JEFFREY
"Naks naman! Di sya lumalabas ng condo oh! Bago yun ah!"
"Shut up Andrew!"
Iniwasan ko ng may masamang tingin si Andrew. Wala ako sa mood makipaglokohan ngayon. Matapos ng nangyari last night? Tch!
"Dude! Kalma! Ano ba kasing gusto mong mangyari?"
"Kailangan pa bang itanong yan?"
"Eh pare ikaw na mismo nagsabi sakin ah? Sabi mo hinayaan ka lang ni Sandra na umalis, ni hindi ka man lang sundan at hanggang ngayon di ka tinatawagan! So ano na bang balak mo?"
"Ewan? Bahala na!"
Umupo na sa tabi ko si Andrew at nagsindi narin ng sigarilyo. Saglit na naghari ang katahimikan namin dito sa sala at panay pagihip lang namin ng sigarilyo ang maririnig mo.
"Magisip isip ka Jeff! Talagang malaki ang utang na loob ng mga Viar sa mga Abarquez. At kilala natin si Sandra. Marunong yun mahiya--"
"Kaya pinabayaan nalang nya ko basta? Kaya para akong lumang laruan na pinagsawaan na nya at itinapon nalang? Ganun ba?"
"Geez, man! Kalma! Wag mo ngayon pairalin yang pagka-imature mo! Kung di ka kayang ipaglaban nung babae, edi ikaw ang gumawa! Mahal mo diba? Ang tanong lang, may saysay ba kung sakali?"
Napasabunot ako sa buhok ko. Walang saysay! Mas matimbang ang pagtanaw ni Sandra ng utang na loob kaysa sakin. Sakin na sinabihan nyang mahal nya.
"I need to get out of here!"
"Edi tara! Saang bar mo gusto pumunta?--"
"Hindi, Andrew! Kailangan kong lumayo! Kailangan kong makalabas ng bansa dahil nasusufocate na ko sa mga nangyayare!"
"Huh? You sure?"
"Hell yes!
SANDRA
Kasama ko si Bea dito sa isang coffee shop. Kakatapos ko lang syang samahan mamili ng kung ano anong kailangan nya. Wala akong kailangan kaya ngayon, nagmukha akong alalay dahil sa pagtulong kong magbitbit ng mga ipinamili nya.
"Hayy! Sa wakas at nakaupo narin! Ang sakit sakit ng paa ko!"
"Bakit ba kasi ang dami mong binili? Para kang nagpapanic buying ah?"
"Stressed ako eh!"
"Hindi ba dapat ako ang magsabi nyan? Wala ka namang problema ah!"
"Huh? Uhh... Nevermind! Anyway, wala ka talagang kailangan? Bihira na tayo magshopping! Kahit isang pares ng wedge sandals hindi ka bibili?"
"Hindi na! Next time nalang!"
Natahimik kami pareho at halos sabay na humigop sa kape namin. Nasa balcony kami ng coffee shop at napansin ko nalang na pareho kaming nakatingin lang sa malayo.
"Sigurado ka na? Si Terrence? Papakasalan mo ba talaga yun?"
Humugot ako ng malalim na paghinga habang nakatingin na sa mug ko.
"As if i have a choice?"
"You do! Ayaw mo lang kasi natatakot kang may masaktan kang iba!"
"Well, that's life!"
"Nope! Not really!" Tumingin ng diretcho sakin si Bea. "Life is about choosing something that will make you happy! And believe me, para sumaya ang isang tao, kadalasan, may masasaktan talaga syang iba! Now, that's life!"
Hindi ako agad nakasagot. I get her point. Pero i'm a true family oriented person. Hindi ko hahayaan na masaktan ko ang pamilya ko para lang sa pansarili kong kaligayahan.
"And incase gusto mong maging updated. Jeff is off to Los Angeles" Saglit na tumigil si Bea at tumingin sa relos nya. "His flight took off about 10minutes ago!"
Napaawang ang bibig ko. Nakatitig ako kay Bea na nagkibit balikat lang sakin.
Jeff is out of the country? Hanggang kailan? Babalik pa ba sya? Kailan ko ulit sya makikita? Ni hindi man lang kami nakapagusap ng maayos!
And why does i feel something weird? Parang may kumukurot sa puso ko? Parang gusto ko ng umiyak! Parang gusto kong magwala pero talagang naestatwa lang ako at halos di na ko kumukurap.
He leaves me, ng basta basta nalang!
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romance[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...