Nakasubsob ang mukha ko sa lamesa, at pinipilit kong mag isip. Kasama ko si Louise at Jem, kinwento ko sa dalawa ang ginawang pag amin ni Jake sakin na gusto nya ko. Gulong gulo na ko sa nangyayari… hindi ko alam ang tamang gagawin, kung iiwasan ko si Jake dahil hindi ko gustong masira ang pagkakaibigan namin o hahayaan kong mas lumalim ang ugnayan namin.
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag. Si Jake ang nagtext.
Can we meet later?
Kinuha ni Louise ang phone ko. Nagsisigaw ito sa kilig. "Gora na girl!"
"No…" kontra ni Jem.
Pati ang dalawa kong kaibigan naguguluhan. Si Louise, pabor kay Jake… si Jem naman ayaw kay Jake. Wala tuloy akong makuhang matinong sagot sa dalawa.
"look Cass, si Jake… sa NewYork nakatira, and kung magiging kayo… ayy Long distance te, mahirap yan!"
"Jem, hindi lahat ng Long distance mahirap, tsaka wag mo ngang ihantulad ang lahat ng relasyon sa mga naging relasyon mo"
"teka… anong sinasabi mong inihahantulad ko ang mga relasyon sa mga naging karelasyon ko, tinutulungan ko rito si Cassy, at tsaka ano bang masasabi mo tungkol sa mga gantong bagay, nagkaroon ka na ba ng totoong relasyon!"
"oy… sumosobra ka na Jem ah!"
"STOP IT!" sigaw ko sa dalawa. "sa ginagawa nyo, hindi kayo nakakatulong, tsaka please wag nga kayong magsagutan at magsabihan ng hindi magagandang salita… parang hindi kayo magkakaibigan kung umasta!"
"ikaw kasi!" sita ni Jem
"anong ako?" sagot pa ni Louise.
Tiningnan ko sila ng masama.
"okay ganto na lang… Cassy, kahit ano pang idakdak namin dito ni Louise, sa huli ikaw pa rin ang agdedesisyon, at tsaka isa lang naman ang pinakapunto dito e, kung gusto mo din si Jake?"
Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Christian. Nagkatinginan kami nito. "hindi ko alam…" nag iwas ako ng tingin at binalingan ulit sila Jem.
"okay, have you felt na gusto ka talaga ni Jake?"
"hindi ko alam… paano ko ba nalalaman yun?"
"I think Louise mahihirapan tayo sa kaibigan nating to, bagito sa pag ibig e!"
Tumango si Louise. "ganto yun, mararamdaman mo na gusto ka talaga nya kung mayroon syang ginagawa na espesyal, yung hindi nya normal na ginagawa… yung pinaparamdam nyang mahalaga ka!"
Narinig kong umupo si Christian, sa likod ko lang naman ang pwesto nito. Inalala ko ang mga kilos ni Jake, pero hindi ko malaman kung may espesyal ba sa mga yun o wala? Umiling nanaman ako Kayla Jem.
"okay, for you to know… let's ask someone kung paano ba nila masasabing espesyal sa kanila ang isang tao.." inilibot ni Louise ang mata nito sa loob ng silid, kami pa lang naman at si Christian ang nasa loob.
"Christian…." Tawag ni Louise.
Lumingon ito na noon ay may binabasang libro.
"anong ginagawa mo kapag gusto mo yung isang tao… yung espesyal sayo yung tao na yun?"
"bakit?"
"basta----"
"I make her feel that she's special..!"
"like?" abang na abang sila Louise at Jem sa sagot nito.
"Like… teka ayokong sumagot!"
BINABASA MO ANG
He is my rival. I should not fall!
Romance"Kailangan kong galingan sa lahat ng gagawin ko, kailangan maabot ko rin lang lahat ng naabot ni Ate, o kung hindi man, kailangan mas mahigitan ko pa sya." Iyan ang palaging nakatatak sa isip ni Cassy, ang tapatan o higitan ang Ate Betrice nya...