Panay ang tawa ni Louise at Jem. Nagsisisi tuloy akong kinwento ko pa sa dalawa ang nangyari kahapon, ang pagbibigay ko ng sandwich kay Christian na hindi ko alam na wala naman palang palaman.
Tumingin sa gawi namin si G. Cawil, ang P.E instructor namin…
Nagtikom ng bibig si Louise at umasta naman si Jem na nakikinig. Tiningnan ko ang dalawa at inirapan. "best actress kayo nuh?"…. tawanan nanaman ang mga ito, pagkatalikod ni G. Cawil.
Kasalukuyan kaming nasa mini theatre room ng Unibersidad, isang oras na nanunuod ng mga nakaraang palaro ng karate sa Sta.Martha, ito kasi ang magsisilbing P.E namin sa buong sem. Nakasalampak kami sa sahig kaya madali makapagkwentuhan, sabayan pa ng pinaggigitnaan ako ni Jem at Louise na panay rin ang harutan. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ni G.Cawil, kung mayroon man akong hindi gusto na Subject, PE na siguro iyon, ewan ko ba… bukod sa boring ay nakakapagod pa.
Nagtatawanan rin ang Tropang A sa likudan namin, ang halatang halata naman na ako ang pinagtatawanan nila. Gusto kong magbingibingihan sa usapan nila pero dahil malapit lang sila samin ay rinig na rinig ko iyon.
"favorite ko Egg Sandwich!" hirit ni Tikoy na nagbabatabataan.
"ako… cheese sandwich!" hirit naman ni Harby.
"teka! Teka boss… e ikaw anong paborito mo?"
"ako… nakalimutan ko yung palaman e, pero mahilig din ako sa sandwich?" humahagikhik si Christian habang sinasabi iyon. Sabay sabay na nagtawanan ang mga ito. Tumawa rin si Jem at Louise.
Namumula ko sa hiya, iniikom ko ang kamao, gusto ko na talagang magwala sa inis, pero hindi ko magawa kasi alam ko na kapag napipikon ako, mas nasisiyahan si Christian, tsaka nakakahiya naman talaga yung ginawa ko.
"may sandwich ba kayo dyan?" sunod sunod na tanong ni Tikoy na humahagikhik pa.
"mayroon ako rito kaso walang palaman to!" sumagot si Louise. Tawanan nanaman ang mga ito.
"SIR!" malakas ang pagkakasigaw ko habang nakataas ang kanang kamay ko.
Nawala ang tawanan.
"yes? Ms.Mendiola?"
Seryoso ang mukha ko. "may I go out!"
Tumango si G. Cawil. Bago tuluyang makaalis sa pwesto ay inirapan ko si Jem at Louise, hindi ako natutuwa na pinagtatawanan rin ako ng mga ito kagaya ng Tropang A lalo na ni Christian. Pakiramdam ko tuloy pinagtutulungan nila ako.
Malamig at preskong hangin ang sumalubong sa akin pagkaraang makalabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa CR.
Hinayaan kong magtuloy tuloy ang tubig sa mukha ko. Pagkaraang makahilamos, tiningan ko ang repleksyon ko sa salamin.
"napakasama nyong lahat, dahil lang sa sandwich na walang palaman pinagtatawanan nyo na ko!"
Muli akong naghilamos.
Ilang minuto ay lumabas na ko ng CR, kinuha ko ang panyo sa bulsa at nagsimulang punasan ang basa kong mukha. Ilang hakbang na lang at malapit na ko sa mini theatre room ng biglang nagbukas ang stock room at naramdaman ko na lang na may humila sakin.
Pagkapasok ko sa loob ay nagsara ulit ang pinto. Maliit lang ang stock room, siguro mga dalawang dipa lang ang laki at lawak, sapat lang sa dalawang tao. Bumaling ako sa taong kasama ko, na syang may dahilan din kung bakit nasa stock room ako.
Nagulat ako sa nakita. Si Christian--- nakangiti ang gwapong muka nito. Ayan nanaman ang sunod sunod na tibok ng puso ko.
"a-anong gi-na-gawa mo?" nauutal utal pa ko. "wag mong sabihing---!" hinawakan ko ang necktie, biglang pumasok sa isip ko ang mga masasamang tao na madalas kong napapanuod sa TV. Yung tipong kikidnapin ka, naalala ko ang paghila sakin ni Christian kanina, ikukulong ka, ang sitwasyon namin ngayon ni Christian, at pagtatangkaan ka ng masama, tiningnan ko si Christian, sa lahat naman ata ng rapist ay ito ang pinakagwapo. Akma akong sisigaw pero mabilis na tinakpan nito ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
He is my rival. I should not fall!
Romance"Kailangan kong galingan sa lahat ng gagawin ko, kailangan maabot ko rin lang lahat ng naabot ni Ate, o kung hindi man, kailangan mas mahigitan ko pa sya." Iyan ang palaging nakatatak sa isip ni Cassy, ang tapatan o higitan ang Ate Betrice nya...