Pagkagising ko pa lang, dinig na dinig ko na sa kwarto ang malakas na tawanan sa ibaba, ang malutong natawa ni Papa na waring masayang masaya ito. Nagmadali ako sa pagbibihis, bago ako tuluyang lumabas sa kwarto, sumilip muna ko sa salamin at tiningnan ang aking repleksyon. Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ko sa pinto at madaling tinungo ang hagdanan. Patakbo akong bumaba upang makita ang eksena sa baba, ng nasa may ikaapat na kong baitang, natatanaw ko na sila Papa. Nakaramdam ako ng kaba, nagsalubong ang mga kilay ko ng makita kung sino ang tao sa ibaba. Andyan nanaman pala ang magaling kong kapatid, si Betrice. Nakarating na ko sa ibaba ngunit hindi pa rin napapansin nila Papa ang presensya ko.
Lumingon si Betrice at napansin ako. "Cass……………." Sinalubong ako ni ate at tsaka niyakap at hinalikan sa pisngi. " Dalagang dalaga ka na, marami akong pasalubong sayo-----"
"bakit ka nandito?"
Napasimangot si Betrice, at tsaka tumawa. "Bakit sa tono mo ay parang ayaw mong andito ako?"
"ou… ayoko nga"….. "hindi naman ate! Nagtataka lang ako kasi ang alam ko busy ka sa trabaho mo"
"masyado akong na iistressed sa trabaho ko ngayon kaya humingi muna ko ng break…"
" Ay tama lang yan! Dapat nga magresign ka na lang dun sa trabaho mo at pamahalaan mo na lang yang negosyo natin… aba tumatanda na ko, gusto ko na ring magpahinga" hirit ni Papa na may pagtatampo.
"Papa naman, sa takdang panahon papamahalaan ko din yang negosyo natin, gusto ko muna ienjoy na kumikita ko sa ibang kumpanya hindi sa sarili nating kumpanya, tsaka ayan si Cass oh… mas magaling yan sakin!" kumindat si ate sakin.
"uhm…. Matagal pa bago gumraduate yang kapatid mo… kelan pa nyan ako matutulungan sa negosyo!"
Nasaktan ako sa narinig.
Nabalot ng katahimikan sa may Sala.
---"a-ah. O sya sya." Basag ni Mommy sa katahimikan. "Bago mapunta sa usapang negosyo, kumain na tayo at lumalamig yung hinanda kong almusal!"
"oh sya halika na, matagal tagal na rin nating hindi nakakasamang mag almusal tong panganay natin" hirit ni Papa sabay akbay kay Ate.
"ang sweet sweet naman ng Papa ko!" sagot ni ate Betrice s at sabay silang naglakad papunta sa Kusina ni Papa, Masaya….. at nagtatawana.
Naiwan kami ni Mommy sa Sala. At sa pangalawang pagkakataon, nasaktan nanaman ako. Hindi ko maitago sa sarili ko na nasasaktan akong makitang Masaya si ate Betrice at si Papa. Habang ako, mag isa, naiinggit na pinagmamasdan sila.
Naramdaman ko ang hagod ng kamay sa aking likod, si Mommy. Nilingon ko siya at nasalubong ko ang malamlam nyang mata. "kumain ka muna bago ka pumasok sa school!"
"hindi na Mommy, mukang mas maeenjoy nyo ang pagkain ng----wala ako!" dinampot ko ang bag ko sa sofa.
"Cass----- anak"
"Tsaka baka malate ako mommy e, kaya aalis ako ng maaga… pasabi na lang kay Papa na nauna na ko. Huh?... iloveyou Mommy" at sabay halik ko sa pisngi at dire diretso na kong lumabas ng pinto. May sinasabi pa ang aking ina ngunit di ko na sya maintindihan dahil nagmadali na kong pumasok sa kotse. Isa lang ang nasa isip ko sa mga panahong iyon, umalis, tumakas… lumayo malayo sa kanila.
Mabigat ang loob ni Cassy. Ang kapatid na si Betrice , ang pinakamamahal at paborito ng kanyang Ama ay nasa kanila nanamang Pudir. Masama ang loob nya’t muli mahahati nanaman ang atensyon ng kanyang Ama. Si Betrice kasi, sa edad na 26 ay napaka matagumpay ng Engineer. May sarili na rin itong pangalan sa larangan na karerang tinungo. Noon pa mang bata pa sila ng kapatid, Malaki na ang tiwala at paghanga ni G. Peter kay si Betrice. Matalino kasi ito at katulad na katulad ng kanyang Ama, simula kinder hanggang Highschool, consistent na First Honor ang kanyang kapatid at hindi na mabilang ang karangalang inuuwi sa kanilang pamilya, lalo ng makapasok ito sa Unibersidad ng Pilipinas na para sa kanyang Ama, isang karangalan … dumagdag pa dito ay tinapos nya ang pag-aaral bilang isang Suma Cumlaude. Masaya si Cass sa mga tinatamasang tagumpay ng kapatid subalit hindi niya matanggap ang hindi makatarungang pag kukumpara sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
He is my rival. I should not fall!
Romance"Kailangan kong galingan sa lahat ng gagawin ko, kailangan maabot ko rin lang lahat ng naabot ni Ate, o kung hindi man, kailangan mas mahigitan ko pa sya." Iyan ang palaging nakatatak sa isip ni Cassy, ang tapatan o higitan ang Ate Betrice nya...