Chapter 19 - Movie with Barkada

29 2 0
                                    


Andito kami ngayon sa loob ng cinema. Pagkatapos kasi namin ubusin yung mga inorder nila eh dumiretso na kami dito tutal eto naman ang pinunta namin eh.

At dahil nga alam ni Dessa na crush ko si Nian My Loves, edi yun, pinagtabi kami ng loka! Ayan tuloy, nakaupo ako ngayon between Nian My Loves and Matt. Hay! -__-"

So ang seating arrangement namin ay ganito: Dan, Mark, Steve, Dessa, Nian, Me and Matt. Siguro gusto lang talaga makatabi neto si Steve eh. Ginawa lang siguro akong dahilan.

"Guys, bili tayong popcorn at drinks!" yaya ni Mark.

"Geh ba. Ibili niyo na lang kami ni Daina. Hahaha." sabi naman ni Dessa. Tingnan mo talaga tong babaeng to. Dinamay pa talaga ako eh.

"Tinatamad ka lang bumili!" sabi ni Steve.

Ayan na po, nagsisimula na naman ang dalawang ito. Napa-face palm na lang ako.

"Ikaw Daina, gusto mo ng popcorn?" alok ni Nian.

>///<

"Uhhh... sige." sabi ko na mejj nahihiya pa. Syempre! Si Nian yan oh!

Tumayo na si Nian.

"Daina, gusto mo ng drinks? My treat." Nagsmile si Matt at umalis.

Sinundan na din siya ni Nian. Ano bang nangyayari sa dalawang yun??? Hay. I really can't understand boys. -____-"

Sumunod na rin sa kanila yung tatlo pang boys.

"Mountain Dew yung gusto kong drink ha!" pahabol ni Dessa. Etong babaeng ito talaga. Napakaingay lagi. Nagtataka na nga ako kung bakit ko ito naging bff eh.

"Oo na!" sabi ni Steve.

Hmmm.... I smell something fishy hereee. *EVIL LAUGH*

Tiningnan ko si Dessa ng nakakaloko with matching taas taas pa ng kilay. hahaha!

"Ho- hoy! Bakit ganyan ka makatingin?!" sabi ni Dessa.

Ese naman! Nagbablush pa etong babaeng to! Hahahaha! Hule!

"Hoy Daina! Wag mo kong ginaganyan ganyan ha! Kala mo di ko nakita yung pag alok sayo nung dalawa ha! Etchosera ka girl! haba ng bangs mo! Hahaha!"

Nakita niya yun?? Ano ba yan. Wala ba talagang nakakalagpas sa babaeng to?

"Ililibre lang ng pagkain, etchosera na agad?? Ikaw nga bibilhan ni Steve eh! Kaw ha! Yieee!"

"Ma-may usapan kaya kami!"

Haha! Ang sarap talagang asarin neto! XD

"Wag masyadong defensive, napaghahalata ka eh. Hahahaha!"

Biglang namula si Dessa. Hmmm... something is fishy talaga and Imma know it soon. *Evil Laugh*

Maya-maya dumating na rin sina Mark. Lahat may kanya-kanyang dala ng popcorn at drinks. Naku, sana naman cheese flavor yung popcorn!!!

Pagkakita ko kina Nian at Matt. Tig-isa lang ang dala nilang popcorn at inumin pero large. Hala. Nagbago na kaya ang isip nila at di na nila ako itetreat? Tsk. Dapat pala nagpabili na lang ako.

(_ _)" *sigh*

Umupo na yung dalawa. Ako, eto nakaubob. Hay. Nakakainggit sila. Sana pala sumama na lang ako sa kanila sa pagbili.

"Daina, okay ka lang?" tanong ni Matt.

"Ako? Syempre naman!" hyper kong sagot kahit na hindi. Hay.

Napatingin ako kina Steve at Dessa. Nu ba yan. Nagababatuhan pa sila ng popcorn samantalang ako, nga-nga. Hay.

"Daina, hindi na nga pala namin ikaw nabilhan ng sarili mong popcorn, nagkakaubusan na kasi eh pero bumili kami pareho ng large na popcorn pati na rin drinks. Share na lang tayo." Sabi ni Nian sabay smile.

Oh Ghaddd. I could die now. Cheret! XD

"Gusto mo ng barbecue flavor?" tanong ni Matt sabay alok ng popcorn.

"Or Cheese?" tanong ni Nian.

Nakakahiya mang tumanggi pero...

"Thanks na lang Matt. Gusto ko kasi ng Cheese flavor. Hehe."

Nagkatinginan sina Matt at Nian. Ako, nakatingin lang sa kanilang dalawa. Feeling ko may current na dumadaloy sa mga mata nila eh.

Parang ganito:

(>_>) ~ (-__-) ~ (<_<)

Inabutan ako ni Matt ng straw. Aanhin ko naman to?

"Eh anong gusto mong inumin, Daina? Mountain Dew?" sabi ni Matt.

"Or Coke?" alok ni Nian.

Parehas ko namang gusto yun eh. Ano ba yan?! Sana talaga bumili na ako ng akin. Wahhh! Maloloka ako sa dalwang to eh! >.<

Tumingin ako kay Nian.

"Mountain Dew na lang. Thanks sa pag alok." sabi ko kay Nian sabay smile. FYI ha. Its so hard to say No to your crush no.

"Okay lang atleast sa susunod alam ko na kung anong gusto mo." sabi niya.

May susunod pa? Emegesh. >///<

"Akin na nga yan." sabi ni Matt.

Kinuha niya sa kamay ko yung straw atsaka nilagay yung inumin sa gitna namin. Pagkatingin ko sa kanya, nakasmile lang siya habang inaayos yung inumin namin. Anyare kaya dito? Makasmile wagas eh.

Nagsimula na ang movie at umayos na kaming lahat ng upo. Nako, sana naman hindi maging awkward ang pakikipagshare ko sa kanila ng pagkain.

But I guess I'm wrong.

~~~~~~~×××××××××××~~~~~~~~

Andito na ko ngayon sa bahay. Phew. Supeer mind blooowing ang araw na to!

Kase naman, nasa kalagitnaan na yung movie kaya naman hindi na rin akong masyadong nahihiya na makishare ng pagkain with Nian and Matt. Nagtetake turns na lang kami sa paginom at pagkuha then, pagkakuha ko,

O///O

WAHHHHH!!!!

Nagkadikit yung kamay namin ni Nian My Loves!!!!! SHEET LANGSS!

tapos nagkatinginan kami tapos bigla siyang nagsmile sakin. Like Oh May Ghadddd. I can die now. Cheret! XD

Nakahiga na ako ngayon pero di ko parin mapigilang di magsmile. Kinikilig ako anebey. XD

Pero three days na lang Mr. and Ms. Nutrition na. Kakayanin ko kaya?

Ang Diary Ko na Puno ng SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon