Hay! May assembly ngaun. Kaya eto kaming grade 10, lahat nasa old gym.
Btw, ako nga pala si Daina Eloise An Cole, 15 years of age, bookworm BUT not a nerd (I only read novels), ex-football varsity and just a random girl in school.
Yes, I'm not one of the "populars". Hindi naman kasi ako mahilig sa attention pero hindi naman ako loner, may mga kaibigan din naman ako.
Patapos na ang assembly. Intermission number na lang daw ng isang band.
"Let us all welcome, the Band-aid!"
Wew. Ganda ng name ah! Halatang pinagisipan! Wahaha!
Ako, utas pa din sa kakatawa pero yung mga girls sa buong gym nagkakagulo na, yung boys naman nakikijoin na din. Anong meron? School band lang naman to ah, bat ganun sila makapagreact? Siguro magaling to...
Pumasok na yung members nung band, at lalong nagiritan yung girls. Nagtatayuan na nga kaya eto ako nacurious, nakitayo na din.
Pagkatayo ko, eksaktong nagtanggal ng shades yung lead singer nila na guy.
I was like .O_O.
Grabe ang pogi niya!!! >.<
Kaya eto ako nakijoin narin sa jamming. Ang cute niya talaga!
After two songs natapos na at pinabalik na kaming lahat sa kanya kanyang room. :( Hay! kung kailan naman nageenjoy na ako oh!
Andito ako ngaun sa pa-photocopyhan. Nauna na kasi mga kaklase ko sa room. Eh inutusan pa ako ni Ms. Emma na magpaxerox para sa activity namin. Kaya may dala ako ngaung mga papel na pagkadami-dami.
Iniisip ko pa rin kasi yung vocalist guy kaya naman nabangga ako dun sa nasa harapan ko at nahulog yung mga hawak kong papel.
"Oh shoot!"
Isa-isa ko ng pinulot yung mga papel. Hay! pagminamalas ka nga naman oh!
Tinulungan ako nung guy na nabangga ko kaya naman napabilis ang pagkuha ko ng papel.
"Sorry ha at nabunggo kita." - say niya sabay bigay sakin ng mga papel.
"No, ako nga dapat ang magsorry eh. Hindi ako tumitingin sa dinadaan ko. Sorry talaga."
He smiled.
"Next time tumingin ka na sa dinadaanan mo ha baka kasi wala ako sa tabi mo para tulungan ka."
I blushed.
Pasalamat na lang umalis na siya kung hindi, nakita niya kung gano mamula ang mukha ko.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa room and I can't help smiling kaya all the way sa room nakahawak ako sa neck ko. Ganun kasi ako pag kinikilig.
Sinong hindi kikiligin kung sabihan ka ng ganun ng cute at poging vocalist ng Band-Aid! Wah!!!!!
Hindi pa rin ako nakakaget-over kaya naman nung lunch, binatukan na ako ni Dessa.
"Hoy! Para kang engot jan! Kanina ka pa nakangiti jan ah!"
"Eto naman panira lagi."
"Ano ba kasi ang chika?"
Tss. Chika lang pala ang gusto eh binatukan pa ako.
"Ganito kasi..."
Ayun, kinwento ko sa kanya yung nangyari.
Pumalakpak ng mabagal si Dessa.
"Congrats! Nakapagmove on na rin ang best friend ko sa wakas!" at pumalakpak ulit siya.
Binatukan ko nga.
"OA mo din noh."
"Aba, totoo naman ah. Nakapagmove-on ka na din kay Clark sa wakas."
"Yeah. Yeah."
"Teka ano ba pangalan ng guy na yan?"
Wait- oo nga noh. Hindi ko pa nga pala siya kilala.
"Yun lang. Hindi ko pa alam."
"Malalaman din natin yan."
Nagtawanan kami. Pag kasi may naisipan kaming gawin, gagawin talaga namin.
Malalaman ko din ang name mo, cute at poging vocalist ng Band-Aid!
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ko na Puno ng Secrets
Novela JuvenilMahal kita, mahal mo siya at may mahal siyang iba. Hindi ba pwedeng mahal mo ko, mahal kita? At bahala na siya sa buhay niya? ^^ Sana ganyan na lang ang buhay noh? Napaka-unfair naman kasi ng LOVE na yan eh. Bakit ba kasi nauso pa yan?! Dito sa Diar...