JEFFREY
"Hi babe! Did you have a nice sleep?"
Mapupungay parin ang mga mata ko ng tignan ko kung sino ang nagsalita.
"Yeah... Uhm..."
"Clarise!" Ngumisi sya ng bahagya. "What do i expect? Anyway, I'll go ahead! Thanks for last night!"
Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa labi at ngumiti. Dumeretcho sya ng alis matapos nun.
Bumangon na ko at dumeretcho sa living room. My head aches like hell! Sa pamamalagi ko dito sa L.A. ng limang buwan ay yun at yun ang ginagawa ko. Lalabas ng gabi, iinom hangga't kailan ko gusto, makakahanap ng babae at iuuwi para i-kama. At katulad ngayon, lalabanan ang sakit ng ulo dahil sa alak.
Limang buwan na. Kahit anong gawin ko, tuwing nakikipagtalik ako sa ibang babae. Sya lang! Sya pa rin ang nasa isip ko! Ayaw pa rin akong tigilan ni Sandra! Napaka lakas ng tama ko sakanya at nagkakaganito na ako ngayon.
"Surprise-- Ay tanginang yan! Lasing ka na naman kagabi noh? Ilang babae na naman ang ikinama mo aber?"
"Shut up! Maka-usisa ka daig mo pa girlfriend! Ano bang ginagawa mo dito Andrew?"
"Malamang dinadalaw ka! Pare naman, limang buwan! Limang buwan ka ng nagpapakagago dito! Bumalik ka nalang ng pinas!"
"Alam mo ng may iniiwasan tapos pababalikin mo ko dun?!"
"Naiiwasan mo naman ba?" Natahimik ako at napatitig kay Andrew. "Kitams! Pare, kahit anong gawin mo, kahit gaano kadaming alak ang laklakin mo, kahit ilang babae ang gamitin mo, kung Sandra, si Sandra lang talaga! Makikita mo, nagka-HIV ka na't lahat pero di mo pa rin sya makakalimutan!"
Hindi na ko nakapagsalita. Alam ko namang tama tong mokong na to eh! Pero ano bang dapat gawin? Kung ngayong malayo nga ako kay Sandra ay hirap na hirap akong kalimutan sya, ano pa kaya yung makita ko sya ng personal?
"Pare, last ko na to! Ayan ang ticket pauwi ng pinas! Magisip isip ka na! Ikaw rin, wag mong pangunahan kung anong mangyayari paguwi mo! Basta, uwi na!!!"
Kunot noo ko lang tinitigan si Andrew. Kung ako ay nagwawala dito, sya naman ay para ng naging santo! Ibang iba na sya! Kung tutuusin dapat gawin naming biro ang pagkakama ng iba't ibang babae pero ngayon, nasermunan pa ko! Bwiset!
Nagiimpake na ko ng gamit. Bukas na ang flight ko pauwi ng pilipinas kasabay si Andrew. Kung di ko lang alam, baka natatakot lang sya bumyahe magisa kaya sya na mismo ang bumili ng ticket ko pauwi!
"Yahooo!! Uuwi na ang bestfriend ko!!"
"Tumigil ka na nga! Pinagtitinginan ka na oh!"
"Pake ko?"
"Teka nga! Nagsususpetsa na ko sayo hah! Bakit mo ba talaga ko gusto ng pauwiin?"
"Huh? Wala! Gusto ko lang kasi... M-mauubos na kaya pera mo dito! Di ka naman nagtatrabaho dito ah!"
"Weh?"
"Oo nga! Sira ka talaga bes!"
"Bahala ka nga jan!"
Iniwan ko si Andrew at pumasok na sa airport. Matagal pero payapa naman ang byahe pero ng papalapag na ang eroplano, parang agad bumilis ang hertbeat ko.
"We're here!!!" Excited na ayon ni Andrew.
Okay, I'm back! Now, what?
* * *
"JEFF!!!" Napangisi nalang ako.
"Uy, Bea!"
"Kamusta? Kailan ka pa nakauwi?"
"Kahapon lang!"
"Ah talaga..."
Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ni Bea. Nililingon ko sa likod nya ang opisina nya. Nila ni Sandra. Mukhang wala sya! Siguro ay kasama na nun si Terrence at inaayos ang kasal nila! Damn it!
"Earth to Jeffrey! Hellow?"
"Huh? Ay sorry!"
"Uhhh.. Wala si Sandra eh! Nasa bahay nila, nagpapagaling--"
"Bakit? Anong nangyare sakanya?!"
"Wow! Ang bilis magalala huh? Parang nung ilang buwan lang basta basta mo syang iniwan tapos ngayon worried ka pa sakanya--"
"Beatrice?!"
"He-he! Ok na kasi yung sakanila ni Terrence--"
"What do you mean?"
"Well? The wedding's off! So ayun nga, kaso, nasaktan sya ni Terrence physically--"
"Shit!"
"Oh kalma! Wag ka ng gumawa pa ng eksena! Pinatawad na sya ni Sandra, nagkapatawaran na sila! Nasaktan yung tao, yun nalang ang isipin natin! Anyways, ayun nga, kaya nasa bahay nila si Sandra at nagpapagaling, more like nagpapahinga lang naman talaga!"
Hindi ko alam kung anong gagawin, pupuntahan ko ba si Sandra or hindi na! Pero nagaalala ako sakanya! Kaso nasaktan rin naman ako nung di nya ko pinili at ipinaglaban! Pero pano kung kailangan nya ng kasama? Ano ba yan!
"Pumunta ka na! Nagiisip ka pa jan! Go na! Dali!"
Tinignan ko muna si Bea bago ko sya nginitian. Nagpasalamat lang ako bago dumeretcho sa bahay nila Sandra. I tried. I tried everything to forget her. Oo nasaktan ako pero anong magagawa ko? Kung si Sandra lang din naman magiging dahilan para bumuti ako ulit?
Nang makarating ako sakanila, bumungad sakin ang isang maid at inalam ko muna kung nasa loob ang mga magulang ni Sandra. Wala daw pareho at bukas pa ang balik! Mukhang umaayon ang pagkakataom sakin.
Agad akong umakyat papunta sa kwarto ni Sandra. Bukas ang pinto pero pagsilip ko ay walang tao sa loob. Nasan kaya sya...
"Jeff?"
Halos lumundag ang puso ko sa gulat.
"Oh! Chill! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sandra.
Mukhang kakaakyat nya lang at may hawak pa syang tray. Tinitigan ko muna sya. Nakapang bahay lang sya na sando at pajama.
"Uhh... Dinadalaw lang kita!"
"Really now? Kailan ka pa nakauwi?"
Hindi ako makapag concentrait dahil kitang kita ko ang cleavage nya. Damn girl!
"Huh? Uhh.. Kahapon lang! Sabay kami ni Andrew!"
"Ahh!"
Sagot nya lang ba yun o ungol? Shit! I'm imagining now what will i do to her when i get inside there... on something in between her thighs.
"Huy! Sabi ko kung ano ba talagang pinunta mo?! Dinadalaw mo lang ba talaga ko? Tsaka, nice timing ka pa! Wala ang parents ko!"
Hindi ako makasagot. Mukha akong tangang nakatayo sa harap nya habang sya ay naka indian seat sa kama nya at titig na titig sakin. When she bites her lower lip. That's when i knew why i'm here.
Lumapit ako sakanya at kinulong ng kamay ko ang mukha nya. Agad kong hinalikan ang noo nya, pababa sa ilong hanggang sa maglapat ang mga labi namin.
I missed this! I missed her!
BINABASA MO ANG
Our Lustful Friendship [SPG]
Romansa[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Alesandra Zaile Viar is living a perfect life. Perfect family, relationship, friends. Lahat ay nasa ayos...