Si Laureen kaya yung babaeng espesyal kay Christian. Obvious naman e. Sino pa ba? Napakaganda ni Laureen, imposibleng hindi sya magustuhan ng isang lalaki, kaya imposibleng hindi rin sya magustuhan ni Christian.
"Cassy….."
O baka naman hindi si Laureen. Baka ibang babae…
"Cass…."
No. I think…
"Cass… can you please pay attention to me!"
Napalingon ako kay Jake, nakasimagot ang gwapong muka nito.
"kanina pa kong nagsasalita rito, pero mukang lumilipad sa langit yang isipan mo"
"I'm sorry…." Nag iwas ako ng tingin sa kanya sa pagkapahiya.
Nasa harapan na pala kami ng bahay, pagkaraang sunduin ako ni Jake sa Unibersidad, dinala ako nito sa isang restaurant tsaka doon kami kumain at nagkwentuhan. Pagkatapos noon, nagpasya na kong umuwi.
"ano bang iniisip mo… o sino bang iniisip mo?" binigyang diin nito ang Sino. Gaya kanina nakasimangot pa rin ito.
Umiling ako. "nothing!"
"… yung Christian bang yun?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Paano nya nalaman na iniisip ko si Christian. Umiling ako. "Jake… hindi, pagod lang ako kaya ganito ako"
Mas nagsimangot ito… Ramdam kong hindi ito kumbinsido sa sagot ko.
"okay… isipin mo kung anong gusto mong isipin…" Binuksan ko ang pinto ng kotse at aakmang lalabas na. Marami na ang nangyari ngayong araw at wala na kong enerhiyang makipagtalo pa sa kanya.
Madaling pinigilan nito ang kamay ko. "please stay… I'm sorry!"
Sinarado ko muli ang pinto.
"Cassy… sa tinagal nating magkaibigan, ni hindi mo nakwento sakin yung Christian na yun, tapos makikita kong ganun kayo kalapit sa isa't isa… anong gustong mong isipin ko?"
Inarko ko ang kilay ko. "His nothing to me Jake… at inaalalayan nya lang ako kanina sa pagbaba ng hagdan, issue na ba yun sayo? At tsaka kaibigan kita, hindi mo dapat ako pinag iisipan ng ganyan?"
"ayoko ng maging kaibigan lang Cassy!"
Tumalbog ang puso ko.
"diba sinabi ko sayo na gusto kita kaya wag mo ng paulit uliting kaibigan mo lang ako… " may hinanakit sa pananalita nito. " bata pa lang tayo Cassy, gusto na kita… pero pinalampas ko iyon dahil mga bata pa tayo, pero ngayon na malaki na tayo, hindi ko na kaya tong itago pa… Lumipat kami ng NewYork akala ko mawawalang tong nararamdaman ko sayo, pero hindi e, mas dun ko naramdaman na gusto kita… hindi mo alam na bumabalik balik ako dito sa Pilipinas, dahil sayo… at sa tuwing babalik ako ng NewYork, nalulungkot ako kasi alam ko na pagbalik ko dun maiiwan kita, maiiwan kita na hindi mo nanaman alam na gusto kita…"
"Jake — masisira ang pagkakaibigan natin"
"No—" sigaw nito. "please Cassy, bigyan mo lang ako ng chance na patunayan ang sarili ko, sinisigurado kong hindi ka magsisisi …" Hinawakan nito ang kamay ko, napakasinsero ni Jake.
Ilang segundong katahimikan. Hindi ko kayang saktan si Jake. "okay…. Let's try!"
"You mean?" malaki na ang pagkakangiti ni Jake.
BINABASA MO ANG
He is my rival. I should not fall!
Romance"Kailangan kong galingan sa lahat ng gagawin ko, kailangan maabot ko rin lang lahat ng naabot ni Ate, o kung hindi man, kailangan mas mahigitan ko pa sya." Iyan ang palaging nakatatak sa isip ni Cassy, ang tapatan o higitan ang Ate Betrice nya...