Special Chapter: Nathan

1.5K 15 1
                                    

Here it is. Side ni Nathan at Mika. Nasa kasalukuyan na sila dito at inaalala lng ang lahat.

Pinagsama ko nlng po sa iisang chapter ang side nila ni Mika. At 'pag alam niyo na ang side ni Mika, hnd na kayo magagalit sa kanya.

.....................

Nathan's POV

Since I and Jaz were a child, magkaibigan na kami. At simula bata pa kami, mahal ko na siya.

Di naman talaga kami ni Marie eh. Lahat ng namagitan samin ay hnd katotohanan.

Sabi niya sakin nun nung iniisip kong mabuti kung pano ako aamin kay Jaz, sinabihan niya ako na huwag kong ituloy yun. Tinanong ko siya kung bakit. Sabi niya, kailangan daw niya ako para makatakas sa ex niyang g*go.

She broke up sa lalaking yun pero that freak didn't stop bothering her.

Naawa ako sa kanya dahil kahit sa konting panahon ay naging close naman kami.

I helped her.

Gusto ko rin kasing malaman kung may gusto din sakin si Jaz. Kung magselos siya, edi may gusto siya sakin.

Pero iba ang nangyari. Masaya pa nga siya dahil nagkaroon ako ng gf eh.

Naging kami ni Marie pero hnd yun katotohanan. Nagpapanggap lng kami.

Sa ilang taon na pagsasama namin, wala namang nangyari.

Oo. Nahalikan ko siya pero nung nasa harap lng namin ang ex niya dahil hnd daw siya naniniwala na kami talaga. Kaya ayun, hinalikan ko siya.

Pero isang beses lng yun. Wala na.

Akala ni Jaz nun na wala na kami pero di niya alam, wala na kami. Hnd naman talaga kasi totoo na kami.

Sinabihan ko siya na tapusin na namin ang pagpapanggap dahil hnd na naman siya ginugulo ni Oscar. Yun ang ex niya.

Pumayag naman siya pero bago niya ako binitawan, umamin siya sakin na mahal na niya ako.

Gusto ko sanang subukan pero si Jaz parin sakin. Tinanggap naman niya ang desisyon ko at sinabihan ako na sana makita ko na ang para sakin.

Pagkatapos nun, hnd ko na siya nakita pa. Hnd na siya nagpakita pa.

Nabalitaan ko na nasa London na pala siya nakatira at nagpatuloy ng pag-aaral niya.

At sakto nung umalis siya, dun ko nalaman ang totoong nararamdaman ni Jaz.

Kung san na walang dadamay sakin, dun pa dumating ang sakit.

That's the time na naging cold ako kay Jaz pati narin kay Rose.

Si Rose sana ang kaibigan na gustong dumamay sakin pero mas pinili ko ang alak na maging karamay ko.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Mas lalong gumuho ang mundo ko ng malaman kong si Jaz at Sean na.

At nung nalaman ko na hnd tutol ang parents ni Jaz.

Mas nilunod ko ang sarili ko sa alak.

Nung mga panahon na palagi akong wala, nasa bar lng ako.

Nagpapakalasing.

Palaging umuuwi ng umaga.

Pagkagising, babalik na naman sa bar.

Paulit-ulit lng.

Then, one night.

There's a girl who is so bubbly and amicable. She's a carefree person.

But I know, deep inside she's also hurt.

My Vampire Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon