Chapter 11 - Cold

45 2 0
                                    

Ewan ko ba dun sa Matt na yun kung bakit ang sama makatingin. Yan tuloy di ako makaconcentrate sa pakikipagusap kay Nian my loves.

Hindi ko kasi maiwasang hindi tumingin sa kanya.

Pano ba naman?

Nakatitig sakin! Kala mo mangangain eh. Katakot.

Nagkatinginan kami. Kaya nagsmile ako.

Aba! Inirapan ako! Ano na naman ang problema nito?

Dumating na yung head ng tle department at pinaupo na kami sa tabi ng aming mga partner.

Eto namang partner ko ang cold pa din! Ano ba talaga ang problema nito?!

"Uy! Bakit di ka namamansin? Galit ka ba sakin? May nagawa ba akong masama?"

"..."

Aba't! Inirapan ako ng loko! Ang kapal neto. Ako na nga yung nagrereach out eh. Pasalamat nga siya at kinakausap ko siya. Eh dati nga, makita ko lang siya, nabbv na ako eh.

Inirapan ko din si Matt at tinuon ko na lang ang attention ko kay Nian. Tss. Kasura tong Precious na to. FC much eh. May papalo palo pang nalalaman! Ikaw kaya ang paluin ko jan eh!

Grrrr!

So G-R-R-R talaga! Hmmp!

Nakatingin ako ng masama kay Precious nang biglang lumingon si Nian at nag smile.

Nanlaki ang mata ko at napaiwas agad ako ng tingin. So unexpected naman Nian my loves.. Namumula tuloy ako ngeyen. Kiri much! XD

Tumingin ako sa left side ko (sa may side ni Matt) at ngumiti ng pagkalaki laki. Kung wala si Nian dito, sisigaw na ako sa kakiligan.

Wag ka kasing ganyan Nian my loves! XD

"Tss."

Napatingin ako kay Matt.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Hmmp! Bahala ka jan. Bwahaha!

Ang Diary Ko na Puno ng SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon