Imbes na dumiretso ako sa bahay, pumunta na lang muna ako sa clubhouse. Meron kasi dung isang bench na lagi kong inuupuan lalo na kapag gusto ko mapagisa, magisip at katulad ngaun... pag malungkot ako.
Hay.
Bakit dun lagi ako napunta?
Gusto ko don hindi lang dahil sa malapit siya sa pool at under siya ng isang shade ng tree pero dahil din sa ang ganda ng view don lalo na kapag sunset.
Minsan nga, humingi ako ng sign kay Lord. Na yung unang lalaki na uupo kasama ko sa bench na ito at sabay naming papanuodin ang sunset, yun na yung taong mamahalin ko ng totoo... ng sobra at yun na rin yung lalaking matagal ko ng hinihintay.
Ilang months na rin since nung hiniling ko yun. Kaya hindi na rin ako umaasa na magkakatotoo yun. Hay.
Hindi ko nga alam kung bakit yun yung ginawa kong sign eh. Siguro kasi yun yung unang nangyari nung una kong naranasan yang love na yan. Pero syempre, puppy love lang yon. hehe.
Pero... nasan na kaya siya? yung kababata ko kung saan una akong nahulog?
Aalis na sana ako nung may nakita akong babaeng naiyak sa kabilang bench kaya nilapitan ko.
"Ate, okay ka lang?" ask ko sabay upo sa tabi nia.
Pinunasan lang nia yung mga luha nia at tumingin sa malayo.
Hala! Snob si ate?
"Hindi naman sa nangengealam ako ha. Pero kung ano man yang problema mo, mas maganda kung ilalabas mo yan at isheshare sa iba. Hindi man nila masolusyonan, atleast may karamay ka kesa sa kinikimkim mo magisa."
Tumingin sakin bigla yung babae.
Ooops. May nasabi ba akong masama?
Hindi ko ineexpect ang susunod niyang ginawa,
she hugged me.
"Masakit pala noh ka-kapag *sniff* iniwan ka ng taong mahal mo? Yu-yung *sniff* akala mo okay na ang lahat. Yun pala hindi. Huhuhu."
At yun, umiyak na nga ng tuluyan si girl.
"okay lang yan. marami pa namang lalaki jan eh. Atsaka tandaan mo, hindi naman titigil ang mundo mo kapag nawala siya. Life goes on. you just need to live with it"
Halos 5 minutes din siyang umiyak. Pero okay lang. parang ganun din naman ang nararamdaman ko ngaun eh kaya I feel her.
"Thank you ha." - siya
" okay lang yun. masaya naman ako at natulungan kita :)"
"Ako nga pala si Rian Masilungan."
"Daina Cole, nga pala"
Nagkwentuhan lang kami saglit ni Rian at umuwi na rin kami.
Hay. Hindi man ako ganun kapalad sa love life, pinagpala naman ang buhay kaibigan ko. :)
-----
Dedicated to Rixie Icaro! Hihihi. Hope you like this UD. :)
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ko na Puno ng Secrets
Teen FictionMahal kita, mahal mo siya at may mahal siyang iba. Hindi ba pwedeng mahal mo ko, mahal kita? At bahala na siya sa buhay niya? ^^ Sana ganyan na lang ang buhay noh? Napaka-unfair naman kasi ng LOVE na yan eh. Bakit ba kasi nauso pa yan?! Dito sa Diar...