Alaala

55 3 0
                                    



Hanggang ngayon ang sarap paring balikan,
Ang sarap alalahanin lahat ng ating pinagsamahan
Lahat ng alaala na ginawa nating dalawa,
Mga alaala na hindi mapapalitan ng kahit anong halaga

Yung mga ngiti at tawa mo na walang katapusan,
Yung mga halik at yakap mo na ayoko ng wakasan,
Yung mga ginagawa nating dalawa.
Yung dating tayo na ang sarap balik-balikan

Pero lahat ng yun hanggang alaala na lang,
Hanggang sa panaginip ko
Ikaw parin ang laging laman ng aking isipan,
Na kahit anong gawin ko, alam kong di kita kayang kalimutan

Kahit pa gustuhin kong bumalik ka,
Hinding hindi na mabubuo yung puso ko na ikaw mismo sumira,
Kasabay ng pagtapos mo ng storya na tayo'ng dalawa ang bumuo,
Siya ring pagkawala ng kaligayahan at ngiti sa mga labi ko.

Over thinking (English & Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon