Mamahalin kita, hanggang sa abot ng aking makakaya
Iintindihin kita, hanggang sa malito na ako
Kung anong totoo at hindi sa sinasabi mo
Paparamdam ko sayong mahal kita,
Hanggang sa mamanhid na ang buong katauhan
Na wala kang pake sa nararamdaman ko
Hahawakan kong mahigpit ang kamay mo,
Hanggang sa unti unti itong lumuwag
At tuluyang kumawala sa'yo
Hahalikan kita sa iyong mga labi
Na dati'y kay tamis sa tuwing dumadampi
Pero ngayo'y wala na at puro na lamang pait
Yayakapin kita ng mahigpit
Hanggang sa maramdaman kong gusto mo nang kumawala
Hihintayin ko nalang
Na ang sarili ko ay magsawa
Hahabulin kita
Hanggang sa makapos aking hininga
At maisip, na wala ka na pala talaga

BINABASA MO ANG
Over thinking (English & Tagalog)
PoesíaHello guys! Sorry these are just some of my random thoughts everytime im happy, sad, angry, depressed? Hope you like it! -like -comment -share If you want :)