The start

13 0 0
                                    

Mabilis ang takbo ko papunta sa room 216. 7:30 ang klase ko sa Physics, at pasado 7:35 na sa relo ko. Napahimbing kasi ako ng tulog at di ko napansin na tanghali na pala, kaya heto ako ngayon… nakikipagkarera sa orasan para lang hindi mahuli sa klase. 

        Malapit na ko sa room ng matanaw ko si Gng.Mauricia, ang matandang guro naming sa Physics. Binagalan ko ang paglalakad ng malapit na ko sa kanya, hinihingal ako.

         "what happened Miss. Mendiola? You look…?" nakataas ang kilay ng matanda, tiningnan ako simula paa hanggang ulo.

       "ow!" bigla akong nakaramdam ng hiya. Inayos ko ang sarili, sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko at sabay baling muli kay Gng. Mauricia. "ahm--- sorry Ma'am, I'm ---" gusto ko pa sanang magpaliwanag ngunit nauna na ang matanda sa loob. Napapikit ako at huminga ng malalim, tsaka muling dumilat. "prepare yourself Ms. Cassy Mendiola"… at nagtuloy na rin ako sa loob.

        Una kong nakita si Jem at Louise. Sabay tumingin ang dalawa sa mga orasan nila, sabay baling sakin na may pagtataka. Hindi kasi ako nalilate o hindi ako dumadating ng paaralan ng halos magkasunod lang kami ng professor, kung mayroon mang paparangalan bilang pinaka maagang pumasok na estudyante, ako na yun. Pero sa nangyari ngayon, Malabo ng makuha ko iyon. Nagtuloy tuloy ako sa upuan ko. Bago ako makaupo, napansin ko ang lalaking nakaupo kasunod ng upuan ko--- si Christian. Nakangiti ito, ngiting nang aasar. 

        Nag init agad ang muka ko. Nakangiti ka ba kasi muntik na kong malate. 

        Inirapan ko sya tsaka padabog na umupo sa upuan ko. Lumikha ng malakas na tunog ang pag upo kong iyon. Kaya, napalingon ang mga kakase ko sa pwesto ko, maging si Gng. Mauricia na nagsusulat na noon sa blackboard ay napalingon rin. Ibinaba nito ang salamin nito at tsaka tumingin sa akin, nakaarko nanaman ang kilay nito. 

        "ahm—I'm sorry!" sagot ko. " I'm sorry, I'm sorry.." kaliwat kanan akong hmihingi ng paumanhin. Pagkaraan, itinuloy na ni Gng, Mauricia ang pagsusulat. Samantalang ako naman hiyang hiya sa upuan ko. 

        Nadidinig ko ang hagikhik ni Christian. Nag iinit talaga ang dugo ko. Tinakpan ko ang tenga at tsaka huminga ng malalim. Sinusubukang kalmahin ang sarili ko. 

         Pagkatapo ng 5 minuto, tapos na ng pagsusulat si Gng. Mauricia, puno na sulat ang dalawang malaking blackboard. Kinuha nito ang 4 na makakapal na libro mula sa bag, at pabagsak na ipinatong sa lamesa. Halos kaming lahat, napalunok ng makita ang nakakatakot na kapal ng libro na iyon. 

         Umupo ang matanda sa upuan, inaayos ang salamin nya… at tsaka nakaarko ang kilay na tumingin sa klase.

        "before I introduced myself and start with our topic, I would like to remind you, that this University Sta. Martha is one of the old, respected and prominent University…. Ayoko na makikita kayo na nakasuot kayo ng uniform, dala dala ang pangalan ng Sta. Martha… na…." mas inarko nito ang kilay nito.  "na parang hindi man lang kayo nagsuklay, o hindi pa maayos yang necktie nyo.!"

        Nahihiya ako sa naririnig, alam ko na ako ang pinapatamaan ni Gng. Mauricia. 

        "sino kaya yun?" usisa ng iba kong kaklase.  

       Kalahating oras ding nagbunganga ang matanda, halos paulit ulit lang naman ang sinasabi nito… at isa lang naman ang gustong palabasin nito, na hindi sya natutuwa sa inasta ko. 

        Hindi ko na inisip ang pagkahiya, ibinaling ko na lang ang sarili ko sa pakikinig. Unang meeting sa Physics, ang hirap na agad ng topic, sabayan pa ng mataray at boring na guro. Yung iba, kanya kanya ng pinagkakaabalahan, si Jem at Louise panay ang harutan, yung iba naman nagkukwentuhan, yung iba pinipilit na labanan ang antok ko, at kagaya ko pinipilit intindihin ang tinuturo ni Gng. Mauricia.

He is my rival. I should not fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon