Days passed in a blur.
Nagphoto shoots, feeding program, practices, and finally, the time has come.
Ang Mr. snd Ms. Nutrition Pageant.
This past few days, super hectic ng schedule namin. Halos hindi na nga kami umaattend ng subjects sa dami ng preparations. Gusto kasi nung head ng TLE department, polished ang lahat before the day itself.
Mas naging close din kami lalo ni Matt at ni Nian My Loves. Sabi na nga ba tama tong desicion ko na ito eh!!! Hihihi. XD
Andito ako ngayon sa isang room malapit sa playground. Ito kasi yung binigay na room para sa contestants tapos sa kabila naman yung boys. Tapos na akong ayusan at magbihis. Hinihintay na lang namin na tawagin kami. Yung mga boys kasi andun na sa may hall, dun na lang namin kikitain.
"Girls, okay na ba kayo? Magstastart na tayo. Let's go." tawag ni Ms. Alice.
Dugdug. Dugdug.
Konti na lang makikita ko na si Nian. Magandahan kaya siya sakin? De joke. Hahahaha! Ano ba yan. Umaatake na naman ang kakirehan ko. XD
"Daina?"
Pagkalingon ko, nakita ko si Nian na naka-tuxedo na kulay grey. OhMayGhad. Mr.Grey? Chos! XD
"Uy, Nian."
Nagsmile ako. Di ko mapigilang hindi magsmile eh. Makakita ka ba naman ng mala-christian grey na nilalang sa harap mo, ewan ko lang kung di kA mapasmile HAHAHA!
Nakatingin lang sakin si Nian, kaya tumingin lang din ako sa kanya. *Gulp* Hindi kaya...
May dumi ako sa mukha?!
Bigla kong tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay ko.
Shemays! Kailangan kong pumuntang banyo!!!
Narinig nag chuckle si Nian,
'Sheet! May dumi nga ata ako sa mukha!! Why now?!'
"Wag mo ngang takpan yang mukha mo," Tinanggal niya yung kamay ko sa mukha ko. "Masanay ka na na tititigan ka ng mga tao kasi ... Sobrang ganda mo."
Dugdug. Dugdug.
Eto na ba? Eto na ba ang pinakahihintay ko???
-------------------------------------------------------------
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Nian. Ayaw ko kasing magassume eh. Mahirap na.
Did he meant what I think he meant? O he just said that because he's a gentleman?
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko o kung ano ang mararamdaman ko basta ngayon isa lang ang sure ako.
My heart beats for him.
Maybe, dapat na niyang malaman kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Magsasalita na sana ako ng...
"Batch 1 please proceed at the back please." Sabi nung coordinator.
Haist. Panira naman ng moment eh.
"Sige, Daina. Punta na ako don."
He smiled.
"Sige. Good luck."
Yun na lang ang nasabi ko. Hay. Tsaka na tong feelings ko para sa kanya. Ngayon, isa lang dapat ang iniisip ko, ang Mr. And Ms. Nutrition.
——————————————————
Natapos na yung Batch 1. Kami na ang sunod. Pinanood ko kanina si Nian sa stage. Super pogi niya talaga. At ang ganda pa ng sagot niya. Panigurado, panalo na siya. Hayy. Crush na crush talaga kita Nian ♥_♥
"Daina. Daina, position."
Naputol ang line of thought ko nung tinawag ako nung coordinator.
"Sorry po."
Pumunta na ako sa line. Wooh. Kaya ko to.
Naglalakad na sa aisle yung asa unahan ko. Oh ghad. Ako na.
Napatingin ako kay Matt na nasa kabilang side. Tumango siya sakin at sabay kaming pumunta sa gitna.
"Ayusin mo nga yang mukha mo. Baka matalo tayo niyan."
Tiningnan ko ng masama si Matt. Nakakaasar talaga siya.
"Joke lang! Eto naman di mabiro. Magrelax ka kasi jan. Halata kasing kinakabahan ka eh."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Tingnan mo, ang lamig ng kamay mo oh! Hahaha!"
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Heh! Umayos ka na jan. Tayo na eh."
Tumayo na ako ng maayos at humawak na sa braso niya tapos lumapit siya salin at bumulong.
"Wag ka ngang kabahan jan. Andito lang ako noh. Atsaka ang ganda mo kaya ngayon."
Napatingin ako kay Matt. Titingnan ko sana kung nagloloko siya kaso hindi ko na nalaman. Nakatingin na kasi siya sa unahan at nakasmile.
"Hoy. Baka naman matunaw na ako niyan. "
Inirapan ko na lang siya, humingi ng malalim at nagsmile.
This is it.
——————————————————
As expected, nanalo si Nian. Sabi na nga ba eh. Sino bang hindi makakapansin ng kapogian niya? Haha. Si Matt naman ang nakahakot lahat ng special awards. Ako? 2nd place. Akalain mo yun! Naka-2nd pa nga ako eh! Hahaha!
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ko na Puno ng Secrets
Teen FictionMahal kita, mahal mo siya at may mahal siyang iba. Hindi ba pwedeng mahal mo ko, mahal kita? At bahala na siya sa buhay niya? ^^ Sana ganyan na lang ang buhay noh? Napaka-unfair naman kasi ng LOVE na yan eh. Bakit ba kasi nauso pa yan?! Dito sa Diar...