Chapter 18 "THE KINGS' MOVES TOWARDS THEM" (Janna's Case and Kenneth's MOVES: An EVEN Challenge?)
[Janna's POV]
Kumaway na ako sa kanila. May nakita kasi akong booth eh. Yung baril-barilan? Kung nandito si Ice, naku kanina pa ito ubos. Hahahaha! Sa larangan ng paggamit ng iba't ibang weapons, siya na siguro ang master. Baril?? Sus! Nakahawak na yan. Sword? Katana? Dagger? Kunai? Shurikens? Bow and arrow? Kayang-kaya niya yan. Physical combat? Walang weapon?? In na in din siya.
"Miss, one shot please", sabi ko sa babaeng nasa booth
"OK po ate"
Kami ang mga seniors dito kaya nag-aate ito sa amin.
"Pikon, hilig mo pala ang mga baril?"
Lumingon ako sa likuran ko. Tsk, asungot talaga kahit kailan.
"Eh ano naman ngayon kung hilig ko ang baril?? Tabi diyan at baka ikaw pa ang mabaril ko. At tsaka hoy asungot, may atraso ka pa sa akin. Yung karera natin"
"Yun?? Sige, ano gusto mo gawin ko?"
"Lubayan mo ako"
"Napakahirap naman niyan"
"Anong mahirap don?? Wag ka lang sumusulpot sa harapan ko, wag ka lang magpakita sa akin, wag mo lang ako asarin, oh yan OK na"
"Kaya nga mahirap eh. Hindi kita makikita"
Napatingin ako sa kanya.
"Ate, ito na po"
"Salamat"
Kinuha ko ang baril at tinutok sa harap.
"What if kung mag challenge ulit tayo?"
"Ano?"
"I challenge you to finish all of that in just three bullets"
"Three?? Tsk, easy. Kahit isa pa. Tumba ko iyan"
"Tingnan natin kung magagawa mo iyan kapag ako ang nasa tabi mo"
"Huh?? Eh ano naman kung nasa tabi kita?? Gusto mo kapag napatumba ko yang mga yan, ikaw ang susunod??"
Ngumiti lamang ang loko.
"Ano? Susuko ka Janna?"
"Tsk, suko mo mukha mo"
Tinutok ko na ang baril sa harap. Nag site muna ako ng saktong anggulo. One shot meaning 5 bullets ang nasa iyo. Pero tatlo lang ang gagamitin ko kasi may deal kami.
"Ang ganda mo Janna"
O__O
- BANG! -
SH*T!! HINDI TUMAMA!!!!
Binaba ko ang baril.
"ANO BA ANG PROBLEMA MO!? FIGHT FAIRLY NGA!"
Nilapit naman niya ang mukha niya sa akin.
"Sabi ko sa iyo eh, hindi ka makapag focus dahil nandito ako"
SARAP SUNTUKIN!! SAPAKIN!! PATAYIN!!! Pero hindi pwede at baka maalarma ang mga tao ngayon.
Tinulak ko na lang siya at kinuha pabalik ang baril. Nag site na naman ako.
O__O
"Ang hot mo"
- BANG! -
"AH!", nabitiwan ko ang baril
Tumingin ako sa kanya na nakatingin lang din sa akin. Naiinis na talaga ako. Bulungan ba ako na "hot" ako!? I accidentally and unitentionally pulled the trigger!!!!!!!
BINABASA MO ANG
The Comeback of the Legendary Gangster
AksiIsa siyang gangster noon at nagdisguise na nerd ngayon. Tinalikuran niya ito dahil sa isang pangyayari. Tinagurian silang "THE LEGENDARY GANGSTERS". Pumasok sila sa eskwelahang hindi nila inaasahan. Kahit hindi transferees, iba ang tingin ng kanilan...