Karate Class

18 0 0
                                    

Higit sa tatlong linggo na ang nakakaraan buhat ng komprontasyon namin ni Christian. Ang araw na pinagbintangan ko sya at pinagsalitaan ng masasakit na salita,  na kung tutuusin naman ay hindi ko dapat ginawa.  Buhat ng araw na iyon. Hindi na ko kinukulit ni Christian, ang mga pangbubwisit nito, pang aasar, maging ang dati kong nahuhuling pagtitig niya sakin ay hindi na rin nito ginagawa. Malamang, totoo ang sinabi nila Jem, na nasaktan ko nga ito. Pero kung tutuusin naman, sanay na dapat ako na hindi kami nagkikibuan ni Christian, pero iba ang ihip ng hangin ngayon, kasi si Christian ang umiiwas, at ako ang nakagawa ng mali. Hindi rin ako komportable na nakasakit ako ng tao, araw araw akong nilalamon ng konsensya ko, kaya makahanap lang ako ng tyempo, ay agad hihingi ako ng tawad kay Christian, tanggapin nya man yun o hindi.  

         Asa Mini Gym kami ng Uniberdidad, P.E namin kay G. Cawil. Magkatabi kami ni Christian… mga isang dangkal lang ang pagitan namin, nabunot ko kasi syang partner, kaya kami ang magkakasama sa buong karate session. Tahimik lang ito na nakikinig kay G. Cawil, minsan sinusulyapan ko ito, pero ayun deadma… ni hindi man lang ako magawang tingnan. Naiinis tuloy ako sa inaasal nito.

         "Ngayong araw na ito, magkakaroon tayo ng isang surprise practical test!" paliwanag ni G. Cawil.

     Kanya kanyang reaksyon ang klase.

    "Listen guys!"… nawala ang pagbubulungan. "kung naaalala nyo, pinanuod ko kayo ng iba't ibang self defense, at ngayon idedemo nyo sa akin ang natutunan nyo!"

    "NO!" sigaw ng isip ko.

     Kanya kanya nanamang reaksyon ang mga kaklase ko.

  idedemo namin ang mga natutunan namin, hindi kaya personalin ako ni Christian! isip ko…. tiningnan ko ito, wala pa ring karea-reaksyon.

      "babalikan ko kayo after 30 mins, kaya bahala na kayong magplano ng mga kapartner nyo sa gagawin nyo… basta pagbalik ko, magsisimula na tayo ng practical test!" tumayo si G. Cawil at lumabas ng gym.

      Kanya kanya ng plano ang ibang magkakapartner, samantalang kami ni Christian, parang hindi magkakilala… walang tinginan, walang kibuan.

     Binalingan ko muli si Christian. "may naiisip ka bang gagawin natin?"

    Wala itong sagot.

    "okay?". Napahiya ako. Tanggap ko na, hindi makikipag cooperate si Christian at babagsak ako sa practical test.

Matapos ang ika30 minuto, bumalik si G. Cawil at sinimulan ang practical test.

Magaling ang mga kaklase ko, lahat sila tagumpay na nakapag demo… at sigurado mataas ang makukuha nilang mga marka.

Kinakabahan na ako sa pwesto ko, Sunod sunod ang tibok ng puso ko, tatlong pareha na lang at kami na ni Christian ang magdedemo, pero heto kami, ni walang kaplano plano kung anong gagawin mamaya.

Napabuntong hininga ko. Tanggap ko na ang kahihiyaang mangyayari.

"Mr. Hales and Ms. Mendiola… kayo na ang susunod!"

Tumayo na kami ni Christian, nauna sya… sumunod ako.

Kinakalma ko ang sarili ng biglang lumingon sakin si Christian, napaurong ako sa gulat.

"ba-bakit?"

"sumunod ka lang sa mga sasabihin ko kung gusto mong makapasa tayo!"

"Paanong----? Tumalikod na muli ito. Argh. Sanay ka ba talagang tinatalikuran ang mga kausap mo. Ang yabang yabang mo. Bakit naman kita susundin. Hari ka? Mas pipiliin kong bumagsak kesa sumunod sayong mayabang ka. Dinilaan ko sya.

He is my rival. I should not fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon