Hay! Hindi na ako nakatanggi kay Miss.
Balak ko kasing magback out kaso...
*Flashback*
"Miss!"
"Oh bakit Daina? Do you need anything?"
Wow. Miss ha. Nakalimutan agad? Parang kakalabas niyo lang sa room ah. XD
"Miss kasi po-"
Ano ba yan. Biglang may umepal na teachers. Moment ko na eh.
"... Oh sinong representative niyo para sa Nutrition Month? Hinahanap na daw ni Richard yung mga names ah."
Naku po. Ganda ng topic ah. (sarcastic) Makaalis na nga lang.
Maya ko na kakausapin si Miss.
"... Oo nga eh. Ang amin ay si Precious at Nian. Kayo ba?"
Wait.
Balik.
Balik.
Balik.
Nian daw? Lakas ng pandinig ko noh? Basta si Nian, sagap agad ng tenga ko yan. Haha! Pero... Nian daw? As in Nian Mercado?
"Nian? Nian Mercado?"
Thank you miss at nabasa mo ang iniisip ko! Yan talaga ang gusto kong tanungin!
"Oo."
"Mabuti at napapayag mo yun! Sinasali ko dati yun sa UN, ayaw eh."
"Nung una nga ayaw pero lumabas lang ng saglit taz pagbalik, pumayag na. Haha!"
Umalis na ako. Hmm.... so kasama din pala si Nian? Sama na lang din pala ako para makasama ko siya. Hihihihi :"> Kiri ko noh? Pagbigyan!
*End of Flashback*
So ayan ang dahilan kung bakit pumayag na ako. Baka kasi akalain niyo pang pumayag ako kasi gusto kong maging partner si Matt noh. IN HIS DREAMS!
Hay! Narurumi na naman ako tuwing naaalala ko siya.
Ewan ko Ba! Haixt. Makatulog na nga.
Magkikita kita pa bukas ang mga kasali sa Nutrition Month eh. Kailangan ko pang magbeauty sleep para kay Nian my loves. Hahaa! :"> Kinikilig na naman ako. Hihihi
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ko na Puno ng Secrets
Teen FictionMahal kita, mahal mo siya at may mahal siyang iba. Hindi ba pwedeng mahal mo ko, mahal kita? At bahala na siya sa buhay niya? ^^ Sana ganyan na lang ang buhay noh? Napaka-unfair naman kasi ng LOVE na yan eh. Bakit ba kasi nauso pa yan?! Dito sa Diar...