we start as friends

20 1 0
                                    

Pagkadating sa bahay... naabutan kong nagkakape si Daddy, ate Bea at sa Mommy sa may kusina. Nagmano ako kay Daddy, humalik sa pisngi ni Mommy at maging kay ate Bea. 

"How's school my little sister?" usisa ni Bea. 

Nginitian ko lang ang kapatid. "Mommy, matutulog na po ako, medyo hindi po maganda pakiramdam ko, baka dala lang ng pagod sa school!" 

"you better take med......" 

Ang haba pa ng pinagsasabi ni Mommy ngunit umakyat na ko ng hagdan, at nagtuloy tuloy na sa aking kwarto. Pabagsak akong sumalampa sa kama ko. Tinanggal ko ang aking necktie at saka hinagis sa sahig. Mas pipiliin kong magkulong na lang habang buhay sa kwarto kesa makita ang masayang paghaharutan ni Daddy at Betrice. 

Inayos ko ang pagkakahiga at ipinikit ang aking mga mata. Naalala ko ang mga nangyari kanina, ang sinabi sakin ni Jem at ang paghaharap namin ni Christian kanina. At unti unting bumalik sa akin ang mga ala alang nangyari makalipas ang dalawang taon. 

Sa St. Martha University nagtapos ng pag aaral si Betrice kaya't dun rin ako pinapasok nila Daddy ng hayskul. Maganda ang Unibersidad, kilala ito sa isa sa pinakamatanda at pinakamagaling na Unibersidad saming Bayan kaya't hindi rin ako nag alinlangan na doon mag-aral. Isa pang nagkumbinsi sakin na doon na mag aral ay ng doon din nag enroll si Jem at Louis -Mga kaklase ko simula kinder at tinuturing kong mga matalik na kaibigan. Napakasaya ko noon, kasi hindi ko na kailangan mag school bus gaya ng dati, binibigyan na rin ako nila Mama ng baon na pera, Malaya na ko sa pagiging bata. Hanggang sa nakilala ko si Christian. 

Laking States si Christian, galing sya sa sikat na angkan ng Hales na may ari ng pinakamatandang restaurant dito sa San martin. Mga kalagitnaan na ng August sya lumipat ng pag aaral sa St. Martha. Natatandaan ko pa noon na gustong gusto kong makapunta sa states, dun kasi gusto mag aral ni Ate Betrice ng kolehiyo at lagi nya kong kinukwentuhan na maganda daw doon kaya sa edad ko pa lang na 12 noon, malaki na ang pangarap kong makapunta sa States. Kaya ng malaman kong doon lumaki si Christian, lagi ko na syang kinakausap at nagpapakwento sa kanya kung saan ba ang States? Anung meron doon? Maganda ba doon? At dala siguro ng pagkakulit at pagkadaldal ko, ang dating pagsusungit sakin ni Christian ay napalitan ng isang pagkakaibigan, naging close kami at naging mag kaibigan, at naging matalik pang magkaibigan. Sinama ko na sya sa tropa namin nila Jem at Louise kahit hindi nila gaanong gusto si Christian, kaya simula noon kasabay na naming syang mag Recess, mag Lunch, gumawa ng assignment. Project... lagi kaming magkakasama. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ko sya kinaibigan ay dahil naaawa ako sa kanya, narinig ko kasi sa usapan na namatay ang Papa nya sa States, dahil sa sakit na Cancer, kaya umuwi sila ng Sta. Martha. Sa murang edad, nawalan na sya ng Ama at hindi pa maganda ang pagtanggap sa kanya sa Unibersidad. Dahil laking States, mayaman at gwapo maraming nagkakagusto kay Christian sa University maging ng iba pang University, at dahil dun malaki ang pag kainggit at galit sa kanya ng mga lalaki sa St. Martha. Maraming nayayabangan sa kanya kaya ilang beses na syang napaaway, halos lingo lingo syang nasa Guidance noon, wala syang ibang kaibigan noon kundi ako kaya mahirap sa parte nya kasi wala siyang kakampi., nag iisa lang sya. Minsan nga noon, may naghamon sa kanya ng suntukan na nandoon ako. 

Pauwi na kami nun ng may lumapit saming lalaki naninigarilyo, hula ko ay 3rd year ito, at nasa lower section. "ikaw ba si Christian!" galit ang tono nito.  

"ou ako nga!" hinila nya ko sa likod nya at tsaka hinarap ang lalaki. Nakipagsukatan sya ng tingin dito. 

"kilala mo ba ko? Kilala mo ba ang binabangga mo? Tinapon nito ang hawak na sigarilyo at tsaka lumapit kay Christian. Muka sa muka. 

Nilingon nya ko. "umuwi ka na!" matigas ang boses nito. Umiling ako. Muli nyang binalingan ang lalaki. "Anong kailangan mo? Bat di mo na lang akong diretsuhin?" 

He is my rival. I should not fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon