Chapter 18 - SB with Barkada

28 4 1
                                    

Naging masaya naman ang Fun Run. Hindi man kami ni Matt yung nauna, atleast nakabonding ko naman siya. Akalain mo, mabait din pala yun! Hahaha!

Ang mas lalo kong ikinasaya ay nung nakita ko yung partner ni Nian na si Princess. (Hindi na nga pala si Precious ang partner niya. Nag-back out.) Bakit? Eh kasi naman, pa-arte arte pa. Ang sabi ba naman, "I'm so tired. I think I'm gonna faint like now na." tapos sumilip pa kay Nian at nagact na mahihimatay. Eh halata namang gusto lang magpabuhat sa Nian my loves ko! Hindi nga pinansin ni Nian at iniwan. Hahaha! In her face! :P

Okay din naman pala ang Mr. and Ms. Nutrition na ito eh. Napapalapit na ako kay Nian my loves ko, nagkaron pa ako ng new best friend! Hahaha! I'm so blessed. Ang pogi kaya nung dalawa na yun! (Wag niyo nga lang sasabihin kay Matt na sinabi ko yun! Okay lang kay Nian para malaman na niya ang nararamdaman ko. De joke! wag! Di pa ako ready! XD srsly.)

By the way, its Sunday. Meaning? Chill day ngayon. Walang practice and everything. Hay! Makakapag pahinga na din sa wakas. No assignments, no projects, no quizzes to study for, no practice, no gala, no-

*Ring*

Dessa Calling...

"Hello?"

[Hello D?]

"Oh bakit Dessa?"

[Asan ka ngayon?]

Parang alam ko na kung saan pupunta tong usapan na to.

"Asa bahay. Why?"

[Nagyayaya sina Steve manuod ng movie. Tara!]

Parang kakasabi ko lang na 'No gala' eh.

"Baka naman ikaw lang ang iniinvite ni Steve ha. Ayokong maging sagabal noh."

Humiga na ako at pumikit. Kung sila sila lang din, no thanks na lang. Hindi naman sa ayaw kong makasama sila pero syempre, you also need a time for yourself. Gusto ko muna magrelax ngayon.

[Tangi! Bahala ka, kasama pa naman namin si Nian...]

Napabangon agad ako. Nian daw?

"Anong oras? At san magkikita?"

[Hahaha! Basta Nian eh. Mamayang 12 sa Starbucks. Laters, baby. Hahaha.]

"Siguraduhin mo lang na anjan si Nian kundi uuwi talaga ako kahit kasama ko na kayo!!!"

*Toot toot toot*

Call Ended.

Kaibigan ko ba talaga to? Hay.

Tumingin ako sa orasan sa side table.

10:45 AM

Oh no! Halos isang oras na lang pala! WAHHH!

~~~~~~~×××××××××××××××~~~~~~~

"Kuya, bakit tayo tumigil? Andito na ba tayo?" tanong ko kay Kuya Eddy, driver namin.

"Nako medyo malayo pa po tayo Ms. Daina. At... nasiraan po ata tayo."

"What?!"

Tumingin ako sa orasan. 11:58 na eh! Pag minamalas ka nga naman oh.

"Kuya Eddy, magcocommute na lang ako. Itext niyo na lang po ako kapag naayos niyo na po itong sasakyan."

"Sige po. Ingat kayo."

Bumaba na ako ng sasakyan. Hay nako. Pag minamalas ka nga naman oh! Kung kailan naman nagmamadali ako eh.

Tinext ko na sina Dessa na malelate ako dumating then biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko.

Ang Diary Ko na Puno ng SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon