TCOTLG Chapter 15

6.3K 198 9
                                    

Chapter 15 "Secret Admirer?"

- Saturday -

Nasa mall na pala kami ngayon.

"Ngayon Jess, ikaw ang fashionista dito, saan tayo pupunta?" - Jan

"Dito! Let's go!" - Jess

Tumakbo siya sa isang part ng mall na ito kung saan andaming mga damit.

"Pili na!" - Jess

Naglibot na sila. Ako? Psh, mamaya na.

Umalis na ako at naglibot-libot kung saan-saan. Boring ng mall talaga.

Oo nga pala, hindi ako naka salamin ngayon pero nakacontact lens. Pakana ito ni Jess at Bia.

"Excuse me", tawag ko sa sales lady

"Ano po yun ma'am?"

"Magkano ba ito?", sabay taas ng libro

"150 pesos po ma'am"

Ibinalik ko ito. Hindi ko pala nadala ang pera at credit card ko. Sabi kasi ni Bia, free raw.

Umalis na lang ako sa bookstore.

"Miss!"

Lumingon ako.

"Pinapabigay po"

Inabot niya sa akin ang libro na hinawakan ko kanina lang.

"Kanino galing?"

"Hindi po pinapasabi"

Chineck ko ang libro kung wala bang patibong o ano man.

"Pakisabi salamat"

Umalis na ako. Sino kaya ang nagbigay nito?

"Ice!"

Lumingon ako.

"Ice, nakapili ka na?" - Bia

"Hindi pa"

"Ha?? Kanina ka pa namin hinahanap! Akala namin, marami ka ng nakuhang magagandang damit, ikaw pa naman itong napaka conservative" - Jess

Tumingin lang ako sa kanila.

"Hayaan niyo na, tayo na lang ang pipili sa susuotin niya" - Jan

"I know the best dress for you!" - Jess

Hinila nila ako bigla. Psh, ayaw ko sabi ng masikip eh.

"Teka!", sabi ni Sab sabay lingon namin sa kanya

"Ano naman yun Sab??" - Bia

"Ano yan Ice?", sabi ni Sab sabay turo sa libro

"Ay tanga lang Sab no?? Siyempre, libro!" - Jan

"Akala ko ba hindi ka nagdala ng pera Ice?" - Bia

"Hindi nga"

"Eh bakit may hawak kang libro??" - Bia

"Shoplifting"

"ANO!!??", sigaw nila

"Ice, ikaw ba yan!?", sabi ni Jess na pinaharap ako sa kanya

"Ice, anong nangyari sa yo!?" - Jan

"Ice, may problema ka ba?? Naku, sana hindi ka mag suicide!!!", sabi ni Sab sabay yugyog sa akin

"Ice, kahit magkaibigan tayo, ipapakulong talaga kita dahil ninakawan mo ako! Pero dadalawin naman kita eh, wag kang mag-alala" - Bia

-__- OA sila masyado.

The Comeback of the Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon