meet Laureen.

10 0 0
                                    

Nagmamadali kaming pumasok ni ate Betrice sa Grocery Shop, napakalakas ng ulan sa labas. Ipinagpag ko ang payong na dala, tumingin sa akin ang Lady Guard, mukang galit ito dahil tumalsik ang tubig galing sa payong kung saan sya nakaupo.

   Ngumiti ako at isinara ng tuluyan ang payong ko.

  Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri, kinuha ko ang clip sa bulsa at inilagay iyon sa gilid ng buhok ko. Kinuha ko rin ang panyo sa bulsa at sinimulang punasan ang nabasa kong katawan ng ulan. Ng makatapos ay pinunasan ko din ang suot na kong pabaloon na paldang puti… at pagkaraay itinupi ang manggas ng suot  kong orange na sweater. Ng maayos ang sarili ay bumaling ako kay ate Betrice.

  Lihim akong nagandahan sa kapatid. Kahit nabasa ito ng ulan katulad ko, napakaganda pa rin nito. Nakasuot ito ng short na maong at parehas kami ng sweater na suot, asul lang sa kanya, kahit morena ito at hindi mestisa na katulad ko, hindi iyon nakabawas ng ganda kay Betrice, bagkus mas bagay pa dito. Bagay rin dito ang bagong gupit na maliit na buhok. Napakaganda ni Betrice.

    Pinunasan nito ang muka ko.

    "ate!" pinigilan ko sya.

"ano ka ba? Okay na ko…" tuloy pa rin ito sa pagpunas.

"hayaan mo nga ko, ay sayang yang magandang mukha mo kung hindi natin yan patutuyuin!" nakangiti ito, labas ang dalawang biloy.

"hindi ako maganda ate, ikaw ang maganda!"

Tumigil ito sa pangungulit at tinitigan ako.

Bago pa makapagsalita si Ate Betrice ay nagpacheck na ko ng bag sa Lady Guard at walang lingon lingon ay tuluyan na kong pumasok ng Grocery shop, naiwan si ate Betrice.

  Hinintay ko na lang ito sa loob, Ilang Segundo ay nakapasok na rin ito. Wala man lang bakas ng galit sa muka nito sa inasta ko kanina. Hinawakan nito ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.

   Alas otso na ng gabi sa relo ko. Bigla kasing naisipan ni Ate Betrice na gumawa ng burger kaya napasugod kami sa Grocery Shop. Minsan, may pagkabrat din ang kapatid ko dahil kahit hindi pumayag si Papang lumabas kami ay nagpumilit parin  ito. Walang ginawa kundi magluto si Ate Betrice simula ng dumating ito sa bahay, hilig iyon ng kapatid na ikinasalungat ko naman, hindi ako mahilig magluto, kaya nga biro ni Mama sakin, kailangan daw magaling magluto ang mapapangasawa ko, kasi guto daw ang aabutin namin.

Si ate Betrice ang nagtutulak ng Cart habang ako sumusunod lang sa kanya, hawak hawak nito ang kamay ko kaya hindi kami naghihiwalay.

    "gusto mo ba  ng cheese sa burger mo?"

Tumango ako.

    "have you try yung burger na chicken ang Patty?"

Umiling ako. Kadalasan, beef ang natitikman kong burger.

   "what? You should try… gagawan kita!"

"kaya mo?"

"upcorse!" malaki ang pagkakangiti nito.

Kahit papaano'y namiss ko rin ang presensya ni Betrice bilang ate ko. Noong mga bata kasi kami ay lagi kaming magkasama. Pero ng tumuntong ito ng College at bihira ng umuwi sa bahay, dagdag pa ng magkalamat ang relasyon namin dahil sa pakikipagkumpitensya ko sa kanya ay hindi na kami madalas magkasama at magkausap ni Betrice.

   Dumaan kami sa Fruits section. Sandali akong binitawan ni Betrice kaya Malaya na kong nakakagalaw. Hindi ko mawari at bakit biglang pumukaw ng atensyon ko ang Mansanas na magkadikit na nakalagay sa dulo ng lalagyan ng lahat ng prutas.

   "wow ang cute!" ng hahawakan ko na iyon ay may isa ring kamay na susunggab doon. Mas binilisan ko ang pagkuha, ganun din ang ginawa niya kaya ang nangyari, dalawa kaming nakahawak sa mansanas. Siya sa isang mansanas at ako dun sa isa pang kadikit.

He is my rival. I should not fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon