Parehong tanga

61 6 0
                                    

Bakit ang hilig mo sa kanya?
Talaga bang wala kang ibang nakikita?
Hindi ka naman bulag at may utak ka, bakit ka sa kanya nagpapakatanga?
Hindi naman siguro masakit ang leeg mo para hindi lumingon sa iba?
Kung madadapa ka man ay hindi na ako magtataka
Pero huwag kang mag-alala
Hindi ko hahayaang bumagsak at masaktan ka
Nandito lang ako palagi sa likod mo
Ako sayo'y susuporta sa tuwing hindi mo na kaya
Dahil alam kong hindi mo kayang mag-isa

Ngunit ewan ko ba at sayo ako'y naloloko ng ganito
Siguro ay mas tanga pa ako sayo
Oo, Alam kong wala akong tsansa sa iyo
Pero mas pinili kong huwag umalis sa tabi mo
Oo, Mas tanga ako sayo
May utak din ako ngunit puso ang pinagana ko
Oo, Sobrang tanga ko
dahil kahit alam kong ang pinapangarap ko
Ay meron naring pinapangarap na ibang tao.

Over thinking (English & Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon