Pahina 28

29K 517 5
                                    

JEFFREE

"Sigurado ka ba na alam mo?" Naiinis kong tanong kay Bea.

"Kalma! Alam ko naman talaga! Hindi lang marunong tong Andrew na to!"

"Wow huh? Sunod-sunuran na nga ako sayo eh! Relax na relax ka nga lang jan kung makapagsalita ka pa!"

"Awat na! Hindi ko kayo isinama para gawin nyo kong referee nyo! Ok? Now tell me! Nasaan na ba tayo?! Magdidilim na!"

Hindi agad sumagot si Bea. Ayokong isipin na naliligaw na kami pero mukhang ganun na nga ang nangyayari.

"Oh my god! Yes! We're here! Look outside your window!"

Agad kong sinunod ang sinabi ni Bea at binasa ang nakasulat sa arko na papasukan namin.

'Lalawigan ng Port Valencia'

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Malapit na ko sakanya! Makikita ko na ulit sya at higit sa lahat ay mayayakap! Bigla syang nawala at sa kabila ng pagaalala ko, it'll end here.

Ayoko ng magisip at sana naman ngayon na matitigil ang pagaalala ko. I just want to see her. I want to confirm if she's really ok. All i want is to hug her and make her feel that everything will be ok.

She can runaway from me. But i can always find a way to find her!

"Ihinto mo! Hindi ko maalala kung saan exactly ang bahay nila dito eh!" Biglang saad ni Bea.

"Kilala ba sila dito?" Tanong ni Andrew.

"Siguro? Ang sabi ni Sandra magkakakilala raw halos lahat ng nandito eh! Well, base sa apelyido yata."

Hindi na sumagot si Andrew at sinunod lang ang sinabi ni Bea na huminto sya. Agad namang lumabas si Bea at kunwari ay may inaabangan.

Napatapat kami di kalayuan sa isang eskwelahan. Malaki sya at mukha ngang university. Iilan lang ang naglalabasang estudyante siguro dahil anong oras na rin.

"Hi! Excuse me! Hello!" Sabay kami ni Andrew na tinanaw ang babaeng bigla nalang na hinarang ni Bea.

"Yes?"

"Ay! Good evening! Itatanong ko lang kung alam mo kung saan nakatira sila Zancho?-- I mean, saan yung bahay ng mga Viar?"

Sinuri ko ang babaeng pinagtatanungan nya. Mukhang kasing edad lang to ng nakababatang kapatid ni Sandra. Kahit na hindi sya nakapustura ay mukhang galing sya sa mayamang pamilya.

Kung sakaling magiging babae ang anak namin, sana kasing natural ng buhok nitong kausap ni Bea. Natural ang pagkakulot. This will suit our daughter perfectly.

"Just go straight that road! Doon po sa unang kanto, lumiko kayo pakanan. Yung unang bahay dun na kulay white at gray, yun na yon!"

"Oh great! Thank you so much! Kilala mo ba sila?"

"Kaibigan po ako ni Zancho. I would like to accompany you personally kaso may kailangan pa po akong gawin."

"No, it's ok! Anyway, we're his sister's friends. Manunundo lang kami. Nga pala. I'm Beatrice!" Inilahad ni Bea ang kamay nya at agad naman yun kinuha nung babae.

"Eleissa po."

"Well, thank you so much huh? Mauna na kami. Bye!"

Tumango lang yung Eleissa bilang sagot. Nagsimulang paandarin ni Andrew ang sasakyan at ako naman ay napasunod lang dun sa babae ang mga tingin ko.

Nakita kong pumasok sya sa isang drop head coupe na sasakyan na nakaparada sa likod namin kanina. The hell!

"Woah! That girl is so damn rich!" Naagaw ni Andrew ang atensyon ko.

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon