The injury and meet my Dad

8 0 0
                                    

   Kinausap ni G. Cawil si Christian at ako bumalik na sa kinauupuan namin kanina. Sinalubong ako nila Jem at Louise.

    "Aaaaah!... Cassy!" bakas ang tuwa sa mga mata ng dalawa, waring kinikilig.

    Umupo na lang ako at hindi na pinatulan ang pang aasar ng dalawa.

Pinunasan ko ang pawis gamit ang palad ko. Malakas naman ang aircon pero pinagpapawisan ako. Ano bang nangyayari sakin?

    Pagkaraan ng 15 minutos, bumalik na rin si Christian sa pwesto nito.

     Hindi ko magawang tingnan ito kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga kaklase kong nagdedemo.

     Makaraan ang isang oras, natapos na ang practical test… sa huli ng klase, sinabi ni G. Cawil ang mga nakuha naming grado, nakakuha kami ng 88 ni Christian.

    Kinuha ko ang mga notebook ko na nakakalat sa sahig at sinimulang ilagay iyon sa bag ko. Unang tumayo si Christian at tsaka naglakad na papunta sa labas.  Isinara ko ang bag ko pagkaraang matapos, nang biglang may napansin akong umilaw sa tabi ng bag ko. Cellphone----- at kung hindi ako nagkakamali cellphone iyon ni Christian.

   Hinanap ko sa loob ng Gym si Christian pero wala na ito sa loob.

   "anong problema Cass?" usisa ni Louise.

  "nakita nyo ba si Christian?"

  "yie-----!" kanya kanyang pang aasar sila ni Jem. "nakita ko syang lumabas… kung tatakbo ka na ngayon, malamang maabutan mo pa yun!"

   Wala na kong inaksayang oras at agad na kong lumabas, at hinanap si Christian.

To be cont.

Umabot ako sa second floor ng paghahanap kay Christian pero hindi ko pa rin ito makita.

Nakasalubong ko si Tikoy. May kasama itong babae na sa wari ko ay isang  freshmen student.

"Tikoy?" tawag ko dito.

Tumigil ito. Nginitian ako ng kasama nitong babae, ginantihan ko rin ng ngiti ito.. "nakita mo ba si Christian?"

   Nagtataka ito. "… Ou… nakasalubong ko sya sa may hagdan, papunta na syang Gym!"

  "ah… talaga! Salamat!" at nag madali na kong tumakbo papuntang first floor.

Ng nasa may hagdan na ko, natanaw ko si Christian, naglalakad ito.

"Christian…." Sigaw ko. Hindi ako naririnig nito. Kasalukuyan akong bumababa  ng hagdan. Sinigawan ko muli ito. At sa pangalawang pagkakataon ay lumingon na ito. Nagtataka itong lumingon sakin.

   "Hintay!" sigaw ko ulit. At itinaas ko ang cellphone nito.

   Nakuha naman nito ang gusto kong iparating.

Nagmadali ako sa pagbaba. Mga 5 baitang na lang… nagkamali ako ng tapak sa hagdan. Napasigaw ako… at dire diretso ako paibaba.

    Madaling tumakbo si Christian papalapit sakin.

    "aray…." Napuruhan ata ang paa ko sa pagkakahulog. Naiiyak ako sa sakit.

  "ano… anong masakit sayo?" hinawakan ni Christian ang paa ko.

  "aray…" daing ko, madali niyang binitawan iyon.

Dumami na ang mga estudyanteng nakikiusisa… maya maya dumating na ang nurse ng Unibersidad, at madali akong inalalayan papuntang sa clinic.

       Bumangon ako mula sa pagkakahiga, nilagyan ng benda ang paa ko… fracture daw sabi ng Doctor, pero hindi naman daw malala, ibabad ko lang raw sa yelo ang paa ko at mga tatlong araw lang matatanggal na ang pamamaga nito.

He is my rival. I should not fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon