Betrayal

12 0 0
                                    

"Good morning… welcome to St. Martha!"

Maingay sa Unibersidad ngayon. Mayroon kasing friendly competition na magaganap, Sta. Martha kontra sa Sta. Isabel na isa mga sister school namin. Abala ang lahat, lalo na ako dahil presidente ako ng Unibersidad, kaya ako ang nagsisilbing puno ng aktibidad.

Halos lahat ng gagawin mula sa sound system hanggang sa food para sa mga bisita ay natapos na namin, salamat sa mga kasamahan ko sa Student Government at sa iba ko pang mga kaibigan na tinulungan ako. Punong puno na ang Gym, maiingay na ang mga estudyante sa loob. Kanya kanyang hawak ito ng banner para sa mga susuportahan nilang manlalaro.

       Kausap ko si Anny, isa sa kasamahan ko sa SGO ng makita kong paparating si Jake, may kasama itong dalawa pang lalaki.

     "si Jake Ortega yun, diba? Ow my! his so cute…" komento ng isang babae.

     Napasimangot ako. Pinag usapan na namin ni Jake na hindi na kami madalas magkikita sa Unibersidad, simula iyon ng eskandalong kinasangkutan ko nung minsang nakipag away ako, ayoko ng maulit iyon kaya mas mabuting hindi na kami madalas makita ng mga taga Sta. Martha para wala ng ring masabi ang mga tao. Kaya hindi ko inaasahan na makikita ko sya ngayon dito.

   "Hai Cass!...." bati ni Jake, makikipagbeso dapat ito sakin pero umurong ako. Nakita kong hindi nito nagustuhan ang ginawa ko.

   "mamaya na lang natin ituloy tong pinag uusapan natin Anny ah!…" nakangiti ako sa kaibigan. Tumango ito, at tsaka naglakad na papalayo.

  Binalingan ko si Jake. "what are you doing here?" mahina lang ang boses ko.

  "hindi mo man lang ba ko babatiin?" pabalang ang boses ni Jake.

Hindi ko nagugustuhan ang tono nito. Una, pumunta sya ng Unibersidad ng wala man lang pahintulot ko, at pangalawa may kasama pa syang ibang tao. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin na nitong mga nakaraang araw ay parang hindi ko mainindihan si Jake, parang hindi sya ang Jake na sumusuyo sakin. Parang ibang tao sya.

Napairap ako,  Nakita iyon ni Jake… hinila nya ang kamay ko. Hilang may pwersa, napadikit ako sa kanya. Pagkatapos inakbayan ako nito, pinandilatan ko si Jake… gusto kong itulak ito sa pinapakita nyang kahambugan. Pero,  Hindi natitinag si Jake bagkus hinawakan pa nito ang kamay ko, gusto kong bumitaw pero napakahigpit ng pagkakahawak nya, na tipong nasasaktan na ko.

   "Serge, Kim… si Cassy nga pala girlfriend ko!"

   Girlfriend?  Nakaarko ang kilay ko kay Jake. Anong pinagsasabi ni Jake.

   Bumati sakin ang dalawa, ngumiti na lang din ako, ayokong ipahiya si Jake.

 Nakita kong dumating na ang team ng Sta. Martha, kasama rito si Christian. Pinipilit kong kumalas sa pagkakahawak ni Jake pero mas hinihigpitan pa nito ang pagkakahawak.

     "Christian…." Tawag ni Jake.

    Napalingon si Christian, nagkatinginan kami… nag iwas ako ng tingin rito. Muli kong sinubukang alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jake pero hindi pa rin ako gustong pakawalan nito.

    Naglakad si Christian papunta sa pwesto namin.

    "Nice to see you again pare!" at Binitawan ni Jake ang kamay ko... nakipag apir ito kay Christian. "varsity player ka pala?"

    Tumango si Christian. "ou, e ikaw may sports ka ba?"

  Nakita kong  Napasimangot si Jake. Sikat syang car racer, saan man sya magpunta ay nakikilala sya ng mga tao. Ganun sya kahusay at kakilala, kaya malamang na naoffend ito ng hindi ata sya kilala ni Christian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He is my rival. I should not fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon