Our interaction.

10 0 1
                                    

Kakatapos lang ng klase ko sa Filipino, dalawang oras kaming nagbasa ng mga tulang inilikha ni G. Maurillo, ang matanda naming guro sa Filipino.

    At ngayon, papunta na ko sa Gym para kuhanin ang cellphone ko kay Christian. Tinutuo nga ni Christian ang sinabi nito, na hindi sya dadaan sa room para isauli lang ang cellphone ko, kung gusto kong makuha iyon ako ang pupunta sa kanya---hindi lang sya mayabang,  napakadominente pa. Muli, nakaramdam nanaman ako ng asar dahil sa mag kakaroon nanaman kami ng interaksyon ni Christian pagkatapos ng nangyari kahapon, isa pa na kinaiinis ko ay… mag isa kong haharapin ang mayabang na unggoy, hindi kasi ako sinamahan ni Jem dahil may practice ito ng swimming, si Louise naman… ayun inuna pa ang date nya kesa sakin.

    Pero hindi hadlang na mag isa lang ako para hindi ko maharap ang isang Christian, hindi ako duwag at hindi ko sya kinakatakutan para umurong ako. Gusto ko na ring matapos ang lahat, matapos ang koneksyon naming ni Christian, gusto ko na ng katahimikan, at bumalik na lang ulit sa dati ang lahat, na hindi kami nag uusap, nagpapansinan, ni sulyap wala. Kaya huli na talaga ang araw na to…

     Dire diretso ako sa paglalakad habang inaayos ang bag ko, basta kasi nilagay ni ate Betrice ang inihanda nitong sandwich at Juice sakin kanina kaya nagulo ang gamit ko, nagmamadali na kasi akong pumasok kanina kaya hindi ko na nagawang maayos  ito. Narinig kong may tumatawag sakin.

    "Cassy…….." nilingon ko kung sinong tumatawag ngunit di ko makita kung sino iyon. Hanggang sa may naramdaman akong yakap na nanggagaling mula sa likod ko. Napaharap ako at itinulak kung sino iyon

  "Aray!" napatumba ang lalaki.

   Hindi ko sya makilala.

  "aray masakit yun ah!" at sa wakas nakita ko na ang mukha nito. Si Mac… nakahawak ito sa may puwitan.

   "oh!---" nilapitan ko ito at inalalayang tumayo. "kasi naman e, bakit kasi bigla kang nanyayakap, ito tuloy inabot mo!" pangaral ko sa kanya habang inaaalalayan syang tumayo.

   "hindi ba? Bakit bigla bigla ka na lang nanapak… sinuportahan pa naman kitang presidente ng Unibersidad na ito tapos ganto ka pala ka bayolente?"panay pa rin ang haplos nito sa may puwitan.

   Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito.

  Napansin nitong hindi ako natuwa sa sinabi nya. "oh… sandali, wag mong sabihing nasaktan ka sa sinabi ko?"

   Hindi ako sumasagot.

   "ano ka ba?" inakbayan ako nito at tsaka ginulo ang buhok ko. "nagbibiro lang ako, sineseryoso mo naman"

   Tinulak ko ito, pero sa pagkakataong iyon mahina na. Inayos ko ang nagulong buhok. Masyado na kaming pinagtitinginan ng mga estudyanteng naroroon. Nakaramdam naman tuloy ako ng hiya.

    "ano bang ginagawa mo Mac? Baka nakakalimutan mong  mas matanda ko sayo… hindi mo dapat ako niloloko ng ganyan?" nagpakapormal ako.

   "ilang beses ko bang sasabihin sayo na lamang ka lang ng 11 buwan at 30 na araw sakin kaya hindi ka pa matanda sakin… magkasing tanda  lang tayo Cass!" nagsimangot ito.

    Kasalukuyang third year student si Mac, Kaibigan ng pamilya namin ang pamilya ni nya. Matagal ng secretary  ni Papa ang Daddy nito, at dati namang magkaklase nung hayskul si Mommy at ang Mama nito. Noong mga bata pa kami, laging niloloko ni Tito Arthur, ang daddy ni Mac na pinagkasundo daw kami ni Mac noong noon pa na binata pa sila ni Papa. Kaso, nasira daw ang kasunduan na iyon ng mas una akong ipinanganak  kay Mac, ang sinaunang paniniwala kasi… kailangan mas matanda ang lalaki kaysa sa asawang babae ng sa gayon ay maprotektahan nya ito. Sineryoso naman iyon ni Mac kaya bata pa lang kami ay panay na ang pagpapahayag nito ng nararamdaman sakin, na noong una hindi ko pinapansin at dinadala ko lang sa laro… ngunit kahit nung lumaki na kami at tumungtong ng hayskul ay panay pa rin ang panunuyo nito, ngunit malinaw sa akin ang lahat, na mahal ko si Mac bilang isang kaibigan, at hanggang doon na lang iyon.

He is my rival. I should not fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon