Chapter 8 "Five Queens VS. Them"
[Janna's POV]
Nasaan na kaya si leader? Di bale, manonood kami sa laban ngayong gabi sa Underground! Woho! We are officially back, baby! Gustong-gusto ko na talaga patayin ang mga taong humaharang sa daan namin, hehehe joke lang. Tinuturuan lang namin ng leksyon kasi ayaw ni leader pumatay. Hindi raw makatarungan. Bait niya no? Saan ba kasi kayo kukuha ng leader na gangster na hindi pumapatay? Uy, sa amin lang yun! Kung gusto niyang mawala ang kalaban niya sa paningin niya, ginagamitan lang niya ng devilish amber-eye cold stare sila. Hindi na kailangang pumatay kasi natatakot na sa kanya. Pati nga ako, natakot sa inasal niya kanina. Sipain ba ang upuan? At ito pa, ang dahilan kasi nakukulitan lang siya? Tsk, nga naman.
"Asan na si Ice?" - Jess
"Try mo kaya i-locate Sab" - Bia
"Ok"
Ayan na, kinakabahan na ang mga gangmates ko. One time kasi nawala si Ice alalang-alala kami, pagkabalik niya ang init na niya at nilalagnat. Yun pala, kumain ng maraming ice cream na chocolate. Tsk, hindi pa naman pwede yun sa kanya pag nasobrahan kasi umiiba ang asal niya at nilalagnat siya. Diba parang ironic? Ice ang pangalan niya pero kung masobrahan ng ice cream, magkakalagnat. May sakit bang ganun? Siguro? Ay ewan ko kay leader.
"Ano na Sab?" - Bia
"She block her connection" - Sab
Napa face palm si Bia. Siya kasi ang pinakaclose ni Ice dito sa aming apat. Close kami pero mas nakikilala kasi ni Bia si Ice dahil since birth magkasama na sila. Hahaha! Joke lang, ang parents nila close kaya close din sila.
Tumingin-tingin ako at nahagilap sa mata ko ang Five Kings na nag-uusap. Teka, 1, 2, 3, 4....... Asan ang leader nila? Nasaan si Ruan?
"Guys, what if we ask them kung nasaan si Ice?"
"Impossible Jan, hindi nila alam yun" - Jess
Sabagay....
- KRING! -
"Let's go na gang" - Bia
"Si Ice?" - Jess
"Mas magagalit siya kung hindi tayo papasok" - Bia
Tumango kami. Kung mainit ang ulo ni Ice, nandyan si Bia upang alalayan kami, lalo na si Ice.
Naglakad na kami papuntang classroom.
O____O
"ICE!!!!!"
Tumakbo kami sa kanya at niyakap siya.
"Ice, saan ka galing? - Bia
"OK ka lang?" - Sab
"Ice, may kaaway ka? Ano? Resbak?"
"Gaga! Kung meron man, hindi na niya kailangan ang tulong mo" - Jess
"Aba't! hindi ako kagaya mo no! FASHION lang ang nalalaman!"
"Mas mabuti na yan, may negosyo na ako. Eh ikaw? Ha?" - Jess
"Eh bakit? May problema ka?"
"Can you please quit that!? Nakakairita na!" - Bia
Nagzip naman ako ng mouth. Kami pala.
"Ice?" - Sab
Tumingin lang siya sa amin. Mama, ang cold stare niya, nakatakot. Ano ba ito....
Ice (.~~) ---cold stare--- (^^!) kami
"I-Ice?"
"Ang iingay niyo" - Ice
BINABASA MO ANG
The Comeback of the Legendary Gangster
AkčníIsa siyang gangster noon at nagdisguise na nerd ngayon. Tinalikuran niya ito dahil sa isang pangyayari. Tinagurian silang "THE LEGENDARY GANGSTERS". Pumasok sila sa eskwelahang hindi nila inaasahan. Kahit hindi transferees, iba ang tingin ng kanilan...