SANDRA
Madalas ay napapatulala nalang ako. Halos dalawang buwan na ang lumipas nung huli kong nakita si Jeff. Nung huling beses ko syang nakausap. Nung bago sya umalis para lumayo sakin.
Dalawang buwan narin simula nung kontrolin ako ni Terrence. Lahat ng sabihin ko ay sa bibig nya nanggagaling. Parang nawala na yung dating Sandra na matapang at malakas. Sino na ba ko ngayon?
"Mamaya, pupunta sa bahay nyo ang parents ko para idiscuss sa parents mo ang detalye ng kasal! Dapat nandun ka rin!"
Tumango ako sa sinabi ni Terrence. Kung aalma ako, ano pang point? Makikinig ba sya? Papayag ba sya? Pero...
"Aalis ako saglit, Terrence!"
"At saan ka naman pupunta?!"
"Sa probinsya namin! Dadalawin ko lang ang kapatid ko at para personal na ipaalam sakanya ang... Ang kasal natin!"
Hindi agad sumagot si Terrence. Taas kilay nya kong tinititigan at parang may pagdududa pa sa pagpapaalam ko.
"Kung sabagay, wala na naman dito sa bansa si Jeff. At alam ko kung saan yang probinsya nyo. Sige. Siguraduhin mo lang na di ka magtatagal dun Sandra!"
Napalunok ako at halos gusutin ko na ang skirt ng dress ko sa inis. Kahit ang pakikipag kita ko sa nakababata kong kapatid ay minamanduhan na nya. Ano pa ba ang lilimitahan nya sa akin?
* * *
Nagtext na ko sa kapatid ko dahil malapit na ko sa Port Valencia. Siguro ay nasa terminal na yun at nagaabang.
May kalayuan sa maynila ang probinsya namin. I think it's a total of 8hours na byahe. Nagpaiwan doon ang kapatid ko dahil ayaw nya sa maynila. Polluted daw, Matraffic at magugulo ang mga tao. Atleast dito, masarap ang simoy ng hangin. Di gaanong maraming sasakyan at maayos makisama ang mga tao.
"Zancho!!!" Tawag ko sa kapatid ko ng makitang lumilinga linga sya at hinahanap ako.
Patakbo akong lumapit sakanya at sinunggaban sya ng yakap. Medyo naluha pa ko pero agad ko ring inayos ang sarili ko at dumeretcho na kami sa sasakyan nya.
"You hugged me. You even cry! Ayos ka lang ate? Nakakapanibago!" Ayon bigla ni Zancho habang diretcho ang tingin sa kalsada.
"Anong pinagsasasabi mo jan?"
"Hello? Hindi ka kaya ganun! Pangbabatok ang lagi mong binubungad sakin tapos tatalakan at pagagalitan mo ko! Ganun ka!"
Mukhang kahit ang kapatid ko ay napapansin na ang pagbabago ko.
"Ahh!"
"May problema ka tapos ayaw mong sabihin! Syempre, di na kita pipilitin! Ano ka chics? Ang taba mo namang chics! Di bagay!"
Tinignan ko sya ng masama. Nagsisimula na syang mangasar at nagsisimula narin akong mainis! Impaktong to! Kahit kailan talaga! Kainis!
"Pasalamat ka at nagmamaneho ka kundi kanina pa kita binugbog--"
"Wow! So scary!"
Agad ko syang binatukan at sinuntok ko rin ang braso nya! Kulang pa yun! Nangbibwisit nanaman sya eh!
Nang makarating kami sa bahay ay nadatnan kong may ibang mga tao. Mga kaibigan nya siguro. Nakakahiya pala! Ang dami nila.
"Guys! Ate ko. Si ate Sandra!" Pakilala sakin ni Zancho sa mga kaibigan nya.
Isa isa ko silang nginitian. Anim ang lalake at apat yung babae. Naagaw ng atensyon ko yung isang babae. Nagagandahan ako sakanya!
Ang kinis ng medyo morena nyang balat. Ang kintab at parang ang lambot ng buhok nya na mukhang natural pa ang perm hair nya sa bandang dulo. Bumabagay sakanya ang messy look nya. Maganda rin ang hulma ng katawan nya. Mukha syang misteryosa na parang medyo rakista. I like her looks! Pero parang di sya mapakali. Bakit kaya?
![](https://img.wattpad.com/cover/9524072-288-k891675.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romance[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...