman kita dadalhin?"
"Anywhere!"
Hindi sya sumagot at binigyan lang ako ng kunot noong ekspresyon. I want to go back to manila pero gusto ko rin muna na dumito at maalagaan sya. Is that too much to ask for?
Natapos kaming mag umagahan na hindi ako matigil sa pagsusuka. Ayaw yata tanggapin ng sikmura ko ang itlog at ham. Nakakairita na!
"Ano? Kaya pa? Gusto mo pang mag gala sa lagay na yan hah!"
Sinuntok ko ang braso ni Zancho dahil sa pangaasar nya. Hirap na hirap na nga ako tapos mangbibwisit pa sya!
Niyaya ko syang pumunta sa malinaw spring at gusto ko ng hangin dun. Sariwa at parang hinihigop pa ng lugar ang lahat ng problema mo.
May kubo rito at dito kami naupo. Tahimik lang kaming magkapatid. Mukhang bukod sa akin ay may iniisip rin itong si Zancho na hindi nya sinasabi sakin. I kept on telling him all my worries and problems pero baka sya ay mayroon rin at di lang sinasabi.
"Wala ka pa rin bang girlfriend?"
"San nga mayron na diba?"
"Choy, ano bang type mo sa babae?"
Saglit syang tumahimik pero diretcho lang ang pagkakatitig sa akin.
"Gusto ko yung simple lang. Walang arte sa katawan. Parang halos di nga marunong mag ayos. Natural ang ganda. Di masyadong mahaba ang buhok, medyo makapal at natural rin ang pagkakulot. Yung natural ang pagkamasungit ng mata at titig. Yun bang machachallenge ako dahil alam kong ayaw nya sa akin. Kaya gagawin ko lahat para magustuhan nya ko."
Puno ng pagtataka ang mukha ko habang nakikinig sakanya.
"Parang masyadong accurate naman yan!"
"Eh ganun talaga! Tigilan mo na yang panguusisa mo! Yung problema mo nalang intindihin mo."
Nakangisi akong umiwas ng tingin sakanya. Mukhang may napupusuan na syang isang babae pero ayaw nya lang magsalita. Hinayaan ko nalang sya dahil baka topakin pa pag tuluyan kong inalaman ang lahat.
"Bigyan mo nga ako ng pangalan! Para dito sa baby ko!"
"Di pa nga natin alam kung babae ba o lalake eh!"
"Kahit na! Edi magisip tayo ng pangalan pang babae at lalake!"
Sabay nga kaming nagisip. Hinayaan ko syang magisip ng pangalan kung sakaling babae at ako naman ay sa pang lalake.
"Veronica!"
"What?! Saan mo naman nakuha yan?"
"Basta! Gusto ko yun ate! Dapat may veronica ang pangalan ng pamangkin ko kung babae sya ha!"
Umiling nalang ako. Maganda ang pangalang Veronica and feeling ko ay bibihira ko lang marinig iyon. Kaya lang, parang ang sungit ng ganun. Parang ang tapang. Ewan ko ba?
"Junior."
"So sya si Junjun?"
"Sira! Gusto ko kung magiging lalake sya, maging junior nalang sya ni Jeff."
Umiwas ako ng tingin kay Zancho dahil pakiramdam ko na biglang bumigat ang loob ko. Pag naiisip ko si Jeff ay kusa akong nalulungkot. Kusang bumabalik sa isip ko lahat ng di magandang pwedeng mangyari.
"Talagang mahal mo sya ano?" Nilingon ko si Zancho at pilit na nginitian.
"Mahal na mahal."
Hindi na sumagot si Zancho. Tumayo sya at tinabihan ako para yakapin. I hug him back. Ang corny man kung titignan pero dahil bihira ito mangyari ay natutuwa na rin ako.
Hapon na ng makauwi kami. Ang daming kwento ni Zancho tungkol sa kanya at sakanilang magbabarkada. Parang ang saya saya nila!
I remember when i was in college at ang samahan namin ng mga kaibigan ko. It's just sad na ng magtapos kami, ang ilan ay nagsarili na. But still i'm happy for them lalo pag nababalitaan kong successful na sila ngayon.
"Sh*t! Naiwan ba nating bukas tong bahay?"
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang bukas nga ang pintuan pati na ang mga ilaw sa bahay. Napatakbo papasok si Zancho at ako naman ay agad na sumunod sakanya.
Pagpasok ko ay kusang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
Damn it! This is not good!
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romance[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...