Kaibigan

105 5 0
                                    

Kaibigan mo ako diba?

Kaya nga lagi akong nandito para patawanin ka tuwing nalulungkot ka e.
Kaya andito lang ako lagi para saluhin ang mga problema mo kapag di mo na kaya.
Kaya hindi kita iniiwan lalo na sa tuwing hirap na hirap ka na.

Takbuhan mo sa bawat pagsubok sa daraanan mo sa buhay.
Ang iyong tunay na kaibigan na laging nasa tabi mo para suportahan ka sa lahat ng bagay na ikinakasaya mo.

Hindi ko gustong malungkot ka.
Hindi ko gustong nasasaktan ka.
Hindi ko gustong nahihirapan ka.
Lalo na sa piling ng babaeng inasahan mong aalagan at mamahalin ka.

Pero alam mo, minsan naisip ko din na sana...

Sana malungkot ka nalang palagi.
Sana parati ka na lang may problema.
Sana lagi ka nalang naghihirap.

Para naman lagi kang nasa tabi ko.
Para naman lagi kang nasa piling ko.
Para naman makita mo na kahit papano...
Ako ang tunay na nagmamahal sayo.

Madalas nga tinatanong ko kung bakit hindi nalang ako ang pinili mo eh. Lagi naman akong nandito, hindi kita iniwan.

Pero sino ba naman ako para magreklamo?
Kaibigan mo LANG naman ako, hindi ba?

Over thinking (English & Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon