TCOTLG Chapter 17

5.8K 200 8
                                    

Chapter 17 "THE KINGS' MOVES TOWARDS THEM" (Bianca's Case and Mayco's MOVES: COURT??)

[Bianca's POV]

Hinabol ko si Jess tapos bigla siyang pumunta sa bushes. MAKAKATIKIM NG JAB ITO SA AKIN!!!

"J--- ARAY!!!"

Napaupo ako. May bumangga sa akin.

"Bianca??"

Napatingin naman ako sa nagsalita.

"MAYCO??"

Patay, baka makita ako ni Jalaica nito, sabi ko pa namang hindi ako mangingialam sa kanilang dalawa ni Mayco.

"May hinahanap ka ba?", tanong niya sa akin

"W-Wala! Sige, aalis na ako"

Tumayo na ako pero pinigilan niya ako.

"Teka, huwag ka munang umalis"

"Pasensya na pero may gagawin pa ako"

"Iniiwasan mo ba ako??"

Tinitigan ko siya.

"Bakit mo ako iniiwasan?", sabi niya na may halong pagtataka sa mata niya

"I-Iwas?? Hahahaha!!! Hindi kita iniiwasan!! Bakit naman kita iiwasan??"

"Noong friday, tinawag kita pero hindi ka man lang nag respond sa akin kahit nakita mo ako. May problema ba?"

Hindi ako tumingin sa kanya ng diretso. Ako kasi ang tipong babaeng hindi nagsisinungaling. At ayaw ng sinungaling.

"Pwede mo ako sabihan sa problema mo, nag-away ka kayong magkakaibigan?"

"Hindi", sabay iling ko

"Bakit nagkakaganyan ka?"

Sasabihin ko ba sa kanya?? Baka hindi siya maniniwala at isipin niyang sinisiraan ko si Jalaica sa mata niya.

"Tungkol ba ito kay Jalaica?"

Napatitig ako sa mata niya. Paano niya nalaman???

[Mayco's POV]

Tama nga ang hinala ko. Kitang-kita sa mata niya ang pagkagulat.

"P-Paano mo nalaman??"

"Hindi ka pala nagsisinungaling"

Umiwas siya ng tingin.

"Nakita ko kasi si Jalaica na nakatingin sa iyo nung tinawag kita, siguro may sinabi siya sa yong hindi maganda, ano ba yon?"

"Hindi ka naman maniniwala", sabi niya habang hindi tumitingin sa akin

"Tell me and I'll believe in you. Ikaw pa"

Tumingin siya sa akin.

"Sabi niya, lubayan daw kita"

Napangiti na lang ako.

"Apektado ka ba sa sinabi niya sa iyo?"

Napatingin siya sa akin. Pero yung tingin na walang emosyon.

"Hindi naman. Nagtataka lang ako kung bakit ang sasama nila sa amin eh wala naman kaming atraso sa kanila"

Kumunot ang noo ko. Ganito na ba sila ka pusong-bato at kahit man lang ni isang pagseselos hindi nila magawa?? Hindi pa ba sila na iin love sa amin?? Maghihigit isang buwan na at isang buwan na rin kaming nagpapapansin sa kanila para makakuha ng atensyon. Bakit ang hirap nila pa in lovin??

"Alam mo bang apektado ako sa sinabi niya sa iyo?"

Kumunot ang noo niya. Napangiti na lang ako, ang cute niya at napaka inosente talaga.

The Comeback of the Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon