Pahina 19

31.3K 582 9
                                    

SANDRA

"Hahaha! Seryoso ka?" Di matigil ang paghagalpak ni Bea kakatawa.

Nakwento ko lahat sakanya. Simula sa pagkikita ulit namin ni Jeff at sa pagpigil ko sa muntik ng mangyari samin.

Nakabalik na ko sa opisina. Hindi ganun karami ang ginagawa ko at halos mas tambak ang gawain ni Bea. Pero look! Inuuna nya pa rin makiusisa kaysa tapusin ang dapat tapusin. Bruha talaga!

"Tumigil ka na nga! Di talaga kita tutulungan sa mga papers na yan! Bahala ka jan!"

"So? Hayaan mo na! Dali! Ano na muna? Nagpatest na ba si mokong?"

"Malay ko?! Ni hindi nga ako tinatawagan or kahit magtext lang eh!"

Nagpangalumbaba nalang ako habang nakatingin sa cellphone ko. Kunot noo namang naagaw ni Bea ang atensyon ko ng bigla syang nanahimik. Diretcho lang ang tingin nya sakin habang maaliwalas ang ngiti.

"Oh! Anong nginingiti ngiti mo jan?"

"Wala lang! Ok ka na. Ok na kayo ni Jeff. Ok ka narin sa pamilya mo. Masaya lang ako for you!"

"Wow! Parang ikaw hindi ka ok ah?"

"Sus! Ok ako! Pero sandali Sandra! Panong... Alam mo na? Ang bilis kaya? Napatawad mo agad si Jeff! Seryoso ba yun? Baka naman nagpaplano kang gumanti, ikaw ah!"

"Sira! Well, after kasi nung mangyari samin ni Terrence. Feeling ko masyado akong na drain! Nung nakita ko ulit si Jeff. Basta parang balik sigla yung pakiramdam ko! Ayun! Tsaka, tama na siguro? Ayoko na ng gulo. Gets mo?"

"Huh? Sige, medyo?"

Inirapan ko nalang si Bea ng nakangisi. Para naman syang ewan na nagiisip pa kung ano ba talagang ibig kong sabihin. Ang slow din nito paminsan minsan eh.

Hinayaan ko nalang na gawin na ni Bea ang mga trabaho nya. Dahil di ganun kabigat ang ginagawa ko ay nagagawa ko pang mag internet. Ang boring naman kasi pag ganito.

"HALA!!! Hahaha!"

Muntik ko ng maihagis ang phone ko sa biglang pag sigaw ng bruha!

"Ano ba?!"

"Sorry! Pero, punta ka sa profile ni Jeff! Oh my gosh! Look at his post!"

"Nagfafacebook ka lang? Hindi ka matatapos sa ginagawa mo nyan!"

"Pwede mamaya na ang sermon at sundin mo nalang ako? Dali na! Pumunta ka na sa profile nya!"

Kunot noo kong sinimulang hanapin ang facebook profile ni Jeff. Ano naman kayang meron at ganito maka react tong si Bea?

Hindi pa man tumatagal ang pag scroll ko, may nakita agad akong post nya. Picture yun with a caption.

"Oops! Negative. Pano ba yan? Be ready baby!"

Halos bumilog ang mga mata ko at literal na nagkaawang ang bibig ko. Sira ulo ka talagang hinayupak ka! Kailangan pang ipaalam sa buong friends list mo na negative ka sa katarantaduhan mo? Nakuu!

"Hahaha! Ayos din talaga tong si Jeff oh!"

"Ayan! Bentang benta ka lagi sa kagaguhan nun! Bwiset!"

Iniwan ko si Bea at dumeretcho sa cr. Kailangan kong maghilamos ng mahimasmasan.

Wag ka lang magkakamaling magpakita sakin Jeffrey Ford Ayson! Baka mabugbog kita sa kalokohan mong impakto ka!

* * *

Nagkayayaan na pumunta sa isang resto bar. Pakana na naman ni Andrew. Medyo nagtataka pa ko kasi hindi ko mapilit si Bea na sumama knowing na lagi naman syang game pag ganitong may hang outs kami.

"Ano ba? Magpapapilit ka pa ba talaga?"

"Ehhh! Basta! Ikaw nalang kasi!"

"Kailangan nga kumpleto eh!"

"Ayoko nga kasi!"

"Isa Beatrice! Kung maka arte ka jan! Wag ka na ngang pa-virgin at di ka na naman ganun!"

"Ay ang ganda nya oh! Parang birhen ka pa ah! Kainis!"

Tuloy tuloy lang ang bangayan naming dalawa at pamimilit ko sakanya. Nagawa ko ng mangako na ako ang gagawa ng kalahati ng trabaho nya pero himalang di talaga sya pumayag. Bwiset naman to eh!

Ako lang magisa ang pumunta dito sa restobar. Kanina pa daw nandito yung dalawa. Sabi pa ni Andrew na bilisan ko daw kasi mukhang manyak daw makatingin si Jeff sa mga babae.

"Hoy! Akala ko nagbibiro lang si Andrew! Hayop ka talaga!"

"Grabe! Tinitignan ko lang kung may mas gaganda pa sayo dito! Sad to say, ikaw pa rin kasi pinaka maganda sa paningin ko."

Napairap ako sa hangin. Nagawa pa kong bolahin nito ah? Akala naman nya effective. Alam kong medyo umiinit yung pisngi ko pero hindi ako kinikilig. Hindi talaga!

"Ang sagwa nun bro!"

"Wag kang epal g*go!"

Umupo nalang ako sa harapan nung dalawa. Ok lang naman na tatlo lang kami dito sa lamesa kasi minsan kahit kasama namin si Bea ay bigla yun nawawala pag nakakakita ng lalakeng gwapo.

"Si Bea?" Kunot noong tanong ni Andrew.

"Busy! Dami kasing pinapagawa nitong si Jeff!"

"Hindi kaya! Matagal ko ng pinapatapos sa kanya yun. Di ko na kasalanan kung dahil sa katamaran nya ay nagkapatong patong na lahat!"

Nagmake face ako sa harap nya at ganun din ang ginawa nya. Ganitong ganito kami noon. Asaran ng asaran at kung sinong unang mapikon ay sya ang manlilibre ng pagkain. Well, wala akong pera ngayon kaya di ako magpapapikon.

"Aalis na muna ko!"

"Aba Andrew! Ikaw ang nag set nito tapos mangiiwan ka?"

"Aba Jeff! Parang di pabor sayo kung iwan ko kayong dalawa ni Sandra dito ah?!"

Natigilan si Jeff at mukhang nagisip pa bago ako tignan at ngisian. This piece of devil! Alam ko yang mga ngisian nya. May binabalak na naman yang kalaswaan.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko nalang.

"Uhh... Uwi muna ko! Inaantok ako eh!"

"Inaantok? Seriously? Alas kwatro ng hapon inaantok ka na? Sinong niloloko mo Andrew?"

"Hindi pwedeng antukin kahit alas kwatro palang?"

"Hindi pwedeng magsabi nalang ng totoo kasi di kami naniniwala?"

"Parehong pareho kayong dalawa! Ewan! Jan na nga kayo!"

Parang ewan na biglang nag walkout si Andrew. Ni hindi nga kami nilingon man lang. Ano yun? Napikon agad? Badtrip bigla? Ang weird ah.

"So it's just you and me now, babe!"

"Sira ulo! Kumain ka dito magisa mo!"

Sumunod ako ng pagwawalkout. Nangingiti pa ko ng marinig kong panay tawag sakin si Jeff. Eh sa tinamad na ko eh! Kami lang dalawa? Ano yun? Date?

Tsaka ngayon na alam kong negative sya sa lahat ng tests na ginawa nya. Parang natakot ako bigla. Binitin ko sya last time at feeling ko gaganti sya ngayong wala ng problema.

Manigas sya! Seriously, maninigas talaga sya.

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon